Alas nwebe ng gabi, nag-alarm ang celfon ko. Pain-in muna sa kama, fifteen minits. Alarm ulit. Tinatamad pa ako, pero no choice. Kulang na kulang sa tulog. Langya kasing trabaho to, sagabal sa pagba-blog.
Di ko pa masyado naaayos mabuti yung mga sites ko dahil laging kulang sa oras. Paglabas ko sa umaga galing trabaho, dun ko lang naa-update yung mga anik-aniks. Inaaral ko pa rin yung ibang mga plug-in plug-in nitong si Kulapo. Kung anu-ano. Ang alam ko lang kasi na plugs eh yung di saksak.
Bumangon na din ako, di pede ma late. Diresto sa banyo. Kahit medyo grogi pa, tutbras muna para oks.
Tutal wala naman ng kain kain. Sa trabaho na lang. Porty payb minits na ang lumilipas, nakatulog na ata ako kakatubras, parang di ata bumubula. Saka, parang kakaiba din ang lasa. Hindi lasang colgate. Hindi kaya luma na yung toothpaste ko? Bihira na kasi akong magtutbras, once a month na lang para makatipid. Baka naman made in china, at me melamine. Malabo.
Hmnnn. Dedma, baka antok lang. Sinawsaw ko ulit sa tubig yung tutbras ko, baka sakali bumula ang kumag. Wala pa rin. Di bale na nga. Pero parang me gumagasgas sa gilagid ko eh, kakaiba. Kinabahan na ko, naisip ko, baka katulad nung napanood ko sa mga kopong kopong na pelikula, na glue na pala ang nasa sepilyo nila. Nagising na ako ng diretso, natangal bigla ang antok ko.
Dali-dali kong binuksan yung mirror cabinet.
Haayyy… nakahinga ako ng maluwag. Di naman pala glue o kung anupamang lason yung nailagay ko sa tutbras ko. Hindi rin yung toothpaste.

Clean & Clear facial wash.
Daig ko pa ang nagpa-Belo at Calayan. Mnnnnn. Biglang kuminis ang ngipin at gilagid ko.


mukhang may side effect yata yun ah, tingnan mo pix mo dumami balahibo mo.ahehehe
baka di lang antok yan…edad din… wahahah!
honga.. ang samang saydepek nyan!… ahaha.. nagmukha kang footah este foosah!
hehhe. hambibilis nyo mag coment ha? kakapost ko lang. hehehe kamukha ko din yung nasa star war. heheheh.
talaga clean & clear facial wash lang ginamit mo?
masubukan nga.
makikiboto po ng video ko V4: Philippines dine. salamat po! http://www.hboasia.com/fotc/video_contest_voting
nakanaks, toni, me pic na yang coment mo ha? hehehe.
ayos itot, boto na ko. now na.
nyahaha.. may granules din ba yung clean and clear mo…. ahaha… ingat lang baka next time muriatic acid ang gawin mong toothbrush.. di na kinis gilagid kungdi tanggal gilagid na ang title ng next post mo…
uu man day. me garules pa. nyahahahh!
buti na lang hindi facial scrub kundi na-exfoliate lahat gilagid mo, he,he,he…
chezza’s last blog post..Don’t Stoop!
ayyyy nasaan na si voltes 5 na muzak?
***
may similar experience ako. yung feminine wash ko ang napanghilamos ko. magkatabi kasi sila, at wala ako sa sarili ko non. kaya yun nangamoy peks ako for a while. hehehe
utakmunggo’s last blog post..PLATITO
hehhe. ganda naman ng amoy mo. ehe.
helow chezza, buti nga di ganun, baka humapdi gilagid ko dun.
[...] Paraan kung pano mo mapapakinisi ang gilagid at ipin mo gamit lamang ang Clean and Clear Facial wash. O kung pano di mararamdaman ang sakit kapag bubunutin na ng plies ang nabubulok mo nang in-grown nail. At kung pano mo malalaman na high blood ka pa sa paginom lamang ng kape. [...]