Wala akong magawa. Di naman porke wala akong magawa eh nagba blag na ako. Paminsan minsan kelangan ko din masikatan ng araw. Bukod sa kelangan ko ng vitamin D, kelangan ko din makita ang labas nitong selda kong 8 x 8. Kaya eto ako, pasyal pasyal kahit puyat.
Kung ang mga chikabeybs, naglalaway sa mga sapatos at handbags, kaming mga kelots, kung hindi sa home depot ang pasyal eh sa mga tindahan ng mga gadgets. Oo, kasi nasa DNA namin yun (as in Di Namin Alam), ang maging natural na mahilig sa mga kung anu-anong anik-aniks at mga pang mga bagay na pwedeng pangkali-kalikot. At dahil wala naman akong Wii o kaya PS3 o kaya ay Xbox o GameCube na pinagkaka-abalahan maliban sa aking brick game na baon ko pa galing Quiapo, naisipan kong dumaan sa bilihan ng mga games.
Peborit ko kasi maglaro ng Red Alert. Yun namang red alert ko, iniwan ko na sa LA nung maglipat-bahay ako. Nami-miss ko na din kasi si Tanya. Me nakita akong bagong labas na Red Alert 3. Gustong gusto ko na sana syang kunin kaso nag-tatlong isip ako kasi baka pag niload ko sya sa laptop ko, di na kayanin ng powers nun sa mga blogs ko pa lang.
Palibhasa, sanay na lang ako sa aking brickgame at rubik’s cube, medyo nalula ako sa mga games. Parang gusto ko bilhin lahat. Kaso parang mas gusto ko pa rin yung mga dating mga gaming stations na kopong kopong pa. Kahit medyo ala dot matrix lang yung graphics, okey na rin. Mura pa. Eh sa mga games ngayon, bala pa lang, mapapamura ka na sa mahal. Kung di nga lang mga hirit ng mga inakay ko, di ako bibili. Kung ako lang, kuntento na ko sa jack en poy at tic tac toe.
Naalala ko tuloy yung Atari nung kapitbahay ko noon. Bihira lang ang meron nun noon, mayayaman lang. Buti na lang lumabas yung Family Computer, yun mura mura lang. Pati yung bala me mabibili ka sa Raon. Dun ko nga lang nakilala si Pareng Mario eh. Galing, naging expert ako pagkakalikot ng tubo. Me lumabas ding PolyStation, sempre gawang Pinas kaya gaya gaya lang. Pati yung graphics, medyo despalinghado. Kelangan din sisipain mo ng konti para gumana.
Kung bakit kasi nauso pa ang ganitong hayteks hayteks. Ke sarap nung naglalaro ka lang ng bahay-bahayan eh.


try mo na lang PSP… ehehe
vhonne’s last blog post..Alak Pa
aktwali, sawa na ko sa PSP eh. lahat ng mga anak ko meron pati nanay nila at mga pinsan. nagpamudmod kasi ako nung huling uwi ko. hehheh. hanyaman.
BURAT’s last blog post..Heaven and Hell and in Between
ayan nahawa na ko ke maru. nawala yung O. lols!
ambunan mo din ako ng psp (panay sablay pala)! yun kasi kaklase ko non hiskul e nangako n pguwi niya ng japan e bibigyan ako, aba drawing pla.
itot’s last blog post..LBM (Loose Baho Mo)
burat:D. . kabisado co din ung mario&everything. . potanang psp yan. . bala pa lang ubos na kupit co. . mas maganda pa rin pitik bulag at laro sa apoy. . wahahaha!
paperdoll’s last blog post..LIGHTER
hayaan mo itot, pag nakatyempo ulit ako sa ebay. mamamakyaw ako. pero drowing na lang muna habang wala pa. heheheh.
peperdoll, wala pa ring tatalo sa kopong kopong na mga laro. heheheh.
teks na lang? o kaya jolen…
vhonne’s last blog post..Alak Pa
bahay-bahayan, reyp-reypan, tapos habulan-gahasa hahaha. ako kahit family computer hindi nakapag-enjoy pano kase ayaw gumana sa tv namin non. hmpt!
laruin mo yung rappelz, online game lang yun kaya free for life. kaso 2GB yung installer na idodownload mo. buti ka nga jan pwede mo laruin yun ako, ako di raw pwede sa ip region ko. hmpt!
kotsengkuba’s last blog post..Lea Salonga sings modern day Asian Cinderella
teks na lang vhonne.. yugi-oh cards. weheheheh.
hambigat naman nyan kk, bibili muna siguro ako ng desktop na pang gaming. baka bumigay itong kopongkopong laptop ko eh…
hahaha! nakarelate ako sa reyp-reypan! *bistado*
mas ok din talaga ung mga laro nung bata pa ako. mga larong kalye. kasi personal interaction with playmates. ung mga online games, nakaupo ka lang tapos wala pang socialization process.
di yata papasok ung issue on “hi-tech vs. hi-touch”.
Nicely’s last blog post..Blog Action Day 2008 Poverty
Correction lang sa comment ko sa taas:
DITO yata papasok ung issue on “hi-tech vs. hi-touch”.
Nicely’s last blog post..Blog Action Day 2008 Poverty
nga. maayos pa yun kasi me interaction. ngayon kaya wla nang social skills ang mga bata at puro nagiging mga obese kasi wala din exercise.
ayoko maadik sa mga games kasi ako yung tipo ng tao na kahit sabihan mong nakamamatay ang kinahuhumalingan ko di ako titigil… kaya lumalayo ako sa mga pwede akong maging adik…
pero di ibig sabihin nun di mo na ako pwedeng pangudnguran ng psp… heto lang ako kumakaway.. cheers!!!;p
glesy the great’s last blog post..oyayi ni manong drayber