Where Da Hell Is Kopong Kopong?
Nawalang parang bubble? Naglahong parang phantom? Sumama ke jennifer? Ke Bulak? Nagpunta sa timbuktu? Sa buwan? Baka naman sa Mars? Bakit tuwing papasyalan ko si kopong kopong napupunta ke gotatay.com? Me isa na namang kumagat sa alikabok. Recession na kasi, malamang, nag recess din si kulapo. Nagsawa na siguro sa pambuburaot yun. Baka na-burn out na sa dami ng blogs.
Mga simpleng agam-agam at muni-muni ng mga repapits sa blogosphere.
Eh where da hell nga si Kopong Kopong ba?
Ganito kasi yun…. Ganun. Naintindihan mo na? O malinaw na ha?
Tapos, kumuha ako ng domain sa gotatay.com na yan. Dalawa. Isa para sa site na to, at isa para dun sa mala-impakto kong nosebleed na The Antisocial. So far so good. Nag-advance na ako ng lease for two years. Para di ko na intindihin ang renta. So far so good na naman. Tumatabo na ako ng milyon-milyong links (naman). Nasa Los Angeles pa ako nun.
Ilang taon na din ako sa LA, kaso wala pa ring nakaka-discover sa akin. Kahit na magtutuwad ako sa Hollywood Boulevard, at magtampisaw ako sa Santa Monica, at magpalaki ng masel ko sa Venice Beach, wala. Kelangan daw kasi pogi at me dating. Kahit pa anong pakyut ko, wala. Saka dahil mainit sya, di ko magamit yung mga sweater na gawa sa kopra at katcha. Pabaon pa naman ng lolo ko yun. Kaya naman naisipan kong magpahiyang. Lumipat ako sa me bandang norte. Mas malamig at me snow kaya siguradong in na in yung mga sweaters ko.
Dahil lilipat nga ako, isinara ko na yung bangko ko. Oo, me ari ako ng bangko. Dun nagkaproblema website ko. Dahil di na active yung debit card na binigay ko, ikinandado ang account ko sa napesteng gotatay.com na yan. Heller!!! Eh bayad na ko in advance ano? Kinaltas na yun sa bangko ko bago ko pa isinara.
Sempre, tawag ang lolo mo sa kanilang kostumer walang wentang service. Wala daw sila magagawa, kelangan ko daw magpadala ng bagong credit card, pati na rin voter’s id at birth certificate. Kulang na lang pati bio-data at 2 x 2. Sabi ko, eh baket? Bayad naman na ako. Nakailang kulit ako pero wala, ayaw akong kausapin, di daw pede sa telepono. Kelangan daw thru internet. Nakngteteng! Cyber ang gusto. Gusto lang atang makipag-EB. Paganun-ganun, paganyan-ganyan. Naburaot na lolo mo.
Sabi ko, blaha na kayo sa buhay nyo. Sa inyo na lang yung ibinayad ko, mga hinayupak kayo.
Nung gumaling na ako. Kinontak ko na agad ang aking tech support na si Kotseng Kuba. At dahil likas namang maawain, tinulungan nya ko mag set-up ng bagong domain, eto nga yun, http://anaknikulapo.com at oo, ipina-host ko na. Nagkukuripot pa kasi ako noong una, eto tuloy ang napala ko. Winantutri ang bayad ko. Bukod pa dun, nawala sempre yung halos isang milyon kong links. Damay pa dun yung mga subscribers ko. Oy, kahit di nila binabasa yung post ko, at least me subskrayber.
Eto ako ngayon, naglulupa na naman.
Para bumalik lahat ng yun, kelangan na namang rumampa ng byuti ko. Kaya wag nyo na subukan yang godaddy na yan ha? Pimp daddy lang yan.
This entry was posted on Wednesday, October 1st, 2008 at 8:19 am and is filed under KABILANG IBAYO, KWENTONG KOPONGKOPONG. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
























BURAOT October 1st, 2008 at 10:23 am
hay nakuday. super. maiimbyerna ka lang. si itot me sinasabi na mura lang na domains. heto link nya, http://www.itot54joni.com.
sabihin mo pinadala kita, sabay ilag.