» 2008 » June
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Archive for June, 2008

Kuko-rookookooo! Rayuma!

Sunday, June 29th, 2008
Malabo akong maging D.O.M. Kasi kahit feeling ko old man na ako, di naman ako dirty. Ganun ka-simple. Di rin ako yung tipong matandang mayamang madaling mamatay. Kasi kahit medyo tumatanda na ko, di naman ako mayaman. At mas lalong di ako madaling mamatay. Masama ata akong damo.

Puro lang tama, pero di namamatay. Ala Lito Lapid. Yun bang kahit nakaluwa na ang bituka nya sa pelikula, buhay pa rin at nauubos pa nya ang kalaban. Ganun.

Ganun na ata ang katulad ko. Kahit puro tama na ko, di pa rin ako mamatay-matay. Bukod kasi sa HIV ko, eto at ilang araw na akong pagapang-gapang sa isa pang sakit na minana ko sa tatay ko. Gout, rayuma, arthritis, kainis.

Nung una akala ko, me bali lang ako. O kaya naman eh me naputol lang akong nerve endings sa me bandang paa. Kasi minsan, nagbubuhat kami ng utol ko ng cabinet mula sa third floor pababa nang (bwenas) masalugsog ang kuko ko sa hinlalaki sa paa. Grabe teng sa sakit! Nung tingnan ko yung kuko ko, nakalawit na lang sya at konting hibla na lang ng laman ang nagko konek sa kuko at dun sa daliri sa paa.

Pero kahit masakit, umiral na naman ang aking pagka Ernie Barong. Naesep ko, kung hahayaan ko lang syang nakalawit, mas lalong masakit tuwing igagalaw ko. Baka mas lalong ma-impeksyon. Kaya mas wais kung aalisin ko na ng husto yung kuko. Kaya ang ginawa ko, dahil lahing andres bonifacio ata ito, hindi atakbo, buong tapang akong kumuha ng unan, kagat kagat ko, sabay kuha ng plies at hinugot ko yung kuko kong nakalawit sa hinlalaki ko. Nung araw ding yun, mas naiintindihan ko na kung ano ang naramdaman nung mga pinoy na tino-torture nung mga sakang noong panahon ng Hapon. Very educational.

Buhat noon, sumasakit na palagi. Kaya akala ko yun ang dahilan ng pananakit ng paa ko. Hanggang di na rin ako nakatiis, nagpa doktor na ako. Ang sabi, rheumatoid arthritis daw. Nung pumapalag ako kasi sabi ko pangmatandang sakit lang yun, kahit daw pala bata nagkakaganun, at mana mana din daw. Ang gamot? Sinaksakan ako ng steroids. Akala ko nga naliliitan sya sa akin eh, kala ko papalakihin nya masel ko. Di pala. Para daw pala yun dumaloy ang dugo dun sa paang masakit. Ganun pala yun.

Kaso mo, di pwedeng steroids palagi, kasi baka sumobra na ng laki ang madali daw kapitan ng virus kapag nag-i-steroids. Saka baka masanay ang katawan ko dun, mahirap na, di naman ako athlete.

Kainis pa, dahil sa marami kaming magkakapatid at malaking pamilya, talo ako lagi kapag tine-trace ang medical history ng pamilya. Kaya nung iniisa-isa nung doktor ang mga sakit at kung meron nito ang kamag-anak ko, pasok ako lahat.
Buraot, any in your family have diabetes? My uncle and my utol. TB? My dad used to have one. Heart problem? My other brother had a valve replaced. Lung disease? My erpats. High blood pressure. My ermats. Stroke? My other utol. Arthritis? My erpats and other utol. Cancer? my lola on the other side. Magtatanong pa ata kaya pinutol ko na… name it we have it! Sa dami ba naman namin, e di sempre, lahat pasok.
Kaya sa dami ng history ng sakit sa pamilya, kulang na lang sabihin sa akin na bawal akong kumain. Anong palagay nya sa kin, si Mahatma Gandhi?

Kaya eto, kahit mahapdi na ang tyan ko sa mga gamot, inom pa rin ng inom, no choice. Kaso mo yari naman ang bituka ko, yung tyuhin ko pa naman namatay sa ulcer. Di bale sana kung me pito-pito dito.

Tag ni Enday

Tuesday, June 24th, 2008
Forty-payb years na rin ng huling sumagot ako sa mga tag-tag na ganito. Madami pa rin akong naka-imbak sa baul. Sensya na sa mga nag-tag. Me Alzeimer na ata ako eh. Pero eto, ibabalik ko na, pampalaman sa blog. Heheheh.

Unahin ko na itong isang galing sa bagong presheep na si Enday. Ala slumbook ang dating nito, buti na lang 5 questions lang.. oopps 6 pala.

1. What was I doing 10 years ago?

Anong year na ba ngayon? Ahhh.. 1998… naglalamyerda ako sa Subic noon. Nagje-jetski ako hila hila ko yung barko ng US Navy.

2. What are 5 things on my to-do list today?

Una, mag log in sa aking blog…
Pangalawa,sagutin ang tag na ito sempre….
Pangatlo, maghanap ng makulit na piktyur para isalpak sa pautot na ito …
Pang-apat, ipost ang entry na ito sa blog ko….
At panglima, mag-logout at matulog.

3. Snacks I enjoy:

Adobong mani, nilagang mani, nagaraya (mani pa rin), kwek kwek, betamaks (isaw), helmet (ulo ng manok), adidas (paa ng manok), curly tops, flat tops, at serge (tsokoleyt yun ni kopong kopong).

Kelangan me kasamang sarsi. Di pedeng wala.

4. Places I’ve lived:

Pinanganak ako sa Oriental Mindoro, lumaki ako sa Dimasalang. Madalas ako magbakasyon sa Isla Verde, Batangas kasi tagaron ang tatay ko. Tumira ako ng matagal sa Olongapo at Hermosa, Bataan at Los Angeles (California hindi sa Pampanga). Suki ako sa Iba, Zambales. Lagalag ako sa Batangas, Cavite, Laguna, Quezon. Oo buong Southern Tagalog. Pati na rin sa Pangasinan, La Union, Benguet hanggang sa Romblon at Palawan. Di na ako rumonda sa masyadong south, takot kasi ako makidnap ng Abusayap.

5. Things I’d do if I were a billionaire

Ipapamigay ko yung iba para di na ako billionaire, millionaire na lang. Takot nga ako makidnap eh.

Hello, Garci… ako ito. Oo si Buraot daw billionaire na.
6. People I want to know more about

Sempre, yung abusayap. Nukaba? Para hindi nila ako makidnap.

O sino ang gustong magpa-link dyan… yuhooooo.. paramdam lang at ita-tag ko dito.

May HIV Ka Na Rin Ba?

Tuesday, June 17th, 2008
Edad trenta ako nang malaman ko. Buraot na nga ako, nadagdagan pa ang pagka-buraot ko. Kaya yata buhat noon, hindi na ako nagbe-bertdey. Napako na sa trenta ang edad ko. Ayoko kasing mawala sa kalendaryo. At mas lalong ayoko na mapasama sa bingo. Tutal baka hindi na rin naman ako umabot ng sitentay singko (yung huling numero dun sa bingo card, hello?).

Hindi ko malaman kung saan ko nakuha. Sabi kasi nila, ganon daw kapag palikero ka. Di naman ako palikero talaga. Palengkero pwede pa. Di rin naman ako skirt-chaser tulad ng iba. Nagkataon lang talagang likas akong mapagbigay (ahem). At lalong hindi ako chikboy. Yung pwede sa chick pwede sa boy.

Siguro dahil maaga akong nag-umpisa sa buhay. Maaga akong nagbisyo. Madalas nga noon, napapansin ng nanay ko kung bakit hingi ako ng hingi ng barya. Akala nya nya, nagugumon ako sa tong-its. Di nya alam, binibili ko ng yosi. Madalas na rin akong lasing noon, di lang napapansin nung mga kuya ko. Madalas kasi, mas lasing sila kesa sa akin.

At hindi din nila alam na kahit bagets pa ako, nakakapasok na ako sa mga lugar na patay-sindi at mga lugar na mapupula ang ilaw. Kasi naman napapaligiran nung mga ganung klaseng lugar yung eskwelahan namin. Ang akala lang nila, diretso ako sa iskul. Kahit pa Sabado at Linggo. One time akala nila aquarium ang “school project” namin kasi madalas namin pagkwentuhan nung kaklase ko yun. Sempre kelangan ng gastusin para sa aquarium. Di nila alam ibang aquaruim yung project namin. Yung walang isdang lumalangoy. Di rin kelangan ng tubig, pwera na lang siguro pagkatapos mong lumangoy.

Kung magkwento ako, parang sobrang tanda ko na. Di naman ako kasingtanda ng lolo ko. Maaga lang talaga akong nag-mature.

Pero tingin ko talaga, nagmana ako sa tatay ko. Me HIV din kasi yun. Kung bakit naman kasi isang dosena kaming magkakapatid, ako lang ang nakamana. Hawa!

Lahat na nga nasubukan ko para lang gumaling ang HIV ko, pero wala talaga. Eh ano magagawa ko eh sa meron ako. Kaya ang siste ko na lang, maging proud. Yun daw ang pruweba na ikaw eh sweet lover. Hehehehehe.

May Hair Is Vanishing ka na rin ba? Pareho tayo. Subukan mo mag-sabila, ikaskas mo sa anit mo. O kaya naman yung shampoo ng kabayo. Wag mo lang kalimutan yung tapa-oho mo, tapos punta kang San Lazaro magdala ka ng dividendazo.

Me Internet na Ako!

Sunday, June 15th, 2008
Ayun, matapos ang fortypayb years, nagka-internet na din ako. Nauna pa sa linya ng telepono. Kasi naman sa PLDT pa ako nagpa-kabit. Naisip ko nga baka ang telepono na ibibigay sa akin yung kulay itim pa. Yung de-ikot ang numero. Hi-tech.

Nakakaburaot na din kasi. Ipinahiram nga sa akin ng kasera ko yung mala-higanteng TV nila sa akin, kaso mo wala naman akong mahagilap na channel. Hanggaling. Wala naman akong DVD player sa kwarto ko. Wala naman akong atik na ipapambili pa kasi kakalipat ko pa lang. Ayun hitech nga ang TV, props lang.

Nilagyan din nila ng microwave ang room ko, dyoskoday, kasinglaki naman ng kabinet. Okay na rin kesa sa wala. Di ko pa naman balak bumili ng bago, magagastusan pa ako. Tuatl wala pa naman akong balak ipalagay sa Architecture Digest yung piktyur ng rum ko, o kaya ipa feature sa Cribs sa MTV.

Di rin ako makapag update ng aking mga ka-blogan. Dumadayo pa ako sa starbaraks para lang makapag-check ng email. Hirap pa nun, para na naman akong me epilepsy. Adik na adik tuloy ang dating ko pag nagta-type. Bukod sa super lamig sa labas ng starbaraks (bawal magyosi sa loob no), nanginginig na naman ako sa sobrang kape.

Buti na lang me naispatan akong internet provider na pwedeng walang telefon at di na rin kelangan ng cable. Kaya swak na swak. Okey sa olrayt, pwede na ulit akong makipag-cyber mag-online. Para syang wi-fi na satellite. Binigyan lang ako ng kahon na parang balikbayan box, oks na. Kahit san ko daw dalhin yung laptop ko, basta dala ko yung box, me internet ako? Heller? Gawin ba akong kargador?

Basta, at least, online na ako. Makapag-post na nga.

Rumeyts!

Monday, June 9th, 2008
Heto na nga po ako. Sa kayabangan kong magsolo at masubukan ang totoong buhay Amerika, nag-trip akong maglipat. At hindi lang basta basta lipat-bahay ang ginawa ko, lumipat pa ako ng ibang state.

Sempre hanap-hanap muna ako ng apartment. Pero dahil handami din palang tsetese buretse sa pagrenta ng apartment dito, no choice ako kundi umupa na lang muna ng room. Kadalasan, hinahanapan ako ng reference at history dun daw sa mga nakaraang inupahan ko. Eh kundi ba naman sila mga ungas eh, wala naman ako nun. Kasi naman sa LA, di naman ako umuupa, kasama ko sa bahay ang mga utol ko at si ermats. So, di din uubra.

Kaya hanap pa rin ako kahit room na lang muna, tutal bagong salta lang ako, okey na din para tipid. Hanggang me naispatan akong super mura. Nung una, akala ko nga scam, kasi marami din dito sa Amerika ng ganun. Me style pa nga na kesyo, nasa ibang state yung magpapa-upa, at ipapadala mo sa kanya dun ang bayad, tapos saka lang nila ipadadala sa yo ang susi. Ano bale? Ito ba namang karakas ko na ito eh mauuto pa nila ako? Dehins ano! Lang-magu ata to-its!

So balik sa topic… itong naispatan ko, super mura. As in $200 a month lang. So sempre, subok din. Nung makita ko yung me-ari ng bahay, mukhang ok naman. At di lang yun, walang bayad ang utilities (tubig,kuryente,cable). Me libre ka pang tutpik at tubras microwave at ref sa loob ng room mo. What a deal!

Pagkalipat ko pa nga, tinanong ako kung me TV ako, sabi ko wala. Ayun ipinahiram din sa akin yung HDTV na malaki. Hmnnnnn…. medyo kinakabahan nga ako eh. Esep-esep ko, di kaya ala Texas Chainsaw Massacre ang ending nito?

Para kasing too good to be true. Eniwey, nakikiramdam din ako, at lalagyan ko ng double-lock at kadena yung pinto ko, mahirap na.

Bale 4 bedroom house sya. Yung master’s bedroom, sempre andun ang me-ari. Isang matandang byuda na me kapansanan. Parang me problema sya sa kanyang motor skills, nalimutan ko na tawag dun. Pero mas kinakabahan ako, tipikal kasi na katulad nung mga nasa pelikula. Sinusubukan ko ngang silipin yung kanyang ref sa kusina, baka mamaya, me mga chop-chop na body parts doon.

Yung tatlong extra rooms naman, pinapaupahan nya. Yung nasa isang room, nakita ko na, puti na lalaki, mukhang di naman galing sa mental kaya medyo nakahinga (konti) ako ng maluwag. Yung nasa isa pang room, di ko pa nakikita. Takot ata sa tao. Minsan lalabas ako, saktong lalabas din sya at magbubukas ng pinto, pero kapag naramdaman nyang me ibang tao, di na sya tutuloy. So esep-esep ko, baka si Freddie Kruger yun, o kaya si Jason.

Nakaka-isang linggo na ako dito, so far wala pa naman akong nararamdamang kakaiba maliban dun sa isa kong rumeyt na ayaw magpakita.

Pero kapag isang buwan na wala pa akong post dito sa blog ko, eh alam nyo na ibig sabihin nun. Joke lang. Takot ako sa dugo.

Lipat Bahay (Sayang Wala Akong Baong EraseYourHead CD)

Friday, June 6th, 2008
Eto na naman po ako. Walaaaaang kasawa-sawa. Sa tinanda-tanda kong ito, di pa rin nagsasawa na mag-ala Indiana Jones. Hindi, di ako nagpunta sa mga gubat para maghanap ng dyamante o kung anupaman.

Nagpanibagong kuta lang naman ako. At kung sa atin, kelangan mong umupa ng trak para maglipat bahay, dito U-haul ang nirerentahan. Pero di ko rin kelangan yun. Pinagkasya ko lahat ke Tagpi yung mga gamit na kailangan ko. Iniwan ko na lang yung iba. Mula sa Los Angeles, Californication ay nag drive ako papuntang norte. Wala lang, trip ko lang. Sabi ng nanay ko na kasama ko sa bahay, “bakit, wala bang ibang trabaho dito sa LA? Anong kaibahan ng trabaho dun sa Portland?”.

Hay naku, e gusto kong pahirapan ang sarili ko eh. Henube. Kaya ayun. Drive na ang lolo mo. At dahil madugo ang byahe, chinop chop ko. Nag stop over ako sa San Francisco. Hinto muna ako sa Jobilee doon para bumili ng chibog. Pagkatapos diretso sa Golden Gate. Susubukan kong patalunin dun si Tagpi.

Pero bago ako nakarating sa San Francisco, me nadaanan akong lugar na Whaw! Galing tol! Hokey sa olrayt! Mga bundok na kakaiba ang tanim! Mga higanteng wind turbines. Para silang mga laruang nabibili noon sa labas ng school na ipinapaikot at lumilipad. Ano na ngang tawag nun? Ah basta yun.

Ihininto ko si Tagpi at ipinarada sa gilid ng freeway. Kahit delikado at bawal, huminto ako. Enubeh! Kelangan kong mag piktyur piktyur! Kung papano, bahala na. Paglabas na paglabas ko ng kotse, Whaw ulit! Ang hangin, super duper lakas. Kasinlakas nang pinagsamang hanging amihan at habagat. Muntik na akong tangayin. Buti na lang, kakakain ko lang kaya medyo mabigat. Ganda ng view! Kakaiba! Andaming mga elesi. Di rin ako nagtagal, kasi mas lumalakas yung hangin, tingin ko tatangayin talaga ako. Dito ata nakuha ni Pareng Ely yung kantang Elesi.

Dun yata ako ginutom sa super lakas na hangin. Tamang-tama, malapit na sa San Francisco, dun naman talaga ako hihinto at kakain. Kaya ayun dumaan muna ako sa downtown para mag to-go sa Jobilee. Nakita ko pa nga dun si Alma Moreno. Sabi sa kanya nung nasa counter, “Ma’am for here or for take-out?” Sagot ni Ness, “ah eh… for Vandolph!” Talaga namaaaan. Me paningit pang cahupoy at kopong-kopong na joke.

Pagkatapos akong pabaunan nung tindera ng balde-baldeng gravy, diretso na ako sa me Vista point sa me Golden Gate para dun magpahinga at tsumibog. Pero sempre, bago ang lahat, posing posing muna. Kelangan magpa-kodak para me remember.

Matapos ang walang katapusang pagda-drive at rest area, nakarating din ako. Grabe ang driving teng. Pagkalampas ko ng Mt. Shasta, umpisa na ng sign na sinasabing PORTLAND. Nilubugan na ako ng araw, di pa rin nauubos yung sign, walaaaang katapusan. Ngarag na ngarag ang lolo mo. Sayang talaga, wala akong baong EraseYourHead CD. Kasi kung gusto nilang mag-drive, ako ata nagsawa bigla.

Ilang araw na nga ako dito sa bago kong kuta, ngarag pa rin ang byuti ko.

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana