» Blog Archive » Turon Kayo Dyan!
BABALA:

Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Bite Me!

A BURAOT a day keeps the albularyo away!

TagNgYan Talaga Oo!
Wer Da Hell is BURAOT?
Barilin si Boy Pana
Panain si Ben Boga

Turon Kayo Dyan!

Lumang luma na ang style ng webpage ko. Kasing tanda na ni Kulapo. Kaya naman nung isang araw, naisipan kong paglaruan ang aking Paint software. Wala kasi akong Photoshop. Di na kakayanin ng power ng kopong kopong kong laptop ang magdagdag pa ng kung anu anong anik anik.

Kagabi, nung nagda download ako ng free anti-virus mula sa internet, ayaw sya tanggapin. Isang mahiwagang clue na prublemado at nanganganib na ang pesteng kampyuter ko. Wala pa naman akong pambili ng bago dahil puro singkong kulot ang laman ng bulsa ko. Ito pa naman ang tanging libangan ko.

Nung nag lilinis ako ng ibang files, nag try ako mag defrag. Ang sabi ba naman eh kailangan ko muna i-restart yung kampyuter ko. Restart si engot. Nung tsine-check nya yung disk, bigla nag brown out. Punyemas!

Pero ang kataka-takatakataka, taka, bahay lang namin ang walang ilaw, yung poste at kapit-bahay, meron. Naglabasan ang iba pang ka-rumeyts ko. Ako naman, kakabakabakabakaba, kaba. Kasi baka yung kampyuter ko ang dahilan at nag brownout sa amin. Nung kinakalikot nila yung kung anu-ano sa bahay, bumigay daw yung circuit breaker. At yung pesteng laptop ko, ayaw na gumana. No choice kundi matulog ng maaga. Plano ko pa naman magpuyat at mag-ayos ng mga anik-anik ko. At mag bloghop na din. Purnada ang plano ko.

Buti na lang kinabukasan, dinala ko sa trabaho si laptop, at ayun, okey pa naman, na drain lang pala ang baterya. Kasinlaki kasi nung baterya ng traysikel kaya madaling maubos.

Pero hindi yung laptop ang ikinagulat ko. Kasi me hulog ng langit na nakahalata yata na wala akong photoshop. Kasi yung header kong bago, dinaan ko lang sa mga kulay kulay para hindi halatang tagpi-tagping trabaho. Di ko alam kung naiinip lang at sadyang wala din lang magawa na tulad ko, o talaga lang hulog ng bespren ko dun sa itaas, ginawan nya ako ng bagong header.

Kita mo naman ang bagong header ko dun sa itaas, (andun sa itaas!) hanlinis tingnan. At bagay na bagay. Kulapong kulapo. Parang nakita ko pa nga dun si Lapu-Lapu. Eto ang matindi, tenkyu lang ang bayad.

Kaya naman, bukod sa tenkyu, magpapamudmod ako ng link nya. Eto o. O heto pa. O sige eto pa ulet, magsawa kayo sa link.

Tyaraaaan! Yan po ang magiting na alagad din ni Kulapo, si Ron Turon!. Si Ron Turon ay kababayan nating walang magawa sa Saudi kung kaya naman pagkatapos nyang manood ng dose-dosenang belly dancers at makipag-date sa mga camels, naisipan nyang mamigay ng libreng header. Swerte ko naman at ako unang recipient.

Salamat uli Ron Turon.

Makapag window shop na nga ng bagong laptop.

Tags:

3 Responses to “Turon Kayo Dyan!”

  1. r2r Says:

    nawala pala lahat ng comments kasi naglipat ka ng bahay… bakit naman kasi hindi ka ngbabayad ng renta! lolz!

    r2r’s last blog post..Kulto ng mga buraot

  2. BURAOT Says:

    nyehehe. nabalikan mo pa to… lols

    ksi, winantutri ko yung renta, ipapa premyo ko. wahahahah!

  3. Bu-Rak Says:

    [...] na sya ay walang pakielam sa tao at dedma lang sya ay hindi ako naniniwala, dahil da mear fact na nagtitiis sya sa kanyang laptap na pwede ring makinilya at nagpa dot com sya ng wordpress site nya dahil hindi na nya matake na nahihirapan at nasusuklam [...]

Leave a Reply

KuyuQuote of the Day
"You, you and you! Both of you!"
- English Titser ni BURAOT
Bwena Mano
Entredropper

Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!

Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!

Soundtrip: Manila Sounds
"Kilig to the bones, kadiri to death..." -Dina Bale

Proud to be PANGO!

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Stats mo Mukha Mo..
Baul ni Kulapo