Kape Lang Pala Katapat Mo

I- Feysbuk Mo Mukha Mo!
Isang himala! Matapos ang humigit kumulang, nakakalakad na ako!

Punyemas kasing paa ito. Akala ko, di na ako ulit aatakihin ng pesteng rayums, umatake na naman. Halos mapudpod na ang tyan ko sa hapdi kakainom ng kung ano-ano, wa epek na ata. Nawawala ang sakit, tapos bumabalik ulit. Halos dalawang linggo din akong pinahirapan. Muntik na nga akong makabili ng wheelchair.

Pero nakadiskubre ako ng natural na gamot. Hindi pito pito. Walang ganun dito eh. Hindi rin dahon ng bayabas tol. Kasi bukod sa wala naman akong makitang puno ng bayabas dito, matagal na po akong binyagan.

Kape. Punyemas, kape lang pala ang katapat ng problema ko. Kasi naman, matagal ko ng iniiwasan ang kape. Kasi nga me kakaibang epek sa akin ang kape. Para sa karagdagang impormasyon, please see my old post. Kaya nga iwas ako sa kape. Pero minsan, napag tripan ko ulit uminom ng tunay na kape, whaw… nawala ang sakit ng paa ko. Naalala ko nung minsang bigyan ako ng steroids dahil nga sa sobrang sakit. Kailangan daw yun para dumaloy ang dugo dun sa mga veins dun sa me paa ko na masakit.

At dahil malakas umepek sa akin ang kape, e di para na rin syang natural na steroids. Itinulak nung kape yung mga natutulog kong dugo papunta dun sa mga baradong veins doon sa paa ko. Kung bakit kasi di ko naisip yun noon pa. E di sana hindi na tumagal ang paghihirap ko.

Pag tumama nga ako sa lotto, pupunta ako ke Belo. Ipapaputol ko na yung paa ko at papapalitan ko ng bago. Haytech na ngayon no? Pwede na yun. Me kakilala nga ako,eh. Medyo eng eng ng konti, kaya ang ginawa nya, nagpadagdag sya ng utak.

Naalala ko tuloy yung kwento dun sa Timbuktu. Me nabaril kasi tapos saulo tinamaan ng bala, kaya nag scattered ang kanyang brain sa kalsada. Sabi nung isang eng eng, “Wow pare, grabe. Nagkalat yung “isip” nung mama. Yukk!”

Eniwey, eto balik tayo sa problema ko. At least ngayon na-solusyunan ko na. Walanjo! Etong rayuma ko, parang mga prosti dun sa me Quezon Circle, kape lang pala katapat, katalo na. Oist, di ako rumoronda dun, kwento lang sa akin yun.

This entry was posted on Sunday, July 13th, 2008 at 9:34 pm and is filed under KABILANG IBAYO, SAKITCHUPOY. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes