Byahilo sa San Pablo

I- Feysbuk Mo Mukha Mo!

(hango sa librong “Alamat ng Tropang X”)

Katatapos lang ng mid-term. Kahit na minamani lang namin ang mga exam, sempre kelangan pa rin naming i-relaks ang aming brain. Kaya sempre pa, bakasyon muna ang tropa. Dahil sempre kakaiba dahil kami ang bida rito, kailangan yung gimik namin mala-impakto rin.

Napagkaisahan ng trops na dun na lang muna kami kina Kitkat sa San Pablo, Laguna mag-relak. At dahil medyo malayo ng konti sa Maynila, at para me adventure din, napagkaisahan naming wag nang dalhin ang Wrangler na pang-harabas ni McGyver, commute na lang kami.

Nang hapon ding yun, nauna na sina Kitkat, Omar at McGyver. Nakanaks, me advance party. Ang maganda sa min, kahit di pa kami nakakarating sa lugar at kahit walang direksiyon, address lang, okey na. Para ka lang naghahanap ng Yamashita treasure.

Naalala ko tuloy nung dumayo ako sa baksyun nina Bekbek dun sa Pangasinan. Sabi ko susunod ako, akala nila drowing ko lang yun. Walang address-address basta pangalan lang ng bayan at apelyido nina Bekbek, larga na ko. At dahil first time ko makarating dun, sa sobrang haba ng byahe, akala ko sa Taiwan na ako makakarating. Nagulat pa sila nung makasalubong nila ako sa plaza, papetik-petik, papitu-pitoo.

Kinabukasan ako bumiyahe papuntang Laguna. Para mas feel, pinapatugtog ko pa ang kanta ng Hotdog na “Laguna” sa aking walkman (di pa uso ang mp3 player nun) na binili ko pa sa Raon. (eh kasi naman sa Quiapo lang ako makakakita nun kasi nga kopong kopong na yun nung panahon namin)

Pagdating ko dun, nakita ko naman kaagad yung advance party. Ganda ng kwarto ni Kitkat, bachelor na bachelor’s pad ang dating. Sakto me drum set pa at isang electric guitar at bass guitar. Ayos, jamming. Kaso mo di naman ako marunong mag-gitara. Vocalist sana, kaso sabi nga nung High School principal ko, boses pekpek daw ako. Kaya, wala panis, alalay at band-aid ang labas ko.

Hapon na ng dumating si Amboy. Sempre pa, naka skateboard. Naglaro agad ng bass guitar. Marunong pala magpaiyak ng gitara ang hunghang. Ihampas ba naman sa pader. Gabi na wala pa sina Clapton at Jordan. Tawa kami ng tawa kasi baka naligaw. Hay naku, anlapit lapit ng San Pablo eh. E di lalo na kung sa Batanes namin naisipang magbakasyon.

Madaling-araw na dumating ang mga kumag at namumutla, parang nagpa meyk-ap sa Funeraria Paz. Akala daw nila masa-salvage na sila. Kasi dahil ginabi na sila, naubusan na sila ng bus. At para dagdag na adventure, naki-hitchhike sila sa isang van na papuntang Quezon. Doon daw sila isinakay sa likod at mukha daw mga kriminal yung naangkasan nila. At sa buong byahe daw, nagkukwentuhan yung mga sakay ng parang mga iligal at kung saan nila “itatapon ang mga bata.”

Kaya naman, buong byahe silang tameme at kulang na lang ay maihi sa sa shorts. At dahil naawa naman kami sa mga ulol, pinakain na muna namin at di na lang kami gumimik nung gabing yun, dun na lang kami sa pad ni Kitkat at para kaming mga psychiatrist nung dalawang natameme habang nag-inuman. Hik!

Sa susunod: Ang mala-impaktong mga gimik namin mula sa San Pablo, the City of Seven Lakes. O hayan promotion yan ha, Dept. of Tourism, ang lagay ba naman eh…. Hik! pa ulet!

Tags: ,

This entry was posted on Thursday, July 17th, 2008 at 6:13 am and is filed under tropang x, usapang lasheng. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

5 Responses to “Byahilo sa San Pablo”

paperdoll October 11th, 2008 at 1:57 am

good luck sa boses pekpek mo. . baka amoy pekpek din yan. . yaykzz:-|

paperdoll’s last blog post..WILLIE OF FORTUNE

BURAOT October 13th, 2008 at 1:50 am

madalas din. hehhehe.

bek bek October 21st, 2008 at 9:32 pm

nakakatuwa ka pre buti naalala mo pa yung pagsunod mo nuon sa pangasinan sana makapag-outing ulit ang buong walang malay na grupo hahaha

BURAOT October 22nd, 2008 at 12:30 am

oo naman, tanda ko yun. kaso yung pagpunta sa beach di na masyado, senglot na kase. naalala ko din yung pagsunod ko nun sa beach nyo sa batangas no? kaso parang ayaw ko na maalala yung beach nyo dun… hehehhe. me nakapagkwento kasi sa akin dun sa tungkol dun. hehhehe.

» Blog Archive » Side A Forevermore March 27th, 2009 at 4:05 am

[...] sa kung saan saan, basta me inuman, basta me gimikan, maaasahan. Kahit sa dulo ng walang hanggan Pangasinan, kayang-kaya kong [...]

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes