Recount!
Sempre sa lahat ng eleksyon sa Pinas, lahat ng natatalo, sasabihin nadaya sila. Kaya naman, para consistent, ganun din ang gagawin ko. Kasi naman no? Sa nakaraang bilangan ng mga boto sa pautot ni Badudels, na-stuck na ang bilang ng mga boto ko. Porti payb years na ang lumipas, nasa 2,700 pa tin ang boto ko. Its hunfair!!Kaya kinunsulta ko ang aking eleksyon lawyer na si Haydee Burak. At base sa mga tsismis na nasagap nya, ang kaso ko ay katulad din ng kaso ni Ramon Revilla nung unang kumandidato syang senador. Hindi nabilang ang boto nya dahil hindi umepek ang agimat nya dalawa ang pangalan nya, Jose Butista at Ramon Revilla, at isa lang dun ang nakarehistro sa comelec at sa NSO.
At dahil binago ang url ng Anak ni Kulapo mula sa kopongkopong.blogspot.com at ginawang www.kopongkopong.com, malamang daw hindi nabilang yung mga hinakot ko mula sa payatas.
Kung kaya sempre, kahit pa milyun milyun ang ibinayad ko, walang bagong botong pumasok. Kung kaya dahil sa sinapit ko, napagkaisahan namin ng mga abugago ko na magpa-recount. At kahit pa umabot ako sa korte supremo, gagawin ko, magpapatulong ako ke Loren dela Guardia at ke Koko Paminta.
Magpa-file pa sana ako ng complaint kaso kelangan daw dito ako pumila….

At sempre pa, pag sineryoso mo ko, siraulo mo.
Sasabihin ko lang naman na baka di ka pa nakakaboto, eh isali mo na ako. Sayang ang t-shirt, tayp ko pa naman. Wala kang gagawin kundi iboto ang 5 sa iyong pinaka-paboritong mala-cachupoy na blogs. Sempre dapat kasali ako sa lima, dahil kung hindi, etsapwera ang boto mo. Malaki ang pa-premyo. Pramis. Para sa dagdag na impormasyon at kung papano boboto, please see badudels website here. And here.
Sa isang banda naman, mabilis pa sa sikat ng araw ang pamamayagpag ng ating ka-repapits na wala naman balak magpatawa eh maraming napapatawa. Sino pa, e di ang babaeng walang katulad mag-comment na si xiennah gurl ng chiksilog.com. Kasi pag nagko-comment sya, palaging parang tumutulang makata at mala-haiku ang dating. Pero dahil kakaibang nilalang din sya, mala-impakto din ang dating ng mga blogs nya. Kakaiba ang kanyang mga banat, dark comedy ang dating sa akin.
Ganun din naman ang ating repakol na walang kasimpogi na kahit matagal ko nang di nabibisita, eh alam ko naman na kokey na kokey pa rin ang dating. Ang #$&%$%^ si ferbert ng kokeymonster.com.
Sempre, nangunguna pa rin sa listahan ang walang kupas na sosing katulong na si Inday. Pero kung titingnan natin ang tally ng Namfrel, konti na lang ang agwat. Pwedeng pwede na uli nating ituloy ang ating mga maiitim na mga balak…. ang Ibagsak si Inday! Mwahahahahah!
Ayan, puputaktihin na naman tayo ng mga fanatics ni Inday nyan.
This entry was posted on Friday, August 1st, 2008 at 11:00 pm and is filed under botomo labko, mala-cachupoy. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

























genefaith February 27th, 2010 at 5:58 am
sir cute pangsouvenir ang t-shirt mo jan…
genefaith´s last blog ..Importance of making a shopping list