Hay naku. Day off na naman. Bihira naman na akong mag off na ulit. Ngayon, nakakainip na naman. Nakakaburaot. Obvious ba na wala na naman ako magawa? Kasi nagpo post na naman ako sa mga kablogan ko.
Heto na naman ako. Pagkatapos ko paliguan si Tagpi, petik petik muna ulit. Ayoko namang lumabas kasi mainit na dito. Kaya tambay na naman ako dito sa lungga ko. Nakakatamaaaad!
Pati pagligo, tinatamad ako. Di bale, yung brief ko ililipat ko na lang sa Side B. Yukkie.
Sempre me naalala na naman ako. Dati kasi sa Dimasalang, sempre pag wala magawa, nakatambay lang. Minsan, nakaupo lang ako sa tambayan namin. Pa yosi yosi, nagpapaka pilosopo, nag-iisip kung bakit ako ipinanganak, nagbibilang ng sasakyan, at namimintas ng mga dumadaan.
Di ko napapansin, napapakamot ako. Parang me lamok na dumadapo sa batok ko. Maya maya pa, nakikita ko yung ibang mga tropa ko, na kanda ihi sa kakatawa sa akin. Sabi ko, bakit, ano nakakatawa? Wala lang, tawa lang sila ng tawa.
Dahil nakakahawa naman talaga yung hagalpakan nila, tawa din ako. Kahit di ko alam kung bakit.
Hanggang mapalingon ako. Yung isang tropan namin, walangya! Walang t-shirt, at naghihilod ng kanyang katawan gamit ang kamay at naglilibag. Kada hilod nya, binibilot nya yung kanyang libag ng kanyang daliri at ibinabato sa akin.
Hinayupak. Yukkie talaga. Kaya pala. Muntik ko na masapak ang kabron.


buti hindi kulangot o kupal na binilog ang binabato sayo
paperdoll’s last blog post..KWENTUTAN
taena, bugbog na aabutin sa kin nun!
[...] hindi miminsang kinakailangan kong maglipat ng aking underwear from Side A to Side B. Minsan naman, habang naliligo, lalabhan ko na sya at isasampay salikod ng ref habang nakamaong ako [...]
toinkz.eh uber yuckie naman yung kulangot….ibang trip din yang mga kaberks mOO…. hehehe
kaya nga, pang-asar!