Ang buong akala ko, mga ka-edad lang ni Kopong Kopong ang kabatak ko. Yun pala pati mga mas sinauna pa ke Mahoma naging trops ko na rin.
Kasi naman, para akong naging alagad ni Moses na pinagkaitan ng daan patungong Pramis Land. Inabot ako ng syam syam, humigit kumulang porty payb years at forty days en forty nights na walang ginawa kundi magmuni-muni kung bakit ko sinapit ito.
Dati-rati nung nasa Los Angeles pa ako, minsanan lang kung umatake etong pesteng gout ko. Ngayon, di lumalampas ang isang buwan, umaatake. Kahit pa anong iwas ko sa mga karneng baka at mani, umaatake pa rin ang hinayupak. At ito ngang huli, men, yun ang pinakamatindi.
Ako pa naman ang dehins mahilig magpadoktor. Kasi naman, alam ko naman na ang sasabihin nya. Kung pwede lang akong gumawa ng sarili kong reseta, e di sana ako na lang. Andami namang resources online para malaman mo kung ano ang sakit mo. At alam ko naman na ang sakit ko. Age.
Pero grabe na talaga. Di na kinaya ng powers ko. Kahit pa me mahiwagang tungkod akong nahiram dun sa kasera ko, gumagapang pa rin ako papasok sa opisina. Yun nga atang ka-trabaho ko, napansing grabe na akong ngumiwi kasi lumalabas na ang ugat sa mala-airport kong noo, kaya naisipan pa akong alukin ng Morphine. Sabi ko na lang, tenkyu but no tenks.
So, no choice ang lolo mo kundi pumasyal ke dok. Sabi ba naman sa akin, “Buraot, you need some rest. I’ll give you a note not to come to work for a week.” Sabi ko, “Nooooooooo!” Eh di wala akong sinweldo. Kaya ang sabi nya, blaha ka sa buhay mo.
So ayun, tinurukan ako ng tinurukan. First time ata nung nurse magturok kaya excited na excited pa ang bruha. Pinagdudutdot ang mga balikat ko ng karayom, pati na rin sa hips. Kala ko tuloy paa-anakin din ako ng mga hitad. Kinuhanan din ako ng urine at stool sample at dugo para sa mga lab tests. Sabi ko nga, tutal hi-tech naman na, baka pwedeng kulangot na lang. Di daw pwede, di daw tatanggapin ng machine. Bale isang gallon na dugo lahat-lahat ang kinuha sa akin. Para daw siguradong ma-check lahat.

Ng matapos lahat, hiningi ko na sa doktor yung note na ino-offer nya nung umpisa. Eh ikaw ba naman ang gawing lab rat, pag di ka rin napagod, ewan ko na lang.


its nice to have you back.pasalvage natin si gotatay.ahehehe!naayus ko na ikaw sa blogroll ko.ayusin ko na lang un entry ko sa contest ni mo.oki!tuloy ang bange kahit basa ang bunot.
hahaha.. lab rat pala ha…
buti hindi ka ginawang cyborg
yung katulad nung
palabas ni Joey de leon…
edi sana ikaw na si
ROBO-RAT
hehehe.. (korni ata nun a!)
anyway,
sana okey na lahat…
tapos, mas maganda
yung layout mo ngayon…
SCROLLS ang trip ng lolo…
hehehehe.. mas pang kopong-kopong…
hehehehe
bagong lipat ha
cool
brader…matanda ka na nga, kailangan mp ng magpahinga lol!
ayos itots, ipapayari ko nga yang gotatay.com na yan.kabwisit talaga.
heheh. oo turon, napanood ko yun noon. okey kaso korni din, mala cachupoy na mala cachupoy si joey. heheheh
hey brya, teka ha, di ko pa pala nakakabit link mo dito, me 125 x 125 ka ba? penge naman para maikabit ko sa blogroll ko….
helow sister, honga, kakapagod dito sa abord.
tutal hi-tech naman na, baka pwedeng kulangot na lang.<— natawa ako dito!!!!
sakit din ng tatay ko yan!!! lalo na daw pag malamig….;p
Naku Brother bata ka pa para sa akin. Yung isang ka blog ko nga 80 na eh hahahaha. Mabuti pa mag wheel chair ka na lang pag pumapasok tipid pa gas hahaha. Btw, lipat ka na sa iPower Host bilis! hahaha. O baka me maitulong ako kapatid andito lang ako. Welcome back!
Hello!
alasais.wordpress.com
Siguradong magugustuhan mo ‘to.
Salamat,
Tem-i of Alasais
ano kamo ambo, 80? nakakapgauslat pa ba yun, eh baka pinapasma na kamay nun. heheheheh.
helow glesy, pangalan pa lang ng blog mo, halatang magiging close tayo. hehehhe.
alasais? hmnnn. cge tsek ko tem-i. hehehhe
so kumusta ka naman? ayos ka na?
Lab rat pala ha…siguraduhin mo lang kumpleto pa lahat ng dapat nakakabit
. Lagi magingat…sabi nga nila…MAHIRAP MAGKASAKIT!
ayos ayos naman na ferbert.. eto concentrate muna mag-aral ng wordpress pag me taym. heheheh.
oist timi, di ko pinapagalaw yun, naka frame kasi. heheheh.
leche naman! hahaha! ba’t forty days ang napuntahan koooo!!! hahaha!
hoy! kelangan ko ang dolyar mo dito:
http://reynaelena.com/2008/09/30/ofw-and-the-current-global-financial-crisis/#more-3870
hahaha! I’d appreciate your help talaga ever! Thank you!
Reynz
heheh. porty days.. ngayon ko lang naisip, di ba pag me namamatay yung forty days? hehhee.
dito sa bundok namin natetest ang tinga. . hindi co maintindihan yung contest. . gusto co sana sumale. . ang di co maintindihan, yung mga kailangan. . sobrang taba kasi ng utak co para mintindihan ang lahat ng ito. .
mukha namang may anim na galong dugo pa ang nananalaytay sa marupok na ugat mo manong. .
helow paperdoll, medyo mahaba lang kasi ang rules. pero simple lang. pumili ka lang ng post na tayp mo at i-link ang blog ko twice. ganun lang naman. heheheh. gulo ko kase.
[...] ko lang yung si Bionic Man dahil sa sobrang sakit na inaabot ko. Dahil kasi sa pagkawala ko ng forty days en forty nights, napag-esep esep ko na baka pupwede ko na papalitan yung paa ko. Tutal hi-tech na ngayon. Grabe na [...]
waaaaaahhhh tindi… ang lufet..ito ang gusto ko..sasali na ako… waaahhh katchupuy? buraot? sinu ba dapat nakaaddress sa pasali letter ko… lol
kosa’s last blog post..utak mo
kahit kanino kosa… ke buraot na mala-cachupoy na mahilig sa kopong kopong..
[...] Paunawa: Ang inspirasyon sa post na ito ay ang Forty Days and Forty Nights. [...]