Buhay Pa Po Ako, Tenkyu!

September 23rd, 2008 by BURAOT Categories: Blogag 19 Responses

Salamat sa mga naghahanap at nagtatanong kung buhay pa ako. Awa naman ni Lord, humihinga pa. Kung ikaw naman eh isa sa mga pinagkakautangan ko, hindi ako ito.

Grabe, tagal ko din nawala sa ere. Na censor kasi ako sa ere. Ang hinayupak na gotatay.com na yan, itinakbo ang domain ko. Mahabang kwento. Kasing haba ng edad ni kopong kopong.

Nagkasakit kasi ako. Hinde, hindi aids. Age. Ang hinayupak kong rayuma na to, umatake ng husto. As in di na kinaya ng powers ko at napilitan akong magpa doktor. Para akong imbalido. Kung anu anon tuloy na mga superpowers ang kelangang isaksak sa akin.

At habang nagpapagaling ako, naispatan kong niyari pa ako ng gotatay.com na yan. Mantakin mong bayad na ako ng domain ko for 2 years in advance, dahil isinara ko yung bank account ko, ni-lock out ako. Mga hayuff. Wala ka naman mahagilap sa customer service.

Sya ska na ang kasunod ng wento. At eto nag-aayos na naman ako ng one thousang syete mil kong mga anik anik. At sempre, kita mo naman, iba na naman ang domain nito. Pero sinigurado ko ng okey ito dahil sinunod ko na yung payo nung aking tech suport na si kotsengkuba.

Kaya kung sinisipag ka, paki update mo na lang yung link ko sa yo ha?

  1. timi says:

    Woohooohooo! Welkam bak! Anditow na ulet si Buraot!

  2. BURAOT says:

    hehhe. tenkyu! di pa me masyado maka ikot. nag-aayos pa rin ako ng site. dami anik anik.

  3. joyceee says:

    yun! kaya pala nawala ka bigla! welcome bek! :)

  4. R2r says:

    hahaha.. ampota iba na nga bahay mo… mejo sleek na sleek a… hahhaha.. mejo metal ang dating.. hindi ugma sa panahon ni kopong kopong o ni kulapo.. kung sabagay ikaw naman e anak na lang ni kulapo kaya modern na.. hahaha

    nakita mo bagong layout ng “a slice of turon”? hehehe.. aksidente lang yun kasi nasira ko yung previous kaya naghnap ako ng bago..

    o cge .. happy blogging.. ampota, tagal mo ring nawala a…

  5. BURAOT says:

    helow joycee, tenkyu. me welkam palo ako nito

    turon, ganda nga nung lay out mo eh. hanlinis.

  6. Evil Woobie says:

    hellow! linking you back in my site. WB!

  7. gLENN says:

    buraot sayang naman ang kopongkopong… ang gandang domain pa naman. anyway gud luck na lang.. dibale sisikat din uli tong anaknikulapu mo hehe

  8. Ambo says:

    Welcome back brother! Sabi Itots hanap mo daw ako kaso naguguluhan ako kung sakit kokontakin kaya wait ko email mo ala naman dating hehehe. Matagal tagal ka ding nawala ah. Panu un e nominated ka pa naman ke Badoodles! Grrrr. Anyhoo, email mo na lang ako sa gamit ko ngayon. Baka kung ano pang pwedeng maitulong sabihin mo lang. I’m offering my service este body, amf tulong na lang lekat hahahaha. Miss you bro! Get well!

  9. BURAOT says:

    hey glenn, honga sayang. ngayon umpisa ako ulit sa links. at aagawin ko pa yung links
    na napunta dun sa domain nayun. laking bwisit talaga yun gotatay na yun. eniwey,
    nag-uupdate pa ko ng mga links ko. me 125 x 125 ka ba?

    hey woobie, tenkyu ha.

    amboooooooooo! taena, honga tagal ko nawala. di ko agad naasikaso eh. yaan mo i-email
    kita.

  10. [...] is the best medicine according to experts like Badoodles and Buraot. These two bloggers possess a different style in Pinoy Blogosphere. They make people laugh, cry, [...]

  11. ngayon lang ako napadpad sa totoo lang… pero dahil may nabasa akong nakakaaliw daw ang writer dito.. magiging frequent reader na ako… add ko po kayo sa links ko ha… and welcome back… layo po tayo sa matataas na purine na pagkain.. cheers!!!;p

    http://anakngpiso.wordpress.com/

  12. Nicely says:

    hello po! mabuhay ka!

  13. rhyannefranz says:

    buhay ka nga… akala ko minumulto lang ako at binabangungot. Mabago na nga yung link na nilagay ko sa iyo. Nga pala yung button na hinihingi mo eh hindi ko maintindihan, ano bang butones yun na ang sukat eh 125 x 125? Pagkakaperahan ba yun??

  14. BURAOT says:

    honga nicely, nabuhay ako ulit. hehehhe.

    oist rhyannefranz, me entrecard ka ba? yun ganun kasi ang size nung mga picture link na nakakabit sa blogroll ko.

  15. rhyannefranz says:

    Ang mga card lang na may hawak ako eh yung Company ID card, SSS card, medicard, LRT card at saka library card. Yung entrecard wala ako, san ba nagpapagawa nun??? Meron ba nun sa recto?

  16. BURAOT says:

    hehhe. voter’s id meron ka? punta ka lang sa entrecard.com. sign up kaw. ok din yun pandagdag sa network at dagdag traffic sa site mo.

  17. [...] rhyannefranz Tribyut kay Kulapo dahil sya ay nawala, akala ng iba nilamon na ng lupa. Awa ng Dios buhay pa naman daw sya. Ngayon naniniwala na ako sa kasabihan na “kapag masamang damo, patay na ang kabayo”. [...]

  18. reyapot says:

    anak ni kulapo!!! that explains it!!! akala ko na-ban ka for some obscene reasons hehehehe… eh sa pagkakabasa ko sa mga posts mo, “hole-some” ka bwehehehe…

    update ko link mo after nito… at sana eh oks na ang rayuma mo fren..

    reyapot :-)

    reyapot’s last blog post..Is There Something

  19. BURAOT says:

    alangya kaw, di mo pala ako nakilala. wahahahahha! ok na, papapalitan ko na paa ko. hehehehe.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes