» 2008 » May
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Archive for May, 2008

Palatastas #13: Takdang Aralin

Thursday, May 29th, 2008
Babala! Cuidado! Paunawa! Advertencia! Paalala! Warnung! Warning! Reminder! De waarschuwing! Avertissement! Assignment! Homework! Gawaing Bahay! Takdang Aralin! At kung anu ano pang achuchuchu!

Palatastas lang to. Sandali lang ito, pramis!

Nainggit kasi ako sa blog roll ni kampanerong kotseng kuba at nung dyosang palaboy-laboy. Oo na. Inggitero talaga ako ! Kung mapapasyal kayo sa site nila, ang kyut ng blogroll,tayp ko. Kaya esep-esep kong ayusin ulit ang aking list katulad nung pautot nila sa blogrolls nila.

Kung kaya naman, kung gusto mo ding maging kyut sa blogroll ko, kailangan ko ng kopya ng iyong bio-data, 2 x 2 picture id, birth certificate, voter’s id, at 100 pesos na processing fee.

Kung seseryosohin mo yung nakaraang paragraph, malamang ikaw ay blonde o kaya eh bagong salta ka lang dito. Kailangan mo ng welkam palo ng bote ng kwatro kantos sa ulo. O sige, pede na rin ang bote ng emperador.

Ipadala mo lang sa akin ang 125 x 125 pixel pic ng iyong blog at syaang isasalpak kong link sa special section ng aking blogroll. 125 x 125 kasi sikatchupoy na ang entrecard kaya madami na ang meron nyan. Ipadala mo lang sa aking email sa buraot101@gmail.com, o kya naman ay ilagay mo sa airmail, lagyan mo ng selyo at ibigay sa kartero papuntang Timbuktu.

Pinakamadali pa rin ay magdrop ka lang ng entrecard sa 2 ko pang sites na me entrecard, ang The Antisocial at Literary Ekek. (wala dito sa Kulapo kasi bawal dun ang English carabao). Para lang ito sa mga blogs na gawa-gawa ng mga Pinoy hane? Kasi dito ko isasalpak ang special na blogroll sa site na ito.

At obvious naman na pang Pinoy lang kasi di mo maiintindihan ang mga epal ko dito kung di ka noypi. O sige na nga, pwede na rin ang half-half. Half-Pilipino Half-Pilipina. (walaaaaang kasawa-sawa sa cachupoy joke na ito)

At don’t forget pipol, ang aking walang katulad na pautot, Ang Sikatchupoy si BURAOT Contest, sayang ang premyo ano. So far, tatlo pa lang ang nakakapag pasok ng entry. Grabe handami!!! Lampas ng dalawa!

Kaya kung walang iba pang sasali, nyahahahhh! Siguradong wagi na sila lahat tatlo. Hawaaaaa!

Me Libre Kan Tutpik!

Tuesday, May 27th, 2008
Galing na naman akong dentista. Kung dati libre ang tutbras, ngayon me libre kan tutpik naman. Sinasagad ko kasi yung benepisyo ko bago pa ako lumipat ng raket.

As usual, kabado na naman ako. Kasi bukod sa regular na pasta (hindi spaghetti) eh bubunutan pa daw ako. Yun daw kasing isa kong molar eh durog na, di na madadala sa are-areglo ng pasta.

Para nga akong bata nung tinanong ko kung “dok pwede bang walang turok?” Natawa pa si dok at sabi “Sige, kung gusto mo na itatali ka ulit namin..” E susko, para naman akong nasa saykopatik kapag nakatali sa upuan katulad nung nakaraang session. Kaya, sige payag na akong turukan.

Unang turok pa lang, para nang kagat ng langgam. Langgam na kasinlaki ni mazinger z. Napilitan tuloy akong hawakan nung assistant nung napa-igtad ako sa sakit.

Ayun, naroong ginamitan ng kikil ata yun, kasi parang kinakayod ng husto ang bagang ko. Gumamit ng plies, pinilit hilahin. Sabi ni dok sabihin ko lang daw kung masakit.

Walangya, me anasthesia na nga masakit pa. Kaya sabi ko, dok…masakit.!Tinurukan na naman. Sabay kaskas ulit sa bagang ko. Dok masakit pa din! Turok na naman. Sabay hila sa gilagid ko. Dok masakit pa din! Tinurukan ulit. Sabay hila ulit sa bagang ko. Dok masakit pa din! Tinurukan ulit.

Ayun di ko na nararamamdaman yung kagat ng langgam. Kasi pakiramdam ko anlaki laki na ng nguso ko, mas malaki pa ke mazinger z.

Di ko naramdaman nuung sinusungkit nya yung sirang molar. Kaso ramdam na ramdam ko naman ang pamamaga ng nguso ko. Ewan ko ba, yun bang ramdam mo na namamaga yung nguso at gilagid mo walang sinabi yung nguso ni Angelina Jolie, pero pag hinawakan mo naman, hindi mo makapa. Pakiramdam ko nawawala yung nguso ko.

Matapos ang humigit kumulang, nahila na din yung natitira kong durog na molar. Kukunin ko sana souvenir kaso ayaw ni dok. Dahil sya daw ang bumunot noon, property nya na yun. Kanya daw souvenir. Hmmpt. Damot.

Kung bakit kasi di na lang ako nagpabili sa Blumentritt nung ibinebenta sa bangketa. Yung ipinapahid mo lang sa gilagid kung saan me masakit na ngipin. Pagkatapos mo ipahid yung “langis”, kusang nalalaglag yung ngipin. Kaso mo, pati yung healthy na ngipin, nalalaglag din.

Saka na lang siguro kapag kelangan ko na ng pustiso. As for now, papaputukin ko muna itong lumolobong nguso ko.

Holdap!

Wednesday, May 21st, 2008
Grabe yung holdapan kamakailan dyan sa atin, ni-holdap na nga yung bangko, tsinugi pa yung mga empleyado. Grabe, me pera na nga eh, nakuha pang patumbahin yung mga wala namang kinalaman dun sa pera ng bangko.

Ayoko sanang haluan ng medyo madrama o kung anupamang ekek itong blog na ito, kaso di ko maiwasang di magkumento.

Kasi naman, naalala ko din nung nasa Pinas pa ako. Ilang beses din yata akong naholdap sa bus. Dalawa lang ata. Yung perstaym ko eh galing akong Timbuktu kasabay ko pa yung ate ko at yung asawa nya. Pagsakay pa lang sa Barakolandia, napansin ko yung isa na me parang hinihithit, medyo kinabahan na ako. Ayun nga, pagdating sa South SuperDuper Highway, me parang nag-aaway at nagsisigawan sa me bandang harap. Dahil sempre, lang-magu to-its, yung mga alahas ko at relo, hinubad ko at isinuksok ko dun sa me mga singit singit ng upuan.

Ayun, holdap nga pala. So dahil mabilis ako nakapag-esep esep, walang natangay sa akin ang mga ungas.

2nd time ko naman, nung sa Gapo na ako humahada ng “wanna buy watch Joe?” type na raket. Papunta ako ng Manela para makita ang aking mader dear galing isteyts. Sa me San Fernando, Pampanga, me sumakay na maraming mga kelots. Nagkatinginan pa nga kami nung isa. Parang pamilyar kami sa isat isa. Di ko malaman kung bakit. Parang nag ala Madam Auring ako kasi me naramdaman ako.

Papasok pa lang sa North ExpressDupress Way, me pumara. Bumaba sabay kumaripas ng takbo. Nagkatinginan lahat kaming nasa me bandang una kasi kakasakay lang nung bumaba. Sabi ko, “brad, baka naman naglagay lang yun dito ng bomba ah?” Uso kasi ang bombahan nun, yung pinapasabog ang mga bus, bukod pa sa mga bomba sa pelikula.

Kinabahan kami lahat, pero dedma lang ulit. Ayan na po, pagpasok pa lang sa highway….

Holdap!Holdap! Pera o Puri!!!

Anim sila na de baril at 2 sa kanila me granada. Meron atang isa, dinamita ang dala. (O sige joke lang yung dinamita, ano kami, isda?) Grabe parang bigla kong naisip na magsigarilyo. Di ko na inalam kung totoong granada yun o lighter lang, mahirap na. Mukhang mga beterano pa naman kung kumilos, maliban dun sa isang bumaba at nagtatakbo na kasamahan pala nila.

Unang pasada, isa isang kinapkapan, pati mga bag. Yung isang ale, nag-inarte. Kesyo nasa ospital daw yung anak nya kaya kelangan nya ng pera. So dahil subalit datapwat ngunit pero because likas namang maawain yung holdaper, yung nakuhang 5,000 sa kanya, isinoli yung 3,000. Bait nya no? Sana kunin na sya ni Lord!

Ako, wala, barya lang, WW ako eh (walang-wala). Nung second wave (galing no me second wave pa), yung aleng nag-inarte, me secret pocket pala yung bag, at me lamang 10,000 pesoses. Nabwisit tuloy sa kanya yung mamang holdaper, kasi natimbrehan nya na ginogoyo lang sya.

Walangya ka, drinamahan mo pa ako, maluha luha pa naman ako sa yo..” Ayun binawi lahat ng datung nya.

Ako naman, nakapa sa bulsa ko salikod yung aking Press ID. Dati kasi akong nagsusulat sa TikTik Magasin. Heheheh. Kaya nung makita yung ID, “Tang$^% ka! Press ka pala ha?! Baka bukas, isulat mo kami ha?” Sabay suntok sa tyan ko. Punyemas, nabanatan pa ako. Hirap talaga ng takaw-bugbog.

Tiba tiba ang mga ungas. Pero dahil nga maawain naman sila, lahat halos eh binigyan ng pamasahe. Ambait talaga! Ako di na ako humingi, kasi baka maupakan na naman ako.

Nung makababa na sila, diretso sempre kami sa pinakamalapit na himpilan ng mga pulis patola. Habang iniinterbyu kami, yung isa tawa pa ng tawa. Sabi ko, “brod, bat parang ansaya saya mo pa? Eh naholdap na nga tayo.”

“Eh kasi binigyan ako ng pamasahe nung holdaper, 100 pesos.” sagot nya.

“Eh ano naman ngayon?” tanong ko ulit.

“Eh kundi ba naman tungak yung mga yun, eh singkwenta pesos lang ang nakuha nila sa akin. Mwahahaha (tawang ala Romy Diaz)”

“Walangya ka, kumita ka pa ng tapwe. Penge palang bente pamasahe?” ako ulit.

“Eh ikaw ba, magkano nakuha sa yo?” tanong nya.

“Bente.”

” O sya, etong bente mo, kawawa ka naman.” “Apir!”

Duwelo ng mga Eng Eng

Monday, May 19th, 2008
Nagba-blog hop lang ako at nagtitingin tingin ng mga bali-balita sa internet kanina. Naispatan ko ang isang news item sa yahoo homepage na me title na 2 Colo. Men Exchange Taser Shots Over Parked Van.

Sa title na title pa lang, medyo interesting na. Wala naman sya sa odd o funny news, pero dahil mukhang medyo kakaiba, binasa ko. Ayun, sabi ko na nga ba, me ala Lito Lapid at FPJ na nagdwelo. Parang nasa wild wild west, mga kawawang koboy.

Hanef din naman, taser gun ang gamit ng dalawa, kundi ba naman mga eng eng. Hindi na lang nagbunong-braso. O kaya nag pitik bulag. Nasubukan mo na bang matamaan ng taser gun? Masakit din yun ah!


Akala yata nila sila si Obi Wan at Luke Skywalker. Nakakatawang imadyinin na nagpapalitan ng putok ang dalawa gamit ang mga taser gun. Umilaw din kaya yun na parang laser saber?

Sayang at hindi nagawan ng video, patok na patok sana yun sa Iyotube.

Haaayyy!

Wednesday, May 14th, 2008
Nau-uryong na naman ako.

Two weeks na naman akong mala curacha, walang pahinga. Kasi naman yung isang kapalit ko sa trabaho, bigla na lang nag-quit. Wala tuloy ako pamalit. Tuloy di ko magawa yung ibang bagay na kelangan kong tapusin.

Pati yung mga anik-anik ng mga sites ko di ko mai-update tuloy. Kasi pagdating ko sa bahay, antok na antok na ako. Pati mga tubal (lamog, maduming damit) ko di ko na malabhan. Kaya ata walang gustong pumasok sa utak ko, di tuloy ako makapagsulat ng mga mala-impaktong pampadugo ng ilong.

Di na ako makatulog ng mahaba. Dati rati, ansarap ng tulog ko. Dahil pang-gabi ang byuti ko, pagdating ko sa bahay ng alas otso ng umaga, kakain lang ako ng breakfast, diretso ng tulog. Gigising ako nun, alas diyes na ng gabi para maligo at dumiretso na ulit sa trabaho. Sarap ng tulog. Dire-diretso, 14 hours.

Ngayon, maswerte na ko makakuha ng 6 hours sa dami ng aayusin at iisipin.

At dahil wala na nga akong ka-substitute sa trabaho ko, 2 weeks akong diretso na walang day op. Tapos me ppasok pang isang kumag na bago, sempre ite-train ko pa yun. Di bale kung mabilis maka pik-ap. Eh kung eng-eng? E di mas masakit sa ulo.

Mahirap din naman ang mag train ng bago, lalo na at walang experience. Kasi umpisa kayo sa zero.

Hay naku, buraot pa rin.

Starbaraks

Thursday, May 8th, 2008
Pwede sa akin ang decaf. Pero di talaga ako sanay sa regular na kape.
Sumakit ang batok ko kanina. Wala kasi akong magawa kaya, naisipan kong magkape. Wala naman kasing pangalan yung lalagyan kung decaf ba o hinde kaya nagbaka-sakali na ako. Pagkainom na pagkainom ko, bigla kong naramdaman na me gumuguhit sa batok ko. Yun ata yung mga ugat ko. Pati ang mga nerves ko sa katawan, nararamdaman ko na tumitibok at pumipitik. Grabe tama ko sa kape. Hyper ang katawan ko. Kape pa lang yun ha?
Ewan ko kung bakit ganun. Wala naman akong hypertension. Basta ganun ang epek ng kape sa akin minsan. Isip isip ko kung me bagay na nagpa high blood sa akin bago ako uminom ng langyang kape na yun. Wala naman. So kape talaga ang salarin.
Bata pa kasi akong regular na manginginom ng Nescafe tuwing umaga. Sya din ang pinaghuhugasan ko ng pandesal na me palamang Dari Creme. Minsan Star Margarine din para daw tumangkad ako, kaso wa epek naman, di naman ako tumangkad.
Pag tanghalian at hapunan naman, kasama ko din ang kape. Pag walang Nescafe, okey na rin kahit Great Taste. Depende sa ulam. Pag paborito ko ang ulam (pritong galunggong na tustado), yun di pwedeng wala akong kape. Kasi sya ang ginagawa kong sabaw sa kanin. Lalo na at bahaw ang kanin. Rapsadudels!
Kasi naman di pa ata uso noon ang mga decaf decaf na yan. Di uso ang health conscious noon ano.
Kaya siguro ngayong tumanda na ako, lumalabas ang epekto ng pagiging adik ko sa kape. Konting kape lang, lakas tama na ako at super hyper. Pati yata mata ko nakamulagat agad parang cartoons.

Kaya kahit masarap mag Starbaraks at umorder ng singol shorts nanpat banila lattey o kaya naman ay tol mokha parangalpaccino araw-araw, hindi na. Baka hindi kayanin ng powers ko, masapak ko kasalubong ko.

Lang-magu To-its!

Monday, May 5th, 2008
Minsan mahirap din kapag ang mga kasama mo eh puro magugulang (street smart po). Kasi lahat kayo magugulang, walang pwede malamangan. Pero paminsan minsan, pipilitin at pipilitin ng ilan na manggulang (manlamang) hanggat makakalusot. Kung makakalusot lang naman! Kung pupwedeng kitain ang pera sa madaling paraan, gagawin, hindi pagpapaguran.

Matagal na din naman akong hindi nakakauwi, pero hanggang ngayon sikat pa rin ang Recto. Kasi naman kung ang mga kolehiyo ay tinatawag na diploma mill ng ilan, and Recto ay literal na pagawaan ng mga diploma. Gusto mo, sa Harvard ka pa grumadweyt, pwede dun, meron din sila.

Madalas din ako noon dun. Pero hindi para magpagawa ng diploma, kundi ang magpagawa ng mga registration papers tuwing enrollment. Kasi naman noon, wala pa akong computer, sila meron pati mga scanner at kung anu ano pang gadget. Nagpapagawa kasi ako dun ng mga papeles na pang enroll.

Para sempre, mailagay ko dun sa mga papeles ang presyong gusto ko. Kung ang enrollment fee ko ay 12,000 pesoses, ipapalagay ko doble. O di ba, sarili kong magulang kina-katkongan ko. (Katkong tawag dun sa “cut” at/o patong)

Kaya naman tuwing enrollment, paldo ang lolo mo. Psst isang round pa nga!

Ngayon, di lang diploma marami dun, lahat ng raket meron. Lalo na ang mga murang cellphone. Alam na natin kung san galing yung mga yun. Kaya nga hindi ako magtataka kung makakabili ka ng iPhone dun. Ganun sila katindi.

Ewan ko na lang kung sa Luneta eh tuloy pa din ang mga raketeers. Kasi madalas noon, me mga “photographers” don na nakapwesto. Mag-aalok ng piktyur piktyur sa mga tatanga-tanga. Ang ulaga naman papayag sempre, magpapa-piktyur para ika nga me remember. Hihingan ni potograper si tanga ng deposit. Kasi nga naman, baka pagbalik ng potograper e wala na sila, malulugi nga naman si potograper di ba?

E di po-pose na yung mga pipiktyuran, ala pang FHM, sasabihin nung potograper…

“say Cheese!”
“okey, good…. one more… 1….2….4!”
“Klik! Kilik! Klik!” “Klik pa ulit!”

 


Ang di alam nung tatanga-tanga, wala namang lamang film yung camera, flash lang!

Kaya, hayun, ang kawawang pobre, gabi na, naghihintay pa dun sa me skating rink, hinihintay yung piktyur nila. Ang dehins nila alam, sa Timbuktu na dine-develop yun. Ang potograper, kung hindi nakauwi na, andun sa underground ng Luneta at nagpapalipas ng oras. Kung di mo alam, me underground po sa Luneta. Yung mga nakikita mong parang bilog na takip na parang papunta sa sewer system? Yung mga manhole? Me mga kwarto po dun na parang opis.

Dun kasi ako nag-oopisina noon kaya alam ko.

Mahirap ang nanlalamang sa kapwa. Lahat ng bagay umiikot at bumabalik. Ang tawag ng iba dito, karma. Pero sa totoo lang, natural ng ikot yun ng buhay.

Kaya naman natawa din ako nung mabalitaan ko itong isang pinsan ko, natural kasi na wais daig pa si Lumen. Minsan naglalakad sya papasok ng mabundol sya ng isang kotse. Daplis lang naman pero sempre natumba sya.

Nung matumba sya, parang me nag-spark na bumbilya sa kanyang brain. Kahit na walang masakit, nagkunwari syang me nararamdaman. Para nga naman bayaran sya ung nakabundol sa kanya. So ayun, sakit sakitan ang lolo mo. Dinala sya sa ospital. Siguro iniisip nya, kunwari magsa-shock shockan sya.

Ayun, nung dinala sa ospital, sempre check ap check ap. Wala namang bali or kung anupaman. Pero dahil sempre check ap, me nadiskubre ang doktor. Meron daw pala syang tuberculosis.

Ang galing ano po?

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana