Sikatchupoy si BURAOT Contest: Pwede Ka Na!

I- Feysbuk Mo Mukha Mo!
Isip isip ko, bakit ba ako nagpapamudmod ng libo-libong singkong kulot? Bakit ba ako namimigay ng entrecard credits? Bakit? Bakit? Bakeeeeeettt?


Umakyat ako sa bundok ng tralala para mag-agam agam, at humingi ng kasagutan. At sempre, nag-ala Plato na naman ako. Hindi plato na pinggan na pinaglalagyan ng tsibug. Plato na kumpare ni Aristotle, nukaba?

Kasi napansin ko, April Fools Day ko pa ipinaskil sa blog ko yung pautot ko. Kahit pa malaki ang premyo, $550 suma total at 4,500 EC, ng aking mala impaktong pautot, ang Sikatchupoy si BURAOT Contest, ilan pa lang ang sumasali. Kahit pa walang entrance fee, walang bumibili ng paninda ko.

Siguro marahil subalit datapwat dahil…. wala din naman kasi akong oras para mag-bloghop at i-network ang blog ko kaya di ko mai-anunsyo ang pa-kontest ko. At dahil matigas din talaga ang ulo ko, walang Ingles sa mga post ko, kaya bihira rin ang makatsamba sa site ko. Yoko kasi mag-Inglish dito baka duguin ilong ko. Dami mong satsat, wala lang talagang kwenta ang site na to kahit na anong suhol ang gawin mo. Kunsensya, tumahimik ka.

Kaya para mas madami ang maka-alam ng mahiwagang pakontest ko at ng blog ko, naisipan kong gawin ang mga sumusunod:

1. Kumuha ng paid ad, whole page, sa Inquirer.
2. Gumawa ng commercial na ipapalabas sa Wowowee at sa Eat Bulaga
3. Magpagawa ng campaign jingle ke Lito Camo.
4. Ilagay ang piktyur ko sa lahat ng dyip ng Piston at Fejodap, pati na rin sa mga bus byaheng probinsya.
5. Taasan ang aking campaign fund mula sa $550 prize at gawin itong $550,000 o kaya naman ay
6. Wag nang mag-blog. Tumakbo na lang na Presidente.

Kaya naman, nirepaso ko (ulit) yung rules. Tutal, links lang naman ang habol ko (nating lahat), inalis ko na yung time limit sa kung kelan pinanganak yung blog ng mga sasali.

Ayun sa rules na imbento ko lang, para makasali sa Sikatchupoy si BURAOT Contest, dapat ang blog mo ay in running condition na bago pa mag April01, 2008. Pero dahil nilalangaw ang pakontest ko sa apila ng libo-libong naligaw ng landas, pina-veto ko na ke pareng Bush ang rule na yun. Lahat ng blog ay pwede ng sumali kahit na kakapanganak mo lang.

Ang pinaka importante, ang premyo.

Grand Prize:
1. 3,000 entrecard credits at
2. Pumili ng isa sa mga sumusunod:
a. Three hundred dollars,
b. Tatlong daang dolyares,
c. Tres syentos estados unidos dolyares, o
d. Tatlong plastic balloon (used)

Second Prize:
1. 1, 000 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusonod:
a. One hundred dollars,
b. One hundred pesos,
c. Isang daang baku-bako, o
d. None op da above

Third Prize:
1. 500 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusunod:
a. Fifty dollars,
b. Singkwenta pesos,
c. Limampung pirasong sinkong kulot, o
d. Tenkyu mula kay BURAOT

$100 Consolation Prize: (Kita mo naman sa pakontest, me consolation prize pa.)

Para sa paraan ng pagsali at sa iba pang mga detalye, click mo lang mukha mo dito o dun sa link sa gilid at sa lahat ng mga link na makikita mo dito sa site ko.

Tags: ,

This entry was posted on Friday, August 8th, 2008 at 3:00 pm and is filed under Sikatchupoy Contest. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

14 Responses to “Sikatchupoy si BURAOT Contest: Pwede Ka Na!”

Anak ng Kulapo « *boSsAbOs* September 29th, 2008 at 6:39 am

[...] Dahil nagpakontes sya at doon maaari kang kumita ng… (drum roll [...]

buzzing flowerpecker September 30th, 2008 at 10:11 pm

yey! buhay pa pala itong contest na ito. hehe. ibig sabihin pwede kong i-claim yung prize ko sa oct 31!!! yey.

BURAOT October 1st, 2008 at 1:08 am

buhay pa naman. ako lang ang nawala. kaso sayang yung time at links ko na nawala. pero inextend ko lang yung ending kasi pinag-iipunan ko pa ung premyo. weheheheh.

abot na abot sa pasko.

rhyannefranz October 2nd, 2008 at 7:51 am

hindi ko alam kung saan pwede ilagay itong vandal na eto. Kaya d2 ko na lang inilagay.

Your account ‘BOSSABOS’ on entrecard.com has been deleted. The administrator gave the following reason:

rule 2, 7, http://entrecard.com/docs/doku.php?id=blog_quality_standards
wordpress.com does not support the use of entrecard

Please contact deleted@entrecard.com if you have any questions regarding this action.

Please include the following:
User ID: 30315

BURAOT October 2nd, 2008 at 7:56 am

nyeks, di pa pala hosted ang site mo. yan ang problem with wordpress, di mo pede lagyan ng ads. kaya ako na-stuck sa blogger yung ibang blogs ko. kahit di ko ipa-host pede na rumaket.

d bale tol, yung pic mo sa mybloglog, ginawa ko na lang 125 para maisalpak sa blog ko.

rhyannefranz October 7th, 2008 at 9:45 am

pag sa blogger ba pwepwede maglagay ng entrecards?

BURAOT October 8th, 2008 at 9:44 am

oo tol, un ang ok sa blogger.

paperdoll October 8th, 2008 at 3:51 pm

bakit di mo aco pinapansin? kailangan co ang papremyo mo. . wag mo aco isnobin. . :(

BURAOT October 9th, 2008 at 12:21 am

sowee. pano kita mapapansin eh tulog ang lolo mo. magkaiba time zone natin kase.

Sikatchupoy si Buraot Contest | I Heart Contest December 3rd, 2008 at 8:46 pm

[...] man sa inyo ang gustong sumali sa hanep na pautot ni Buraot, i-click niyo ng mabuti ang link na ito. Dali-an niyo, hanggang November 30, 2008 lang toh! [...]

genefaith February 27th, 2010 at 5:43 am

di pa napanganak blog ko ng maghost ka ng pacontest sir
genefaith´s last blog ..Importance of making a shopping list My ComLuv Profile

genefaith February 27th, 2010 at 5:44 am

laki naman ng premyo, mas malaki pa sa pacontest nina pehpot ngayon…

genefaith February 27th, 2010 at 5:45 am

i like your idea of advertising your pacontest sir..di ko macarry..he..he…
genefaith´s last blog ..Importance of making a shopping list My ComLuv Profile

BURAOT February 28th, 2010 at 7:47 pm

di bale, papakontest ulit ako. lapit na. may tinatapos lang ako.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes