Me Internet na Ako!
Ayun, matapos ang fortypayb years, nagka-internet na din ako. Nauna pa sa linya ng telepono. Kasi naman sa PLDT pa ako nagpa-kabit. Naisip ko nga baka ang telepono na ibibigay sa akin yung kulay itim pa. Yung de-ikot ang numero. Hi-tech.
Nakakaburaot na din kasi. Ipinahiram nga sa akin ng kasera ko yung mala-higanteng TV nila sa akin, kaso mo wala naman akong mahagilap na channel. Hanggaling. Wala naman akong DVD player sa kwarto ko. Wala naman akong atik na ipapambili pa kasi kakalipat ko pa lang. Ayun hitech nga ang TV, props lang.
Nilagyan din nila ng microwave ang room ko, dyoskoday, kasinglaki naman ng kabinet. Okay na rin kesa sa wala. Di ko pa naman balak bumili ng bago, magagastusan pa ako. Tuatl wala pa naman akong balak ipalagay sa Architecture Digest yung piktyur ng rum ko, o kaya ipa feature sa Cribs sa MTV.
Di rin ako makapag update ng aking mga ka-blogan. Dumadayo pa ako sa starbaraks para lang makapag-check ng email. Hirap pa nun, para na naman akong me epilepsy. Adik na adik tuloy ang dating ko pag nagta-type. Bukod sa super lamig sa labas ng starbaraks (bawal magyosi sa loob no), nanginginig na naman ako sa sobrang kape.
Buti na lang me naispatan akong internet provider na pwedeng walang telefon at di na rin kelangan ng cable. Kaya swak na swak. Okey sa olrayt, pwede na ulit akong makipag-cyber mag-online. Para syang wi-fi na satellite. Binigyan lang ako ng kahon na parang balikbayan box, oks na. Kahit san ko daw dalhin yung laptop ko, basta dala ko yung box, me internet ako? Heller? Gawin ba akong kargador?
Basta, at least, online na ako. Makapag-post na nga.
This entry was posted on Sunday, June 15th, 2008 at 11:45 pm and is filed under amerkanong hilaw, buraot101. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
























