Hanef! Gandang Pa-Bertdey!

July 29th, 2008 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy, Byahilo, Mala-Impaktong Buhay Buraot No Responses
Sa mga nakakilala sa akin kahit na anong pagtalikod ang gawin ko sa mga piktyur ko rito, buking na buking ang bertdey ko. Kahit pa di naman na ako nagbebertdey at ayoko nang maalala pa ang bertdey ko, sila mismo ang magkukusa na ipaalala sa akin kung gano na ako katanda.

Kahit pa nga ba kabertdey ko si Dolphy, di naman ako ganun magpatawa. Kasi nga mas ka-level ko pa si Panchito. Actually, mas type ko ang mga tipo nina Chiquito, Palito at sempre pa, ang walang kamatayang si Cachupoy. Wahahahahah! Kasi naman, grabe sila magpatawa. Namamatay ako lagi kakatawa sa mga super corny na mga jokes nila. Wahahahah ulet!

At dahil di na ako nagse-celebrate ng bertdey ko, magse-celebrate na lang sana ako ng aking ika 6th anniversary ng pagiging 30 yrs old noong July 25. Kaso mo, kung anuman ang natitira kong pera, nakotongan pa ako ng husto.

Isang araw bago ako magbertdey, naispatan ako ng isang magiting na alagad ng batas. Naalala ko minsan sa Pinas, sakay ako ng dyip.. sa me bandang Quiapo, me pumara sa dyip. Sabi ng mamang drayber na kopong kopong pa ata eh nagda-drive na… “Ale, sa bandang doon po ako hihinto, kasi me alagad ng batas!” Napatingin na lang lahat ng pasahero na parang sinasabing… “ano daw?”.

Eniwey, balik tayo sa wento kong

walaaaaang ka-kwenta kwenta. Ayun, na-stop ako ng parak. Nung huminto ako, tinanong ako tungkol ke Tagpi na minamaneho ko. Sabi ba naman.. “Dude, this is a hot car!” ika ng parak. Sabi ko naman… “why, tenkyu officer!“No, I mean this car is hot. It was a stolen car!” paliwanag nya. “No, this is my car!”, sempre shock ang lolo mo. Pakiramdam ko, yung ulo ko ay hinihipang plastic balloon.

So ayun ipinakita ko ang aking mga papeles kulang na lang pati ang aking birth certificate pati bio-data at 2×2 piktyur ID. Pero dahil me problema nga daw dahil nakatimbre sya sa bahay ni kuya as stolen car, no choice kundi sumama ako sa presinto. Muntik muntikanan na akong mapiktyuran para sa mug shot. Ayoko lang pumayag kasi kelangan daw sa piktyur ay nakaharap.


Kaya ipinakita ko sa kanila ang aking blog kung saan lahat ng piktyur ko ay nakatalikod. Doon lang ata sila pumayag na wag na akong piktyuran kasi baka nga naman mapunta yung piktyur sa blog ko eh kahiya-hiya kami pare-pareho.

Napag-alaman ko na dahil pala naglipat-bahay ako, lahat ng sulat at sempre mga bills ay doon sa LA address ko napupunta. Kung kaya di ko alam na hinahanting na pala ako nung kumpanya na nag-finance ke Tagpi. At dahil di nila alam kung saan ako kokontakin, at sempre pa, wala na rin ako maibayad, inassume nila na nanakaw na si Tagpi. Kaya ayun, nakatimbre na sa buong around the world ang kotse ko. Hanggang sa buong kalawakan, nakatimbre na rin ke Shaider.

At dahil delayed ako sa bayad, kailangan ko mag-magic agad agad ng kulang sa $1000 para hindi dalhin sa impound si Tagpi. Sakto naman na bukod sa mga singkong kulot, me 200 ako sa bulsa, pambili ko sana ng bertdey cake ko, at me maawain na nilalang na hulog ni Lord na nagpautang sa akin nung kulang. Kaya hayun, nakahinga ako ng maluwag, at nakauwi rin ako ng matiwasay kasama si Tagpi.

Hanef talaga, ang agang pabertdey. Bigla tuloy sumakit ang ulo ko. Kaya naman tone-toneladang togmolodon ang nilaklak ko pagdating sa bahay.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes