» Blog Archive » May HIV Ka Na Rin Ba?
BABALA:

Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Bite Me!

A BURAOT a day keeps the albularyo away!

TagNgYan Talaga Oo!
Wer Da Hell is BURAOT?
Barilin si Boy Pana
Panain si Ben Boga

May HIV Ka Na Rin Ba?

Edad trenta ako nang malaman ko. Buraot na nga ako, nadagdagan pa ang pagka-buraot ko. Kaya yata buhat noon, hindi na ako nagbe-bertdey. Napako na sa trenta ang edad ko. Ayoko kasing mawala sa kalendaryo. At mas lalong ayoko na mapasama sa bingo. Tutal baka hindi na rin naman ako umabot ng sitentay singko (yung huling numero dun sa bingo card, hello?).

Hindi ko malaman kung saan ko nakuha. Sabi kasi nila, ganon daw kapag palikero ka. Di naman ako palikero talaga. Palengkero pwede pa. Di rin naman ako skirt-chaser tulad ng iba. Nagkataon lang talagang likas akong mapagbigay (ahem). At lalong hindi ako chikboy. Yung pwede sa chick pwede sa boy.

Siguro dahil maaga akong nag-umpisa sa buhay. Maaga akong nagbisyo. Madalas nga noon, napapansin ng nanay ko kung bakit hingi ako ng hingi ng barya. Akala nya nya, nagugumon ako sa tong-its. Di nya alam, binibili ko ng yosi. Madalas na rin akong lasing noon, di lang napapansin nung mga kuya ko. Madalas kasi, mas lasing sila kesa sa akin.

At hindi din nila alam na kahit bagets pa ako, nakakapasok na ako sa mga lugar na patay-sindi at mga lugar na mapupula ang ilaw. Kasi naman napapaligiran nung mga ganung klaseng lugar yung eskwelahan namin. Ang akala lang nila, diretso ako sa iskul. Kahit pa Sabado at Linggo. One time akala nila aquarium ang “school project” namin kasi madalas namin pagkwentuhan nung kaklase ko yun. Sempre kelangan ng gastusin para sa aquarium. Di nila alam ibang aquaruim yung project namin. Yung walang isdang lumalangoy. Di rin kelangan ng tubig, pwera na lang siguro pagkatapos mong lumangoy.

Kung magkwento ako, parang sobrang tanda ko na. Di naman ako kasingtanda ng lolo ko. Maaga lang talaga akong nag-mature.

Pero tingin ko talaga, nagmana ako sa tatay ko. Me HIV din kasi yun. Kung bakit naman kasi isang dosena kaming magkakapatid, ako lang ang nakamana. Hawa!

Lahat na nga nasubukan ko para lang gumaling ang HIV ko, pero wala talaga. Eh ano magagawa ko eh sa meron ako. Kaya ang siste ko na lang, maging proud. Yun daw ang pruweba na ikaw eh sweet lover. Hehehehehe.

May Hair Is Vanishing ka na rin ba? Pareho tayo. Subukan mo mag-sabila, ikaskas mo sa anit mo. O kaya naman yung shampoo ng kabayo. Wag mo lang kalimutan yung tapa-oho mo, tapos punta kang San Lazaro magdala ka ng dividendazo.

Tags: ,

5 Responses to “May HIV Ka Na Rin Ba?”

  1. Anak ng Kulapo « *boSsAbOs* Says:

    [...] Pakaplog ay sioPAo ng 711, KAPe ng Starbaraks at Kwek-kwek na itLOG. So kung ayaw mong mahawa sa sakit nyang HIV ay sumali ka na sa kanyang pautot malay mo mailagay ka rin sa kanyang mga kaututang dila, tignan mo [...]

  2. paperdoll Says:

    http://myblogjazzryl.blogspot.com/

    ayan. . ginaya co lang ginawa ng mga tao sa paligid mo:D

    paperdoll’s last blog post..TAYM AWT PARA SA PAKULO NI BURAOT/ANAK NI KULAPO

  3. BURAOT Says:

    ok na yan. at least magaling ka na maglink. heheheh.

  4. » Blog Archive » Supotchupoy Ba Ang Tatay Mo? Says:

    [...] medyo manipis na talaga ang bumbunan ko, mahamugan lang, sinisipon na ako. Ganun ata talaga pag may HIV (Hair is Vanishing) ka [...]

  5. » Blog Archive » Utot Mo Blue Says:

    [...] At pagkatapos ay bibigyan na naman ako ng bagong gamot na wala namang sinabi sa pito-pito at dahon ng lagundi. Nung huling pasyal ko sabi ko baka naman may AIDS na ako “Hay buraot lahat ng test ginawa na sa yo, ultimo mga sakit na weird, wa din,” sabi nya. Pero HIV daw meron matagal na.  Hair Is Vanishing. [...]

Leave a Reply

Bwena Mano
Entredropper

Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!

Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!

Soundtrip: Manila Sounds
"Kilig to the bones, kadiri to death..." -Dina Bale

Proud to be PANGO!

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Stats mo Mukha Mo..
Baul ni Kulapo