Heto na nga po ako. Sa kayabangan kong magsolo at masubukan ang totoong buhay Amerika, nag-trip akong maglipat. At hindi lang basta basta lipat-bahay ang ginawa ko, lumipat pa ako ng ibang state.Sempre hanap-hanap muna ako ng apartment. Pero dahil handami din palang tsetese buretse sa pagrenta ng apartment dito, no choice ako kundi umupa na lang muna ng room. Kadalasan, hinahanapan ako ng reference at history dun daw sa mga nakaraang inupahan ko. Eh kundi ba naman sila mga ungas eh, wala naman ako nun. Kasi naman sa LA, di naman ako umuupa, kasama ko sa bahay ang mga utol ko at si ermats. So, di din uubra.
Kaya hanap pa rin ako kahit room na lang muna, tutal bagong salta lang ako, okey na din para tipid. Hanggang me naispatan akong super mura. Nung una, akala ko nga scam, kasi marami din dito sa Amerika ng ganun. Me style pa nga na kesyo, nasa ibang state yung magpapa-upa, at ipapadala mo sa kanya dun ang bayad, tapos saka lang nila ipadadala sa yo ang susi. Ano bale? Ito ba namang karakas ko na ito eh mauuto pa nila ako? Dehins ano! Lang-magu ata to-its!
So balik sa topic… itong naispatan ko, super mura. As in $200 a month lang. So sempre, subok din. Nung makita ko yung me-ari ng bahay, mukhang ok naman. At di lang yun, walang bayad ang utilities (tubig,kuryente,cable). Me libre ka pang tutpik at tubras microwave at ref sa loob ng room mo. What a deal!
Pagkalipat ko pa nga, tinanong ako kung me TV ako, sabi ko wala. Ayun ipinahiram din sa akin yung HDTV na malaki. Hmnnnnn…. medyo kinakabahan nga ako eh. Esep-esep ko, di kaya ala Texas Chainsaw Massacre ang ending nito?
Para kasing too good to be true. Eniwey, nakikiramdam din ako, at lalagyan ko ng double-lock at kadena yung pinto ko, mahirap na.
Bale 4 bedroom house sya. Yung master’s bedroom, sempre andun ang me-ari. Isang matandang byuda na me kapansanan. Parang me problema sya sa kanyang motor skills, nalimutan ko na tawag dun. Pero mas kinakabahan ako, tipikal kasi na katulad nung mga nasa pelikula. Sinusubukan ko ngang silipin yung kanyang ref sa kusina, baka mamaya, me mga chop-chop na body parts doon.
Yung tatlong extra rooms naman, pinapaupahan nya. Yung nasa isang room,
nakita ko na, puti na lalaki, mukhang di naman galing sa mental kaya medyo nakahinga (konti) ako ng maluwag. Yung nasa isa pang room, di ko pa nakikita. Takot ata sa tao. Minsan lalabas ako, saktong lalabas din sya at magbubukas ng pinto, pero kapag naramdaman nyang me ibang tao, di na sya tutuloy. So esep-esep ko, baka si Freddie Kruger yun, o kaya si Jason.
Nakaka-isang linggo na ako dito, so far wala pa naman akong nararamdamang kakaiba maliban dun sa isa kong rumeyt na ayaw magpakita.
Pero kapag isang buwan na wala pa akong post dito sa blog ko, eh alam nyo na ibig sabihin nun. Joke lang. Takot ako sa dugo.


[...] taka, bahay lang namin ang walang ilaw, yung poste at kapit-bahay, meron. Naglabasan ang iba pang ka-rumeyts ko. Ako naman, kakabakabakabakaba, kaba. Kasi baka yung kampyuter ko ang dahilan at nag brownout sa [...]
[...] totoo namang ikaw ay maririnde. Kaya ano pa ang itinatanga mo diyan, sumulat na ng entry at ang mga rumeyts mo ay sabihan upang sa pautot na ito ikaw ay magantimpalaan. Bago ko nga pala makalimutan, [...]