» 2008 » August
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Archive for August, 2008

Bawal Ang Aso’t Pusa sa Beijing Olympics

Saturday, August 16th, 2008
Grabe ang Olympics na yan sa Beijing. Pinaghandaan ng husto. Lahat ng detalye, planado. Mula sa pagpapatayo ng milyun milyung mga pagdadausan ng events, hanggang kung papano, gagawan ng visual “aids” yung mga fireworks, pati sa pagpapalit ng singer, kelangan bongga.

Pati na rin yung pagkatay sa halos dalawang milyong pusa at aso, talagang pinagbuhusan ng panahon.

Sabi kasi nila daw, unsanitary na yung mga askal at mga pusang gala. At baka daw sya pang panggalingan ng mga kung anu-anong virus. Kawawa naman yung mga turistang dadayo kasi daw baka magkahawa-hawa daw.

Kaya ayun, sinona ng mga death squads ang buong Beijing at hinanting ang mga kawawang nilalang. Kung me alaga kang gusto mong wag maisama sa death penalty, magbabayad ka ng malaki na malamang di mo naman afford. Kaya no choice ka na lang kundi pumayag na gawing siopao si Muning mo.

Aktwali, atin atin lang to… kasi sa dinami dami ng ginastos nila sa pagpapatayo ng kung anu anong anik-anik, medyo nalimutan nila yung panghanda. Kaya siguro yun ang naisipan nila. Libre pa. Kalderetang awaw at siopao na special.

Bongga din pati tsibog.

Hay naku, kung di ka pa nakatikim nang mga yan, at least naman siguro narinig mo na no?

Yun siopao na special, me ganung balita noon na makikita mo daw sya sa mga siopawan at mami-an sa Raon. Kaso kahit na anong dare ang gawin sa aking ng Survivor Kopong Kopong Version, di maatim ng sikmura ko na tikman. Malamig daw sa tyan yun no.

Yung Kalderetang Awaw, madami sa Makati nun. In demand sa mga manginginom. Ingat ka nga lang sa rabbies. Naalala ko tuloy nung bata pa ko. Yung alaga kong aso kinatay ng mga kuya ko…. wala akong magawa… huhuhuh.. di ko sila napigilan. Kahit na anong pagmamaka-awa ko, di nila ako pinakinggan. Kinatay pa rin nila ang aso ko. Mga wala silang awa. Wala. Wala. Walaaaaaa!

Pero at least it tastes like chicken ha? (yukkie kunyari)

Swimming With Michael Phelps

Friday, August 15th, 2008
Sensya na. Ilang araw ding walang tao dito sa bahay ni Kulapo. Kasi naman matinding puyat ang inabot ko kakapanood nung opening nung Beijing Olympics. Inabangan ko kasi yung fireworks dun na disenyo daw ni Boy Paa.

Katulad nung paputok na korteng paa, peke din yung isang kanta. Yung super duper kyut na batang babae, nagli lipsing lang pala. Pero wala naman akong paki dun. Blaha sila sa buhay nila.

Ilang araw na akong nakatambay sa mga kapwa ko mahal ko, pero kahit anong pagtutuwad ang gawin ko, wala pa ring nakukuhang medals ang mga trops natin. Medyo kulang ng konti sa mga hakot. Kaya kesa maburaot ako, umorbits muna ako sa me magandang view. Balak ko sana panoorin yung beach volleyball para makakita ng mga seksing chikababes pero medyo malayo-layo kaya sa swimming pool na lang ako unang rumampa.

Kaso andaming nauna sa akin. Katulad ko gusto din lang maki-view.


Kaya no choice, dun na lang ako sa kabila tumambay kung saan nagwa waras waras si Michael Phelps. Namumulot lang ng medalya ang tulok. Di man lang mamigay. Nababad yata ako ng husto sa tubig kaya eto, inabot ako ng trangkaso. Sa halip na sa pool ako magtatampisaw, sa rolyo rolyong kleenex at sipon ako lumalangoy.

Sikatchupoy si BURAOT Contest: Pwede Ka Na!

Friday, August 8th, 2008
Isip isip ko, bakit ba ako nagpapamudmod ng libo-libong singkong kulot? Bakit ba ako namimigay ng entrecard credits? Bakit? Bakit? Bakeeeeeettt?


Umakyat ako sa bundok ng tralala para mag-agam agam, at humingi ng kasagutan. At sempre, nag-ala Plato na naman ako. Hindi plato na pinggan na pinaglalagyan ng tsibug. Plato na kumpare ni Aristotle, nukaba?

Kasi napansin ko, April Fools Day ko pa ipinaskil sa blog ko yung pautot ko. Kahit pa malaki ang premyo, $550 suma total at 4,500 EC, ng aking mala impaktong pautot, ang Sikatchupoy si BURAOT Contest, ilan pa lang ang sumasali. Kahit pa walang entrance fee, walang bumibili ng paninda ko.

Siguro marahil subalit datapwat dahil…. wala din naman kasi akong oras para mag-bloghop at i-network ang blog ko kaya di ko mai-anunsyo ang pa-kontest ko. At dahil matigas din talaga ang ulo ko, walang Ingles sa mga post ko, kaya bihira rin ang makatsamba sa site ko. Yoko kasi mag-Inglish dito baka duguin ilong ko. Dami mong satsat, wala lang talagang kwenta ang site na to kahit na anong suhol ang gawin mo. Kunsensya, tumahimik ka.

Kaya para mas madami ang maka-alam ng mahiwagang pakontest ko at ng blog ko, naisipan kong gawin ang mga sumusunod:

1. Kumuha ng paid ad, whole page, sa Inquirer.
2. Gumawa ng commercial na ipapalabas sa Wowowee at sa Eat Bulaga
3. Magpagawa ng campaign jingle ke Lito Camo.
4. Ilagay ang piktyur ko sa lahat ng dyip ng Piston at Fejodap, pati na rin sa mga bus byaheng probinsya.
5. Taasan ang aking campaign fund mula sa $550 prize at gawin itong $550,000 o kaya naman ay
6. Wag nang mag-blog. Tumakbo na lang na Presidente.

Kaya naman, nirepaso ko (ulit) yung rules. Tutal, links lang naman ang habol ko (nating lahat), inalis ko na yung time limit sa kung kelan pinanganak yung blog ng mga sasali.

Ayun sa rules na imbento ko lang, para makasali sa Sikatchupoy si BURAOT Contest, dapat ang blog mo ay in running condition na bago pa mag April01, 2008. Pero dahil nilalangaw ang pakontest ko sa apila ng libo-libong naligaw ng landas, pina-veto ko na ke pareng Bush ang rule na yun. Lahat ng blog ay pwede ng sumali kahit na kakapanganak mo lang.

Ang pinaka importante, ang premyo.

Grand Prize:
1. 3,000 entrecard credits at
2. Pumili ng isa sa mga sumusunod:
a. Three hundred dollars,
b. Tatlong daang dolyares,
c. Tres syentos estados unidos dolyares, o
d. Tatlong plastic balloon (used)

Second Prize:
1. 1, 000 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusonod:
a. One hundred dollars,
b. One hundred pesos,
c. Isang daang baku-bako, o
d. None op da above

Third Prize:
1. 500 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusunod:
a. Fifty dollars,
b. Singkwenta pesos,
c. Limampung pirasong sinkong kulot, o
d. Tenkyu mula kay BURAOT

$100 Consolation Prize: (Kita mo naman sa pakontest, me consolation prize pa.)


Para sa paraan ng pagsali at sa iba pang mga detalye, click mo lang mukha mo dito o dun sa link sa gilid at sa lahat ng mga link na makikita mo dito sa site ko.

Whoaaaa!!!

Friday, August 8th, 2008
Pinasok ako ng mga taong-labas. Taga-labas.

Naka-higa ako sa kama ko ng maramdaman ko na me kumakalikot sa door knob ng pinto ko. Akala ata nila walang tao sa kwarto kasi nga araw. Eh di nila alam araw ako natutulog kasi sa gabi ako rumarampa. Buti gising pa ako.

Dahil ilang araw ng walang kuryente, alam ko namang sempre tse tsekin nila din yung mga saksakan ko sa room ko, kaya ine-expect ko na me papasok. Di ko lang ine-expect na wala silang balak kumatok. Kaya dedma lang ako, habang kinakalikot nila yung pinto at pilit na pinagkakasya yung kung anumang susi sa door knob.

Buti rin di ako naka-bold. Mahirap na. Baka pagnasaan pa nila ang aking pormang look of the 90’s (hitsurang manginginom). Ilang araw din kasi akong bold kung matulog sa sobrang init. Di na kasi ako sanay sa mainit. Alam mo naman sa amin sa Alaska.

Naka-posing pa ako na mala Osang ang dating ng pumasok ang mga taong-labas. Kaya naman laking gulat nila. As in WHOAAAA! Di ko lang alam kung nagulat sila dahil me tao pala sa kwarto o kagulat gulat lang talaga ang hitsura ko.

Sasabihin ko sana na… “You got Punk’d!!!”. Kaso kahit medyo kahawig ko si Ashton, baka di sila maniwala kasi wala naman akong mama-san na kasing seksi ni Demi Moore kaya sinabi ko na lang na ako si Michael B.

Akala ko nga aabutin pa ng portypayb years bago ipagawa nung me-ari yung kuryente. Kopong kopong pa yata kasi yung mga linya at mga saksakan kaya bumigay. Sa wakas, dumating din yung mamang eklektrisyan. Galing pa yatang meralco kaya natagalan.

Eniwey, ayun me pinalitang linya at sempre dahil ako ang bida dito, yung kwarto ko yung pinakialaman ng husto. Doon kelangang kabitan ng bago. Kaya naman bitin na naman ang tulog ko. Sa halip na matutulog ako ng 12 hours, naging 8 na lang.

Pero at least me kuryente na ko. At pwede na ko ulit mag online. At sempre pwede na ko ulit mag bloghop. At mag email.

At sempre mag-post.

(Sa mga nag-aabang dyan sa mga gilid gilid dun sa updates nung mala impaktong PAUTOT ko, pramis, ipo-post ko na pagkatapos nito. Day-op kasi nung sekretarya ko.)

Turon Kayo Dyan!

Wednesday, August 6th, 2008
Lumang luma na ang style ng webpage ko. Kasing tanda na ni Kulapo. Kaya naman nung isang araw, naisipan kong paglaruan ang aking Paint software. Wala kasi akong Photoshop. Di na kakayanin ng power ng kopong kopong kong laptop ang magdagdag pa ng kung anu anong anik anik.

Kagabi, nung nagda download ako ng free anti-virus mula sa internet, ayaw sya tanggapin. Isang mahiwagang clue na prublemado at nanganganib na ang pesteng kampyuter ko. Wala pa naman akong pambili ng bago dahil puro singkong kulot ang laman ng bulsa ko. Ito pa naman ang tanging libangan ko.

Nung nag lilinis ako ng ibang files, nag try ako mag defrag. Ang sabi ba naman eh kailangan ko muna i-restart yung kampyuter ko. Restart si engot. Nung tsine-check nya yung disk, bigla nag brown out. Punyemas!

Pero ang kataka-takatakataka, taka, bahay lang namin ang walang ilaw, yung poste at kapit-bahay, meron. Naglabasan ang iba pang ka-rumeyts ko. Ako naman, kakabakabakabakaba, kaba. Kasi baka yung kampyuter ko ang dahilan at nag brownout sa amin. Nung kinakalikot nila yung kung anu-ano sa bahay, bumigay daw yung circuit breaker. At yung pesteng laptop ko, ayaw na gumana. No choice kundi matulog ng maaga. Plano ko pa naman magpuyat at mag-ayos ng mga anik-anik ko. At mag bloghop na din. Purnada ang plano ko.

Buti na lang kinabukasan, dinala ko sa trabaho si laptop, at ayun, okey pa naman, na drain lang pala ang baterya. Kasinlaki kasi nung baterya ng traysikel kaya madaling maubos.


Pero hindi yung laptop ang ikinagulat ko. Kasi me hulog ng langit na nakahalata yata na wala akong photoshop. Kasi yung header kong bago, dinaan ko lang sa mga kulay kulay para hindi halatang tagpi-tagping trabaho. Di ko alam kung naiinip lang at sadyang wala din lang magawa na tulad ko, o talaga lang hulog ng bespren ko dun sa itaas, ginawan nya ako ng bagong header.

Kita mo naman ang bagong header ko dun sa itaas, (andun sa itaas!) hanlinis tingnan. At bagay na bagay. Kulapong kulapo. Parang nakita ko pa nga dun si Lapu-Lapu. Eto ang matindi, tenkyu lang ang bayad.

Kaya naman, bukod sa tenkyu, magpapamudmod ako ng link nya. Eto o. O heto pa. O sige eto pa ulet, magsawa kayo sa link.

Tyaraaaan! Yan po ang magiting na alagad din ni Kulapo, si Ron Turon!. Si Ron Turon ay kababayan nating walang magawa sa Saudi kung kaya naman pagkatapos nyang manood ng dose-dosenang belly dancers at makipag-date sa mga camels, naisipan nyang mamigay ng libreng header. Swerte ko naman at ako unang recipient.

Salamat uli Ron Turon.

Makapag window shop na nga ng bagong laptop.

Recount!

Friday, August 1st, 2008
Sempre sa lahat ng eleksyon sa Pinas, lahat ng natatalo, sasabihin nadaya sila. Kaya naman, para consistent, ganun din ang gagawin ko. Kasi naman no? Sa nakaraang bilangan ng mga boto sa pautot ni Badudels, na-stuck na ang bilang ng mga boto ko. Porti payb years na ang lumipas, nasa 2,700 pa tin ang boto ko. Its hunfair!!

Kaya kinunsulta ko ang aking eleksyon lawyer na si Haydee Burak. At base sa mga tsismis na nasagap nya, ang kaso ko ay katulad din ng kaso ni Ramon Revilla nung unang kumandidato syang senador. Hindi nabilang ang boto nya dahil hindi umepek ang agimat nya dalawa ang pangalan nya, Jose Butista at Ramon Revilla, at isa lang dun ang nakarehistro sa comelec at sa NSO.

At dahil binago ang url ng Anak ni Kulapo mula sa kopongkopong.blogspot.com at ginawang www.kopongkopong.com, malamang daw hindi nabilang yung mga hinakot ko mula sa payatas.

Kung kaya sempre, kahit pa milyun milyun ang ibinayad ko, walang bagong botong pumasok. Kung kaya dahil sa sinapit ko, napagkaisahan namin ng mga abugago ko na magpa-recount. At kahit pa umabot ako sa korte supremo, gagawin ko, magpapatulong ako ke Loren dela Guardia at ke Koko Paminta.

Magpa-file pa sana ako ng complaint kaso kelangan daw dito ako pumila….


At sempre pa, pag sineryoso mo ko, siraulo mo.

Sasabihin ko lang naman na baka di ka pa nakakaboto, eh isali mo na ako. Sayang ang t-shirt, tayp ko pa naman. Wala kang gagawin kundi iboto ang 5 sa iyong pinaka-paboritong mala-cachupoy na blogs. Sempre dapat kasali ako sa lima, dahil kung hindi, etsapwera ang boto mo. Malaki ang pa-premyo. Pramis. Para sa dagdag na impormasyon at kung papano boboto, please see badudels website here. And here.

Sa isang banda naman, mabilis pa sa sikat ng araw ang pamamayagpag ng ating ka-repapits na wala naman balak magpatawa eh maraming napapatawa. Sino pa, e di ang babaeng walang katulad mag-comment na si xiennah gurl ng chiksilog.com. Kasi pag nagko-comment sya, palaging parang tumutulang makata at mala-haiku ang dating. Pero dahil kakaibang nilalang din sya, mala-impakto din ang dating ng mga blogs nya. Kakaiba ang kanyang mga banat, dark comedy ang dating sa akin.

Ganun din naman ang ating repakol na walang kasimpogi na kahit matagal ko nang di nabibisita, eh alam ko naman na kokey na kokey pa rin ang dating. Ang #$&%$%^ si ferbert ng kokeymonster.com.

Sempre, nangunguna pa rin sa listahan ang walang kupas na sosing katulong na si Inday. Pero kung titingnan natin ang tally ng Namfrel, konti na lang ang agwat. Pwedeng pwede na uli nating ituloy ang ating mga maiitim na mga balak…. ang Ibagsak si Inday! Mwahahahahah!

Ayan, puputaktihin na naman tayo ng mga fanatics ni Inday nyan.

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana