Palatastas #14: Sensya Na Tao Lang
Naisip ko sana halungkatin ang aking baul na pinaglalagyan ko ng aking mga sandamakmak na ga meme at tags galing sa aking mga prensheeps dito sa blogosphere. Naipa-alala kasi sa akin ni Kwento ni Enday, na marami pa pala akong nakabinbin na tags.Balak ko sana isa-isahin lahat para wala na akong mga utang. Plano ko pa ngang gawing one week bonanza type yung pagpo-post, parang weekly special. Plano ko rin ngang mag around the world, umakyat sa Mt. Everest, mag swimming sa great barrier reef, magsimba sa Jerusalem, makipagkarera ng camel sa Sahara Desert, mag sun-bathing sa Boracay, at bumili ng eroplanong kasinlaki ng Airbus.
Pero katulad ng marami kong plano, palpak. Saka kahit bumili ako ng eroplano, problema ko pa kung san ko sya ipa-park sa gabi.
Di ko na kasi makita yung baul na pinaglalagyan ko ng listahan nung lahat ng mga nag-tag sa akin. Naiwan ko ata sa LA nung maglipat ako. Sensya na tao lang.
Ang medyo natatandaan ko lang ay yung mga nag-link at nag-tag sa akin gaya nina Fatherlyours, Pipeline Fixation, Pusang Maganda, Pink Biik… di ko na matandaan yung iba.
Kahit medyo boring ang pagsagot ko sa tag, me link naman, pwede na yun. Di ko na kasi makita eh.
This entry was posted on Saturday, July 5th, 2008 at 12:15 am and is filed under WALA LANG. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.























