Labadami Labango

I- Feysbuk Mo Mukha Mo!

Di ako naglalaba. Natawa lang ako dito sa bagong plug-ins na sinalpak ko dito sa site ko.

Nun kasing nasa blogger pa ako, inggit na inggit ang lolo mo sa plug-in nung ibang mga blogista na me anik-anik sa kanilang page na commentluv. Yun yung kapag magko-comment kawsa ibaba ng post nila ay makikita din yung latest post mo galing sa blog mo. Simpleng advertisement. Gandang pampahatak din ng mga bwisitors pabalik sa site mo.

Pero kelangan ang title ng post mo eh medyo karumal-dumal o kahindik-hindik para makuha mo atensyon nila.

Kaya naman nitong inilipat ko na tong letseng blog na to sa wordpress, isa sa unang binalak ko eh ay ang magkaron nito. Wala nga lang akong balak na gawing mala Carlo Caparas Massacre ang mga headlines nito. O kaya ala Xerex. O kaya “how I became a millionaire with my blog” ekeks para lang maka-attract ng mga mambabasa. Okey na ako sa labing-isa one thousand syete mil na masugid (naks hanlalim) at walang kasawa-sawang regular kong mambabasa.

Kaya lang ako natawa kasi ajax ang pangalan nung plug-ins. Parang kasamahan nina Superwheel at Mr. Clean. Sempre di mawawala ang walang kamatayang Tide. Isama mo na rin si Lumen. Si Jennifer at si Bulak di pwede kasi hangang ngayon di pa rin nakikita.

Pero dun sa amin sa Timbuktu, Perla ang gamit ng nanay ko. Mas mabango sa damit. Pati na rin sa mukha. Habang naghihilamos ako ng Perla sa mukha at sa mga singit singit sa me tabing sapa, nagpapalu-palo naman si mader sa mga di madurog durog at halos tumayo nang mag-isa na Levis ng mga kuya ko. Ang sabi ng mga matatanda, pag daw Perla ang ginamit mo, kikinis ang balat mo at pwedeng pwede ka nang maging model sa kinis at puti.

Totoo naman ang pala ang kasabihan. Dahil suki ako ng Perla, nung lumaki ako, naging model din ako. Habang nag-aaral ako sa college, nagpa part time ako sa pagmo-model. Model ng sabong panlaba.

Nakailang try ako na ikabit ang plug-in sa site ko pero sempre, laging palpak. Kundi pa sa aking tech support, di ko malalaman na hindi lang pala ako basta bastang eng eng. Super pa. Di bale, siguro mga forty payb years pa, expert na ako dito.

Kaya naman ngayon, magsawa na kayo mag-comment ng mag-comment. Kada comment mo naman kasi, me libreng plastic balloon link.

This entry was posted on Wednesday, October 15th, 2008 at 3:00 am and is filed under PROMDI, PUGAD BABOY, pinoy pride. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

10 Responses to “Labadami Labango”

vhonne October 15th, 2008 at 9:40 am

sige… umpisahan ko na ang pag promote sa blog ko.. lol…

ako n ang unang mag comment para lumabas link ko… hehehe…

vhonne’s last blog post..Sino’ng Bida Ngayon?

paperdoll October 15th, 2008 at 10:38 am

sa totoo lang di co naintindihan kung ano pa ung ibang pinagsasabi mo bukod dun sa mga sabong panlaba at labada ng ermats mo at nagmodel ka at. . marami nmn pala acong naintindihan. . magcocomment pa rin aco kasi sayang ang effort sa pagbabasa. .

BURAOT October 16th, 2008 at 9:44 am

bwena mano ka palagi vhonne.. hehhehe.

peperdoll, kahit wag mo na lang basahin, mag comment ka na lang ngmmag comment. hehehehe.

glesy the great October 16th, 2008 at 6:20 pm

ahaha.. gusto ko rin nyan kaya lang wala kasi akong tiyagang magbasa ng instructions na mas madalas na di ko rin naman maintindihan… di lang yun eh, pag sineryoso ko na siya at feeling ko naman ginawa ko naman step by step na sinabi sa instructions di pa rin sya gumagana!!! lintek…

akala ko pa naman ikaw labandera sainyo… papadala ko na sana mga lalabhan ko..

ayan inaadvertise ko na yung latest post ko… nakita mo naman, bago yan… kaya walang dahilan para di ka pumunta sa blog ko at di mag comment, kungdi kukurutin ko singit mong pinaputi ng perla!!! ayos? ayos…

glesy the great’s last blog post..oyayi ni manong drayber

itot October 16th, 2008 at 8:01 pm

maganda nga ito!yes this is it!

itot’s last blog post..Naalimpungatan

BURAOT October 17th, 2008 at 12:48 am

oist glessy, me 125 pic na ba yung blog mo? kelangan ko, now na! hehehhe…

itot, musta ranking mo dun sa video contest? panalo na ba?

itot October 18th, 2008 at 7:29 pm

mejo putot p din e.need p konting kadyut!

itot’s last blog post..Globe’s TAWAG236

BURAOT October 18th, 2008 at 10:32 pm

medyo di masyado kaya nitong theme itots… very limited yung themes. di ko pa kabisado mag tweak tweak eh…

r2r October 19th, 2008 at 1:41 pm

e napagana mo naman pala e! congratsuleysyons! hehehe
ampf! hehehe

gustoko rin nyan kaso blogger ako e..teka makahanap nga nyan! hehehe

r2r’s last blog post..Talipandas.

BURAOT October 20th, 2008 at 9:04 am

magkakaron na din ata para sa blogger.. sabi ni itot.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes