Forty-payb years na rin ng huling sumagot ako sa mga tag-tag na ganito. Madami pa rin akong naka-imbak sa baul. Sensya na sa mga nag-tag. Me Alzeimer na ata ako eh. Pero eto, ibabalik ko na, pampalaman sa blog. Heheheh.Unahin ko na itong isang galing sa bagong presheep na si Enday. Ala slumbook ang dating nito, buti na lang 5 questions lang.. oopps 6 pala.
1. What was I doing 10 years ago?
Anong year na ba ngayon? Ahhh.. 1998… naglalamyerda ako sa Subic noon. Nagje-jetski ako hila hila ko yung barko ng US Navy.
2. What are 5 things on my to-do list today?
Una, mag log in sa aking blog…
Pangalawa,sagutin ang tag na ito sempre….
Pangatlo, maghanap ng makulit na piktyur para isalpak sa pautot na ito …
Pang-apat, ipost ang entry na ito sa blog ko….
At panglima, mag-logout at matulog.
3. Snacks I enjoy:
Adobong mani, nilagang mani, nagaraya (mani pa rin), kwek kwek, betamaks (isaw), helmet (ulo ng manok), adidas (paa ng manok), curly tops, flat tops, at serge (tsokoleyt yun ni kopong kopong).
Kelangan me kasamang sarsi. Di pedeng wala.
4. Places I’ve lived:
Pinanganak ako sa Oriental Mindoro, lumaki ako sa Dimasalang. Madalas ako magbakasyon sa Isla Verde, Batangas kasi tagaron ang tatay ko. Tumira ako ng matagal sa Olongapo at Hermosa, Bataan at Los Angeles (California hindi sa Pampanga). Suki ako sa Iba, Zambales. Lagalag ako sa Batangas, Cavite, Laguna, Quezon. Oo buong Southern Tagalog. Pati na rin sa Pangasinan, La Union, Benguet hanggang sa Romblon at Palawan. Di na ako rumonda sa masyadong south, takot kasi ako makidnap ng Abusayap.
5. Things I’d do if I were a billionaire
Ipapamigay ko yung iba para di na ako billionaire, millionaire na lang. Takot nga ako makidnap eh.
Hello, Garci… ako ito. Oo si Buraot daw billionaire na.
6. People I want to know more about
Sempre, yung abusayap. Nukaba? Para hindi nila ako makidnap.
O sino ang gustong magpa-link dyan… yuhooooo.. paramdam lang at ita-tag ko dito.


SikatchuPosts