Kuko-rookookooo! Rayuma!
Malabo akong maging D.O.M. Kasi kahit feeling ko old man na ako, di naman ako dirty. Ganun ka-simple. Di rin ako yung tipong matandang mayamang madaling mamatay. Kasi kahit medyo tumatanda na ko, di naman ako mayaman. At mas lalong di ako madaling mamatay. Masama ata akong damo.Puro lang tama, pero di namamatay. Ala Lito Lapid. Yun bang kahit nakaluwa na ang bituka nya sa pelikula, buhay pa rin at nauubos pa nya ang kalaban. Ganun.
Ganun na ata ang katulad ko. Kahit puro tama na ko, di pa rin ako mamatay-matay. Bukod kasi sa HIV ko, eto at ilang araw na akong pagapang-gapang sa isa pang sakit na minana ko sa tatay ko. Gout, rayuma, arthritis, kainis.
Nung una akala ko, me bali lang ako. O kaya naman eh me naputol lang akong nerve
endings sa me bandang paa. Kasi minsan, nagbubuhat kami ng utol ko ng cabinet mula sa third floor pababa nang (bwenas) masalugsog ang kuko ko sa hinlalaki sa paa. Grabe teng sa sakit! Nung tingnan ko yung kuko ko, nakalawit na lang sya at konting hibla na lang ng laman ang nagko konek sa kuko at dun sa daliri sa paa.
Pero kahit masakit, umiral na naman ang aking pagka Ernie Barong. Naesep ko, kung hahayaan ko lang syang nakalawit, mas lalong masakit tuwing igagalaw ko. Baka mas lalong ma-impeksyon. Kaya mas wais kung aalisin ko na ng husto yung kuko. Kaya ang ginawa ko, dahil lahing andres bonifacio ata ito, hindi atakbo, buong tapang akong kumuha ng unan, kagat kagat ko, sabay kuha ng plies at hinugot ko yung kuko kong nakalawit sa hinlalaki ko. Nung araw ding yun, mas naiintindihan ko na kung ano ang naramdaman nung mga pinoy na tino-torture nung mga sakang noong panahon ng Hapon. Very educational.

Buhat noon, sumasakit na palagi. Kaya akala ko yun ang dahilan ng pananakit ng paa ko. Hanggang di na rin ako nakatiis, nagpa doktor na ako. Ang sabi, rheumatoid arthritis daw. Nung pumapalag ako kasi sabi ko pangmatandang sakit lang yun, kahit daw pala bata nagkakaganun, at mana mana din daw. Ang gamot? Sinaksakan ako ng steroids. Akala ko nga naliliitan sya sa akin eh, kala ko papalakihin nya masel ko. Di pala. Para daw pala yun dumaloy ang dugo dun sa paang masakit. Ganun pala yun.
Kaso mo, di pwedeng steroids palagi, kasi baka sumobra na ng laki ang madali daw kapitan ng virus kapag nag-i-steroids. Saka baka masanay ang katawan ko dun, mahirap na, di naman ako athlete.
Kaya eto, kahit mahapdi na ang tyan ko sa mga gamot, inom pa rin ng inom, no choice. Kaso mo yari naman ang bituka ko, yung tyuhin ko pa naman namatay sa ulcer. Di bale sana kung me pito-pito dito.
Tags: rayuma, sakitchupoy
























February 28th, 2009 at 8:01 pm
Very nice information. I am very health cautious. I help to treat my friend who is having diabetes mellitus. He is now permanently cured
Take care
February 28th, 2009 at 10:34 pm
good to hear he’s permanently cured. wait, i didnt know it can be permanently cured?
March 15th, 2009 at 7:41 am
Very nice information. Thanks for this. By the way, did you write this article yourself? It looks familiar..
March 16th, 2009 at 8:52 am
but op kors diabetes! ano palagay mo sakin, nangongopya? heheheh.
anyway, are you a spammer? the signature looks familiar…