Ang Alamat ng Singkong Kulot
Naabutan mo na ba ang singkong kulot? Kung ikaw ay myembro ng generation XYZ, malamang hindi. Pero kung ikaw ay kasingtanda na ni Kopong Kopong, sigurado, pasok ka!Wala lang. Kasi habang nagmumuni-muni ako habang nanonood ng palitan ng dollars at pesoses, di ko maubos maisip kung bakit, habang tumatanda ako, lumiliit ang halaga ng pera. Naiisip ko tuloy kapag natigbak na ako eh can’t afford ko na ang halaga ng kabaong. Kahit magpa-cremate mahal din.
Balak ko sana wag na mamatay para di ako magastusan. Pero malabo. Kaya ang solusyon ko dun, para makatipid, bibili na ako agad ng kabaong habang medyo mura-mura pa ang kahoy. Narra para mas matibay hindi bubukbukin.
Enihoo, naalala ko din yung pera noong araw, noong mga panahong nasa elementary pa kami ni Mahoma. Noon kasi, yung baon kong beinte singko sentimos, nakakabili na ako ng palamig at sinulbot (banana cue po iyon). At sempre, me tira pa ako para ipambayad kay Ma’am dun sa pulburon na ibinebenta nya sa classroom. Kahit di masarap, kelangan bumili ka ke ma’am para mataas ang grade mo. Nakakaiwas lang kami bumili ng polvoron kapag me supply na nutri-bun sa canteen. At kapag me piso ka, makakabili ka na ng house en lot. At ang mga singko ay iniipon namin. Nautuwa kasi kami dahil kakaiba sya, kulot.
At kahit bata pa kami, me savings account na kami sa Banco Filipino. Yung mga sampera na square ang madami kaming naiipon, bukod kasi sa paborito yung ipamigay ng mga lolo’t lola namin, magaan din kasi sya sa bulsa. Sa sobrang gaan nya, lumulutang sya sa tubig. Oo, pramis.
Hinalughog ko ang internet para malaman kung bakit ginawang kulot ang singko na yun. Di naman kulot si Tandang Sora. (tol, piktyur nya ang nakalagay dun, see pic. ayun andun sa itaas) Kaso, wala akong makita eh. Siguro kaya ginawang kulot yun, para kapag hinahawakan mo, madali mo syang malalaman kung singko nga sya. Siguro din, dahil disco era noong mga 70’s, uso ang afro, kaya ayun, sumunod sila sa uso. Baka rin naman kulot yung chairman ng banko sentral noon.
Ngayon me singko pa rin naman, kaso mo butas na sya. At di ko rin malaman kung bakit nag-i-isyu pa nito. Eh yung beinte singko nga wala ka na mabili eh, singko pa kaya. Mas mahal pa nga ata ang value nung bakal na ginagamit para gumawa nito. Sana ginawa na lang nilang plastic para mura. Pwede pa i-recycle.
Di naman ako nahirapan maghanap ng piktyur ng singkong kulot. Yun, madali hanapin. Kaso hanggang ngayon, di ko pa rin makita yung kapatid ng singkong kulot, si singkong duling. Bukas ko na lang sya hahanapin, gabi na.
This entry was posted on Tuesday, July 15th, 2008 at 2:34 am and is filed under alamat, pinoy pride. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

























Anak ni Kulapo » Turon Kayo Dyan! October 1st, 2008 at 11:37 pm
[...] at nanganganib na ang pesteng kampyuter ko. Wala pa naman akong pambili ng bago dahil puro singkong kulot ang laman ng bulsa ko. Ito pa naman ang tanging libangan [...]