Holdap!

I- Feysbuk Mo Mukha Mo!
Grabe yung holdapan kamakailan dyan sa atin, ni-holdap na nga yung bangko, tsinugi pa yung mga empleyado. Grabe, me pera na nga eh, nakuha pang patumbahin yung mga wala namang kinalaman dun sa pera ng bangko.

Ayoko sanang haluan ng medyo madrama o kung anupamang ekek itong blog na ito, kaso di ko maiwasang di magkumento.

Kasi naman, naalala ko din nung nasa Pinas pa ako. Ilang beses din yata akong naholdap sa bus. Dalawa lang ata. Yung perstaym ko eh galing akong Timbuktu kasabay ko pa yung ate ko at yung asawa nya. Pagsakay pa lang sa Barakolandia, napansin ko yung isa na me parang hinihithit, medyo kinabahan na ako. Ayun nga, pagdating sa South SuperDuper Highway, me parang nag-aaway at nagsisigawan sa me bandang harap. Dahil sempre, lang-magu to-its, yung mga alahas ko at relo, hinubad ko at isinuksok ko dun sa me mga singit singit ng upuan.

Ayun, holdap nga pala. So dahil mabilis ako nakapag-esep esep, walang natangay sa akin ang mga ungas.

2nd time ko naman, nung sa Gapo na ako humahada ng “wanna buy watch Joe?” type na raket. Papunta ako ng Manela para makita ang aking mader dear galing isteyts. Sa me San Fernando, Pampanga, me sumakay na maraming mga kelots. Nagkatinginan pa nga kami nung isa. Parang pamilyar kami sa isat isa. Di ko malaman kung bakit. Parang nag ala Madam Auring ako kasi me naramdaman ako.

Papasok pa lang sa North ExpressDupress Way, me pumara. Bumaba sabay kumaripas ng takbo. Nagkatinginan lahat kaming nasa me bandang una kasi kakasakay lang nung bumaba. Sabi ko, “brad, baka naman naglagay lang yun dito ng bomba ah?” Uso kasi ang bombahan nun, yung pinapasabog ang mga bus, bukod pa sa mga bomba sa pelikula.

Kinabahan kami lahat, pero dedma lang ulit. Ayan na po, pagpasok pa lang sa highway….

Holdap!Holdap! Pera o Puri!!!

Anim sila na de baril at 2 sa kanila me granada. Meron atang isa, dinamita ang dala. (O sige joke lang yung dinamita, ano kami, isda?) Grabe parang bigla kong naisip na magsigarilyo. Di ko na inalam kung totoong granada yun o lighter lang, mahirap na. Mukhang mga beterano pa naman kung kumilos, maliban dun sa isang bumaba at nagtatakbo na kasamahan pala nila.

Unang pasada, isa isang kinapkapan, pati mga bag. Yung isang ale, nag-inarte. Kesyo nasa ospital daw yung anak nya kaya kelangan nya ng pera. So dahil subalit datapwat ngunit pero because likas namang maawain yung holdaper, yung nakuhang 5,000 sa kanya, isinoli yung 3,000. Bait nya no? Sana kunin na sya ni Lord!

Ako, wala, barya lang, WW ako eh (walang-wala). Nung second wave (galing no me second wave pa), yung aleng nag-inarte, me secret pocket pala yung bag, at me lamang 10,000 pesoses. Nabwisit tuloy sa kanya yung mamang holdaper, kasi natimbrehan nya na ginogoyo lang sya.

Walangya ka, drinamahan mo pa ako, maluha luha pa naman ako sa yo..” Ayun binawi lahat ng datung nya.

Ako naman, nakapa sa bulsa ko salikod yung aking Press ID. Dati kasi akong nagsusulat sa TikTik Magasin. Heheheh. Kaya nung makita yung ID, Tang$^% ka! Press ka pala ha?! Baka bukas, isulat mo kami ha?” Sabay suntok sa tyan ko. Punyemas, nabanatan pa ako. Hirap talaga ng takaw-bugbog.

Tiba tiba ang mga ungas. Pero dahil nga maawain naman sila, lahat halos eh binigyan ng pamasahe. Ambait talaga! Ako di na ako humingi, kasi baka maupakan na naman ako.

Nung makababa na sila, diretso sempre kami sa pinakamalapit na himpilan ng mga pulis patola. Habang iniinterbyu kami, yung isa tawa pa ng tawa. Sabi ko, “brod, bat parang ansaya saya mo pa? Eh naholdap na nga tayo.”

“Eh kasi binigyan ako ng pamasahe nung holdaper, 100 pesos.” sagot nya.

“Eh ano naman ngayon?” tanong ko ulit.

“Eh kundi ba naman tungak yung mga yun, eh singkwenta pesos lang ang nakuha nila sa akin. Mwahahaha (tawang ala Romy Diaz)”

“Walangya ka, kumita ka pa ng tapwe. Penge palang bente pamasahe?” ako ulit.

“Eh ikaw ba, magkano nakuha sa yo?” tanong nya.

“Bente.”

” O sya, etong bente mo, kawawa ka naman.” “Apir!”

Tags:

This entry was posted on Wednesday, May 21st, 2008 at 3:25 am and is filed under MGA GAGONG INOSENTE, ONLI IN DA PILIPINS. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

3 Responses to “Holdap!”

an entry to remember « The Invisible Blog October 13th, 2008 at 7:04 pm

[...] holdap! – bakit kamo eto ang napili ko? alam naman nating walang nakakatawa kapag naholdap ka lalo na kung malaking halaga ang nalimas sayo ng mga putaragis na holdaper..mas masaklap pa kapag iniwan ka ng remembrance na hiwa sa tagiliran o di kaya ay mamatayan ka ng kaibigan o kamag anak. ako nga rin muntik muntikan na madale ng mga yan. maysa-palos lang talaga ako at natural na pugante kaya nakakalusot naman sa awa ni Lord. ni singkong duling eh walang nakuha sakin nung minsang kinapkapan ako at ng mga kaibigan ko. (eh sa wala naman talaga akong kadatung datung nun dahil nakapambahay lang ako at butas pa yung bulsa nung short ko). dyan sa entry na yan pinakita na pwede ring maisahan ng hindi sinasadya ang mga holdaper. sabagay, barya na lang yun kung tutuusin dahil sa dami ng nakulimbat nila nung mga oras na yun pero hindi lahat ng pasahero sa bus ay naiwang luhaan. ganyan talaga ang pinoy, tuwang tuwa kapag nakaisa sa kapwa. nakakangiti kahit pa nanganganib na ang buhay (baliw?). o sya sige ayoko naman ikwento rito ang buong istorya. basahin nyo rin yung luma nyang entries dahil makabuluhan lahat yun at puro true to life stories na maaaring mag iwan ng kurot sa mga nipols nyo. [...]

vhonne October 15th, 2008 at 3:27 pm

ahaha… ngaun ko lang nabasa… pero ang galing nung nasa pulis isteysion na… ahaha… pwede palang gawing hanapbuhay eh… kumikita ng doble…

vhonne’s last blog post..First Time Ko

karendayle.com » Blog Archive » ang kawindangwindang na pautot ni BURAOT | Meet the young Filipina blogger. November 11th, 2008 at 3:34 am

[...] pinaka type ko sa iyong entries ay ang HOLDAP!!! bakit?masyaduh akong natuwa doon sa pagkwekwento mo kay manong tawa ng tawa kasi nakadengkwat pa [...]

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes