» 2008 » July
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Archive for July, 2008

Cachupoy Blogs Update

Thursday, July 31st, 2008
Lumabas na, at sempre late na naman bago ko mapansin, ang update sa pautot ng walang kapantay na si badudels ng kwentong barbero dot com ang mga nalalapit nang mga magiging champion na mga anak ni cachupoy.

Ito yung mga patawang blogs na walaaaaang kasawa sawa na magkwento ng kani-kanilang mga buhay buhay na walaaaaang kabuhay-buhay. Mga blogs na, dahil wala naman tayo lahat magawa, eh patuloy nating binabasa at pinag-aaksayahan ng oras. Natural, kasama ang blog na ito doon. Yun nga lang, mukhang me nakapindot ng pause button sa Anak ni Kulapo, dahil na-stuck ang bilang ng boto ko sa 2,700. Aba, hoy mga repapits ni Buraot, kung me natitira pa kayong pagnanasa sa akin, isama nyo naman ako sa top ten man lang. Tayp ko yung free t-shirt!

Para kung papano makisali, o kaya naman ay kung di ka pa nakakaboto, pwede mo ko iboto sa link na ito. O kaya dito. Kung ayaw mo pasabugin ko kampyuter mo!

Narito ang updated na mga bilang ng boto mula sa pinagsama-samang tantya ng Namfrel, Comelec, PPCRV, at PAGASA:

Rank 1: Inday [blogniinday.com]
Votes: 7,900 Round2 Rank: 1 Round1 Rank: 1

Rank 2: Chiksilog [chiksilog.com]
Votes: 7,200 Round2 Rank: 2 Round1 Rank: 9-11

Rank 3: Green Pinoy [greenpinoy.com]
Votes: 6,800 Round2 Rank: 3 Round1 Rank: 12-13

Rank 4: Kokey Monster [kokeymonster.com]
Votes: 4,900 Round2 Rank: 7 Round1 Rank: 21-22

Rank 5: Maruism [maruism.com]
Votes: 4,200 Round2 Rank: 4 Round1 Rank: 2

Rank 6 - 7: Mr. D [deardiarya.blogspot.com]
Votes: 4,000 Round2 Rank: 9-10 Round1 Rank: 9-11

Rank 6 - 7: Spontaneity [jojitah.com]
Votes: 4,000 Round2 Rank: 5-6 Round1 Rank: 5-6

Rank 8 : Maldito [thegreatmaldito.wordpress.com]
Votes: 3,600 Round2 Rank: 5-6 Round1 Rank: 4

Rank 9: Reyna Elena [reynaelena.com]
Votes: 3,400 Round2 Rank: 8 Round1 Rank: 3

Rank 10: Kwentong Tambay [kwentongtambay.com]
Votes: 3,000 Round2 Rank: 11-12 Round1 Rank: 23-24

Rank 11: Anak ni Kulapo [kopongkopong.blogspot.com]
Votes: 2,700 Round2 Rank: 11-12 Round1 Rank: 5-6

Rank 12: Chillidobo [chillidobo.wordpress.com]
Votes: 2,600 Round2 Rank: 9-10 Round1 Rank: 9-11

Sya, sya…. hangang 12 na lang. Nangangawit na ko mag cut en paste. Para sa kumpletong bilang ng mga boto kada presinto, pasyal kaw sa site ni Badudels, Project Lafftrip Lapalooza Update.

Hanef! Gandang Pa-Bertdey!

Tuesday, July 29th, 2008
Sa mga nakakilala sa akin kahit na anong pagtalikod ang gawin ko sa mga piktyur ko rito, buking na buking ang bertdey ko. Kahit pa di naman na ako nagbebertdey at ayoko nang maalala pa ang bertdey ko, sila mismo ang magkukusa na ipaalala sa akin kung gano na ako katanda.

Kahit pa nga ba kabertdey ko si Dolphy, di naman ako ganun magpatawa. Kasi nga mas ka-level ko pa si Panchito. Actually, mas type ko ang mga tipo nina Chiquito, Palito at sempre pa, ang walang kamatayang si Cachupoy. Wahahahahah! Kasi naman, grabe sila magpatawa. Namamatay ako lagi kakatawa sa mga super corny na mga jokes nila. Wahahahah ulet!

At dahil di na ako nagse-celebrate ng bertdey ko, magse-celebrate na lang sana ako ng aking ika 6th anniversary ng pagiging 30 yrs old noong July 25. Kaso mo, kung anuman ang natitira kong pera, nakotongan pa ako ng husto.

Isang araw bago ako magbertdey, naispatan ako ng isang magiting na alagad ng batas. Naalala ko minsan sa Pinas, sakay ako ng dyip.. sa me bandang Quiapo, me pumara sa dyip. Sabi ng mamang drayber na kopong kopong pa ata eh nagda-drive na… “Ale, sa bandang doon po ako hihinto, kasi me alagad ng batas!” Napatingin na lang lahat ng pasahero na parang sinasabing… “ano daw?”.

Eniwey, balik tayo sa wento kong

walaaaaang ka-kwenta kwenta. Ayun, na-stop ako ng parak. Nung huminto ako, tinanong ako tungkol ke Tagpi na minamaneho ko. Sabi ba naman.. “Dude, this is a hot car!” ika ng parak. Sabi ko naman… “why, tenkyu officer!“No, I mean this car is hot. It was a stolen car!” paliwanag nya. “No, this is my car!”, sempre shock ang lolo mo. Pakiramdam ko, yung ulo ko ay hinihipang plastic balloon.

So ayun ipinakita ko ang aking mga papeles kulang na lang pati ang aking birth certificate pati bio-data at 2×2 piktyur ID. Pero dahil me problema nga daw dahil nakatimbre sya sa bahay ni kuya as stolen car, no choice kundi sumama ako sa presinto. Muntik muntikanan na akong mapiktyuran para sa mug shot. Ayoko lang pumayag kasi kelangan daw sa piktyur ay nakaharap.


Kaya ipinakita ko sa kanila ang aking blog kung saan lahat ng piktyur ko ay nakatalikod. Doon lang ata sila pumayag na wag na akong piktyuran kasi baka nga naman mapunta yung piktyur sa blog ko eh kahiya-hiya kami pare-pareho.

Napag-alaman ko na dahil pala naglipat-bahay ako, lahat ng sulat at sempre mga bills ay doon sa LA address ko napupunta. Kung kaya di ko alam na hinahanting na pala ako nung kumpanya na nag-finance ke Tagpi. At dahil di nila alam kung saan ako kokontakin, at sempre pa, wala na rin ako maibayad, inassume nila na nanakaw na si Tagpi. Kaya ayun, nakatimbre na sa buong around the world ang kotse ko. Hanggang sa buong kalawakan, nakatimbre na rin ke Shaider.

At dahil delayed ako sa bayad, kailangan ko mag-magic agad agad ng kulang sa $1000 para hindi dalhin sa impound si Tagpi. Sakto naman na bukod sa mga singkong kulot, me 200 ako sa bulsa, pambili ko sana ng bertdey cake ko, at me maawain na nilalang na hulog ni Lord na nagpautang sa akin nung kulang. Kaya hayun, nakahinga ako ng maluwag, at nakauwi rin ako ng matiwasay kasama si Tagpi.

Hanef talaga, ang agang pabertdey. Bigla tuloy sumakit ang ulo ko. Kaya naman tone-toneladang togmolodon ang nilaklak ko pagdating sa bahay.

Sikatchupoy si BURAOT Contest: Nakaboto KNB?

Monday, July 28th, 2008
O mga repapits, halos nangangalahati na ang pakontest ng site na ito. Nakaboto knb? Kung hindi pa, eh sali na. Para sa karagdagang impormasyon sa pagsali, mag-email lang sa me pakana ng blog na ito. (andun ang email address ko sa pinaka-ibaba ng blogpage) O kaya naman eh iclick mo mukha mo sa link na ito. Kung di mo pa rin makuha ang link… Oh ito pa ulet!

Eto na ang humigit kumulang one tawsan syete mil na nagpasok ng kani-kanilang mga entry (whaw grabe, dami!) sa Sikatchupoy Si BURAOT Contest:

Walang Kadaladala mula sa blog na Only in Pinas

May Pakontest si BURAOT mula sa FatherlYours.com

Walang Kadaladala galing sa blog na Bossabos

Game Ka Na Ba? galing naman sa blog ni pmonchet

Pautot ni BURAOT: The Fast and the Spurious galing kay repapits ng Reverse Narcissism

Me Pautot si BURAOT galing sa mahal na reynz ng Reyna Elena.Com

Sadya Lamang Gahaman galing naman kay kabayang Lyzius.

Ano pa hinihintay mo pasko? Di na aabot ng pasko ang pautot na ito. Sali na at baka maubusan ka ng espasyo. Kaw din sayang ang daan-daang libong premyo. Daan daang libong tigsisingko. Singkong kulot ha? Kung medyo malapit sa katotohanan ang pagko kompyut ko, yung $550, sa palitan na 43 is to 1, ay 473,000 na tigsisingkong kulot.

Now, kung nakapagpasok ka na ng entry at di na naman nahagip ng aking Doppler Radar, paramdam ka lang, at ikakabit ko link mo at i’ll make syur na pasok ang entry mo. At para mas madali mo makikita ang update sa pakontest, mag subscribe ka na kasi dito sa mga post sa pamamagitan ng pagsalpak ng email mo dito.

Salpak mo email mo dito:
Oo nga dyan nga!

Door-to-Door delivery by FeedBurner

Susmenesen! Di ako nagpapadala ng spam ano? Pramis!

Impluwensya Pala Ha?

Monday, July 21st, 2008
Ika nga sa atin, kung wala kang pera, daanin mo sa impluwensya. Pero… Di ko mawari kung papano. Di ko maubos maisip. Di ko malaman kung bakit. Di ko maintindihan….. Bakit ako??? Bakit ako??? Bakit ako??? Bakit???

Whyyyyyyyy?!!!!!!!!!!!!!

I would like to thank the academy lahat ng bumoto sa akin dito sa pautot ng ating kababayan na si Janet Toral ng Influentialblogger.net . Kung bakit nila naisipan na maging influential itong Kulapo, eh ewan ko. Basta.

Eniwey, kahit di ko alam kung bakit, eh dapat lang mag tenkyu sa mga Karapatdapat at Kataas-taasang Kagalang-galangang mga kakosa ng anak in kulapo. Tenkyu po. Kaya naman bilang pasasalamat, magpapaship ako sa inyo ng isang platitong mani. Kung bakit isang platitong mani, wala lang, naisip ko lang. Ubos na kasi yung plastic balloon na madalas kong giveaway.

Angsawariko

Daily Crossovers

My Philippines Tour

gl3nnx.net

Julia Aquino

Blog Tambayan

Sweet World of Joan

Pero on second thought, wag na lang, tenkyu na lang at some link-lovin. Baka kasi tinataghiyawat ka sa mani. Eto na po sila. Kung me nalimutan ako i-link, sensya na tao lang. Malamang di nahagip nung doppler radar ko yung post mo, kaya paramdam ka lang.

Sempre in turn, kelangan ko din bumoto. Kakahiya naman kasi kung hindi. Pero sa susunod na lang. Pag-iisipan ko muna kung sino sino pasok sa aking kopong kopong peborits at mga mala-impaktong nilalang na blogista na naging influential para sa akin.

Ang lagay ba naman eh….ehem.

Spam na Naman!!!

Saturday, July 19th, 2008
Araw-araw di na ako naubusan ng spam. Tinapay na lang nga ang kulang. Di na ako kumakain ng Ma-Ling kasi me kakaibang kwento dun. Spam na lang. Eniwey, sa dinami-dami ng spam sa one thousand syete mil kong mga email address, kahit mag-arkila ako ng sampung sekretarya taga-earse lang ng mga spam, eh kulang.

Kung sineryoso ko sana yung mga emails na yan, malamang mas mayaman pa ako ke Bill Gates dahil araw-araw, nananalo ako sa mga email lottery. At linggo linggo, me malayo akong kamag-anak na uber yaman na kamamatay lang at pinapamanahan ako ng milyun liyung pesoses. Wala pa dun yung mga nag-aalok sa kin ng negosyo mula sa Nigeria. At yung mga taga bangko sa Africa na naswertehang me namatay na kliyente at ako ang napiling pagkatiwalaang gawing claimant. Eh di sana meron na nga akong sampung secretary taga basa ng emails ko.

Pero malamang din, eh naubos na lahat ng kamag-anak ko dahil tuwing hindi ko sinusunod yung mga chain emails na sinasabihan akong i-forward sa sampung mga ka-repapits, eh me mamamatay daw na malapit sa akin. So far wala pa naman, maliban dun sa isa kong kuko sa paa.
Siguro din, kasing laki ng ng poste ang aking “future” (hinaharap, ano ka ba? rated PG dito) sa dami ng mga nag-ooffer sa akin ng mga viagra at kung anu-anong pampalaki ng…. katawan.

Pero minsan ika nga eh once in a blue moon, me naliligaw na ok. Kaya naman itinatabi ko para kapag wala pa akong ganang mag-sulat ng walang kawawaan, pwede kong i-post dito. At kahit yung ibang mga banat eh kopong-kopong pa at gasgas na gasgas na kagaya ng mukha ni Jograd, pang-asar pa rin.

Kaya eto ang iba. Ang ayaw ngumiti….. pangit!

In a pet shop… Customer talking to a parrot…
Customer: Hoy! Can you talk ha?! Imbecile!!!
Parrot: Wat do you think of me, deaf mute?! Can you fly ha? Pakyu!!!

Passenger taps taxi driver’s shoulder…
Driver: WAAAAAHHHHHH! !!!
Pasahero: Bakit ka sumigaw?
Driver: Sorry bossing bago lang kasi ako sa taxi. 25 years kasi ako driver ng punenarya.

Isang chaka na babae, hinoholdap…
Holdaper: Holdap ito! Nyahah! Akin na gamit at pera mo!
Babae: RAPE! RAPE! RAPE!
Holdaper: Anong rape? Holdap nga to eh!
Babae: Wala lang…. Nagsusuggest lang naman…

(in a cabinet meeting …)
GMA: Oshige … kung shino man ang tamaan ng bola na ‘to ay siyang magre-reshign ha?
(initsa ang bola, tumalbog pabalik sa kanya …)
GMA: Oooo … praktish lang un noh? Ulet!

Mom: Baby, you’re good in math. Now I’m going to ask you a question.
Baby: Sure mom
Mom: If your daddy gives you 3 apples and I give you 4 apples, what’s your answer?
Baby: Thank you po!!!

BF: Mahal, may malaki ako problema, eh…
GF: Wag mo sabihin problema MO lang… problema NATIN dahil nagmamahalan tayo. Ngayon anong problema natin?
BF: Nabuntis natin si Inday at tayo ang ama.

Pare1: Pare mukhang anlalim ng iniisip mo ah?
Pare2: Nanaginip kasi ako kagabi, kasama ko daw 50 contestants ng Ms. Universe.
Pare1: Swerte mo naman teng! E ano problema dun?
Pare2: Kasi tol, ako nanalo!!!

Pare1: Pare, bat ba hanggang ngayon wala ka pang syota? Wala ka pa bang napupusuan?
Pare2: Meron! Manhid ka lang!!! Chaka to…..

Killer: Father mangungumpisal po ako.
Father: Ano ba ang kasalanan mo iho?
Killer: Nakapatay na po ako ng 20 tao.
Father: Bakit?
Killer: Kasi po naniniwala sila sa Diyos, kayo po ba naniniwala din sa Diyos?
Father: Dati yun no?… pero ngayon trip trip na lang!

Pasyente: Doc takot po ako sa bunot..
Dentista: Ganun ba? Eto gamot pampatapang ng loob.
Pasyente: (ininom ang gamot)
Dentista: Ano matapang ka na ba?
Pasyente: Oo doc! Puta pag may gumalaw ng ngipin ko basag ang bungo!

Ang mga Bisaya di ko maintindihan English nila. English ng isda… pis. English ng mukha… pis. Ng pandikit… pis. Ng kapayapaan.. . pis. Tinanong pa ako kung saan ako nakatira… Pis 1 o Pis 2? Pisti!

Oh.. ang bisayang magagalit, mapipisti? Pis tayo bay. Kadyot lang man ba.

(DISCLAIMER: Hindi sa akin galing ang mga joke na yan kundi sa spam. At bisaya din ako.. minsan.)

Byahilo sa San Pablo

Thursday, July 17th, 2008

(hango sa librong “Alamat ng Tropang X”)

Katatapos lang ng mid-term. Kahit na minamani lang namin ang mga exam, sempre kelangan pa rin naming i-relaks ang aming brain. Kaya sempre pa, bakasyon muna ang tropa. Dahil sempre kakaiba dahil kami ang bida rito, kailangan yung gimik namin mala-impakto rin.

Napagkaisahan ng trops na dun na lang muna kami kina Kitkat sa San Pablo, Laguna mag-relak. At dahil medyo malayo ng konti sa Maynila, at para me adventure din, napagkaisahan naming wag nang dalhin ang Wrangler na pang-harabas ni McGyver, commute na lang kami.

Nang hapon ding yun, nauna na sina Kitkat, Omar at McGyver. Nakanaks, me advance party. Ang maganda sa min, kahit di pa kami nakakarating sa lugar at kahit walang direksiyon, address lang, okey na. Para ka lang naghahanap ng Yamashita treasure.

Naalala ko tuloy nung dumayo ako sa baksyun nina Bekbek dun sa Pangasinan. Sabi ko susunod ako, akala nila drowing ko lang yun. Walang address-address basta pangalan lang ng bayan at apelyido nina Bekbek, larga na ko. At dahil first time ko makarating dun, sa sobrang haba ng byahe, akala ko sa Taiwan na ako makakarating. Nagulat pa sila nung makasalubong nila ako sa plaza, papetik-petik, papitu-pitoo.

Kinabukasan ako bumiyahe papuntang Laguna. Para mas feel, pinapatugtog ko pa ang kanta ng Hotdog na “Laguna” sa aking walkman (di pa uso ang mp3 player nun) na binili ko pa sa Raon. (eh kasi naman sa Quiapo lang ako makakakita nun kasi nga kopong kopong na yun nung panahon namin)

Pagdating ko dun, nakita ko naman kaagad yung advance party. Ganda ng kwarto ni Kitkat, bachelor na bachelor’s pad ang dating. Sakto me drum set pa at isang electric guitar at bass guitar. Ayos, jamming. Kaso mo di naman ako marunong mag-gitara. Vocalist sana, kaso sabi nga nung High School principal ko, boses pekpek daw ako. Kaya, wala panis, alalay at band-aid ang labas ko.

Hapon na ng dumating si Amboy. Sempre pa, naka skateboard. Naglaro agad ng bass guitar. Marunong pala magpaiyak ng gitara ang hunghang. Ihampas ba naman sa pader. Gabi na wala pa sina Clapton at Jordan. Tawa kami ng tawa kasi baka naligaw. Hay naku, anlapit lapit ng San Pablo eh. E di lalo na kung sa Batanes namin naisipang magbakasyon.

Madaling-araw na dumating ang mga kumag at namumutla, parang nagpa meyk-ap sa Funeraria Paz. Akala daw nila masa-salvage na sila. Kasi dahil ginabi na sila, naubusan na sila ng bus. At para dagdag na adventure, naki-hitchhike sila sa isang van na papuntang Quezon. Doon daw sila isinakay sa likod at mukha daw mga kriminal yung naangkasan nila. At sa buong byahe daw, nagkukwentuhan yung mga sakay ng parang mga iligal at kung saan nila “itatapon ang mga bata.”

Kaya naman, buong byahe silang tameme at kulang na lang ay maihi sa sa shorts. At dahil naawa naman kami sa mga ulol, pinakain na muna namin at di na lang kami gumimik nung gabing yun, dun na lang kami sa pad ni Kitkat at para kaming mga psychiatrist nung dalawang natameme habang nag-inuman. Hik!

Sa susunod: Ang mala-impaktong mga gimik namin mula sa San Pablo, the City of Seven Lakes. O hayan promotion yan ha, Dept. of Tourism, ang lagay ba naman eh…. Hik! pa ulet!

Ang Alamat ng Singkong Kulot

Tuesday, July 15th, 2008
Naabutan mo na ba ang singkong kulot? Kung ikaw ay myembro ng generation XYZ, malamang hindi. Pero kung ikaw ay kasingtanda na ni Kopong Kopong, sigurado, pasok ka!

Wala lang. Kasi habang nagmumuni-muni ako habang nanonood ng palitan ng dollars at pesoses, di ko maubos maisip kung bakit, habang tumatanda ako, lumiliit ang halaga ng pera. Naiisip ko tuloy kapag natigbak na ako eh can’t afford ko na ang halaga ng kabaong. Kahit magpa-cremate mahal din.

Balak ko sana wag na mamatay para di ako magastusan. Pero malabo. Kaya ang solusyon ko dun, para makatipid, bibili na ako agad ng kabaong habang medyo mura-mura pa ang kahoy. Narra para mas matibay hindi bubukbukin.

Enihoo, naalala ko din yung pera noong araw, noong mga panahong nasa elementary pa kami ni Mahoma. Noon kasi, yung baon kong beinte singko sentimos, nakakabili na ako ng palamig at sinulbot (banana cue po iyon). At sempre, me tira pa ako para ipambayad kay Ma’am dun sa pulburon na ibinebenta nya sa classroom. Kahit di masarap, kelangan bumili ka ke ma’am para mataas ang grade mo. Nakakaiwas lang kami bumili ng polvoron kapag me supply na nutri-bun sa canteen. At kapag me piso ka, makakabili ka na ng house en lot. At ang mga singko ay iniipon namin. Nautuwa kasi kami dahil kakaiba sya, kulot.

At kahit bata pa kami, me savings account na kami sa Banco Filipino. Yung mga sampera na square ang madami kaming naiipon, bukod kasi sa paborito yung ipamigay ng mga lolo’t lola namin, magaan din kasi sya sa bulsa. Sa sobrang gaan nya, lumulutang sya sa tubig. Oo, pramis.

Hinalughog ko ang internet para malaman kung bakit ginawang kulot ang singko na yun. Di naman kulot si Tandang Sora. (tol, piktyur nya ang nakalagay dun, see pic. ayun andun sa itaas) Kaso, wala akong makita eh. Siguro kaya ginawang kulot yun, para kapag hinahawakan mo, madali mo syang malalaman kung singko nga sya. Siguro din, dahil disco era noong mga 70’s, uso ang afro, kaya ayun, sumunod sila sa uso. Baka rin naman kulot yung chairman ng banko sentral noon.

Ngayon me singko pa rin naman, kaso mo butas na sya. At di ko rin malaman kung bakit nag-i-isyu pa nito. Eh yung beinte singko nga wala ka na mabili eh, singko pa kaya. Mas mahal pa nga ata ang value nung bakal na ginagamit para gumawa nito. Sana ginawa na lang nilang plastic para mura. Pwede pa i-recycle.

Di naman ako nahirapan maghanap ng piktyur ng singkong kulot. Yun, madali hanapin. Kaso hanggang ngayon, di ko pa rin makita yung kapatid ng singkong kulot, si singkong duling. Bukas ko na lang sya hahanapin, gabi na.

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana