Bionic Kopongkopong Man
Naalala mo ba si Bionic Man? Eh si Million Dollar Man? Oo, kopong kopong pa yun. Alam ko nga me pinoy version pa yun na pinagbidahan ni Chiquito. Ah eto, Six Million Centavo Man.
Bata pa kasi ako, mahilig na ako tumambay sa harapan ng tv namin na de-ikot ang pihitan. Pero kahit de-ikot yung panglipat ng channel, hi-tech. Me remote. Pipindutin lang ng kuya ko yung tenga ko, iigtad na ako at kusa kong ililipat yung channel.
Dahil me official silang “remote”, sempre don na don ang dating ng mga kuya ko. Sempre pa, dahil ako ang pinakabata, ako ang laging taya. Kumbaga sa gyera, palagi akong private at sila ang mga generals. Kahit ano iutos ng generals sempre, takbo ka, “sir yes, sir!”
Okey naman kasi madalas nila akong inuutusan bumili ng yosi dun kina Aling Charing. “O Udong, ibili mo ako ng limang stick na Malboro.. sindihan mo na ha?!”
Ako naman itong si kumag, sindi naman sempre. Bago pa ako makarating sa bahay, nangangalahati na yung yosi kaka-hithit ko. Kahit pa nga ba katabing bahay lang namain yung tindahan. Asbok!
Kaya malamang kung bakit ang aga ko natuto mag-sigarilyo, 10 yrs old. Joke lang, sobra ka naman.
Naalala ko lang yung si Bionic Man dahil sa sobrang sakit na inaabot ko. Dahil kasi sa pagkawala ko ng forty days en forty nights, napag-esep esep ko na baka pupwede ko na papalitan yung paa ko. Tutal hi-tech na ngayon. Grabe na kasing pahirap etong isa sa pamana sa akin ng tatay ko. Andaming naman nyang mga agimat na pwedeng ipasa sa kin, rayuma pa. Kainis.
Tutal madami na rin akong nababasa na mga half-half, baka pupwede na. Hindi yung Half German-Half Sheperd. O kaya Half Persian-Half Cat. Eto pinaka corny at kopong kopong joke, Half Filipino-Half Filipina.
Yung half human, half machine. Ala exterminator ang dating. Me mga paa sila or kamay na bionic. At least kapag pinapalitan ko na tong paa ko, siguo naman, di na ko aatakihin ng rayuma ko. Hi tech pa ang dating ko, futuristic.
Problema ko lang, di na ko makakapaglaro ng magnet. Saka di kaya ako matetano? Papano kung maliligo ako, pwede kaya syang basain? Bukod pa sa pihadong super duper grabeng over the top ang mahal nya. Siguro naman baka pwedeng hulugan. Kahit na limang piso araw araw pwede na.
Nakontak ko naman. Sabi ko nga baka pwede ding gawing bionic yung “certain part” ng mga lalaki. Natawa pa sa kin yung doktor. Bat ko pa daw ipapa-bionic yun eh andami ko na daw mabibili sa mga “shops”. Wahahahah!
Inilagay na ako sa waiting list. Kung hanggang kailan ako magwe wait, yun lang ang medyo malabo, kasi wala naman syang sinabi. Sabi ko pa nga, baka pwede na ring magpadagdag ng brain. Kasi medyo kulang yung right hemisphere ko eh. Wala lang, tumingin lang yung doktor sa malayo, parang walang narinig.
Baka kelangan na din nya ng bionic ear. Bingi.
Tags: cachupoy, kopongkopong
























October 17th, 2008 at 5:14 am
super duper mega over to the max naman yang iniisip mo. naalala ko tuloy yung movie ni uma thurman at ethan hawke na gattaca. wala lang, yun ang naisip ko e bakit ba
kotsengkuba’s last blog post..An international health issue no one wants to talk about
October 17th, 2008 at 6:48 am
ampf. . di co na naabutan un bionic chuchu na yun. . ayun pala tawag dun. . bionic. . puputulin ung paa mo? wag ka na paganun. . mag arthro ka na lang o di kaya dun kay mang ruben. . magaling na albolaryo un. . kayang kaya nya yan. . duduraan nya lang. . hindi ka tlga masasaktan. .
paperdoll’s last blog post..PINANGARAP CO MAG G.R.O.
October 17th, 2008 at 9:19 am
haryuseryus?
di ga ang rayuma… madalas manakit kapag malamig? kung bakal na yan… mananakit din ung ibang part na hindi bakal…
ganun pa din ang epekto…
vhonne’s last blog post..Daming Nangyari
October 17th, 2008 at 10:22 pm
buti pa kahit may rayuma, flexible sa pag———>lalakad, kung di inaatake.
kung mala terminator ka nyan baka di ka na maging flexible sa pag——–>takbo.
kaya kahit na naghihinagpis ka na at least may sarili ka pang pang——> lakad.
mag pa chiropartitioners ka na lang. (read: pahilot sa albularyo) hehehe
Mahalia’s last blog post..The Famous Joe the Plumber
October 17th, 2008 at 11:21 pm
ang tagal naman lumabas ng matandang to sa lungga!
paperdoll’s last blog post..MASAKIT SA PUSON
October 18th, 2008 at 1:57 am
bakit legs lang ipapabionic mo??? pwde namang buong katawan diba? mas astig!!!
litz’s last blog post..Personal, Madrama…wag basahin!
October 18th, 2008 at 7:30 pm
d n nmin inaabot yan e. era mo ata yan.ahehehe
October 18th, 2008 at 10:30 pm
kk, parang napanood ko na yung gattaca, kaso di ko matandaan istorys…
peperdoll at mahalia, pag uwi ko nga, susubukan ko patapalan ng kung anu-ano sa albularyo… heheheh baka umepek.
bat ba hanap ka ng hanap peperdoll? natutulog nga ang lolo mo eh. heheheh. 3 days ako minsan kung matulog.
oist itot, oo inabot ko na yun. pero 2 yrs old pa lang ako nun. hehhe.
helow litz, bagong salta ka? welkam ha. heheh.
October 19th, 2008 at 4:02 am
sa pagkakaalam co ung mga tumatanda mababaw na ang tulog. . ikaw 3days tulog:D. . senyales yan na tumatanda kang paurong:D
paperdoll’s last blog post..MASAKIT SA PUSON
February 9th, 2009 at 11:48 pm
[...] nung dose anyos pa lang ako, yosiboy na ako. Tuwing uutusan ako ng mga kuya ko bumili ng yosi ke Aling Charing, nagyoyosi na ako. Pano ba naman, kapag uutusan nila ako, kelangan sisindihan ko na. Kaya bago pa [...]