Sikatchupoy Contest FAQu!

October 20th, 2008 by BURAOT Categories: Blog Contests 32 Responses

Dahil malapit na ang haloween, eto na po ang pinaka hihintay ninyong update sa mala-impaktong pakontest ng site na ito. Para lang po hindi malabnaw sa lahat, narito ang sagot sa iba ninyong mga mala-impaktong tanong.

Sikatchupoy si BURAOT Contest? Ano yan?

Yan ang mala-impaktong pakontest ng site na ito.

Eh ano naman ngayon?

Wala lang. Magpapamudmod lang naman si Buraot ng humigit kumulang one thawsand syete mil $550 as in amerkanong dollars sa mga sasaling mga blogs sa pautot na ito.

Talaga? Ganun kalaki?

Oo, pramis. At me kasama pang entrecard credits. Kaso yung entrecard credits, hulugan kasi me bagong rules ang entrecards na kelangan 1000 credits a week lang ang pwede i-transfer.

Baka naman drowing lang yan?

Aktwali, bagsak si Buraot sa art class, pati na rin sa penmanship at homeroom. At kung drowing lang yan, eh sira ang kabuhayan ng mga blogs ko.

$550? as in Dollars? Huwaaw!

Bale yan ang total na papremyo.

1st prize ay $300 at 3000 entrecard credits

2nd prize ay $100 at 1000 entracrd credits

3rd prize ay $50 at 500 entrecard credits

at $100 na consolation prize sa mapipiling pinaka-matindi o makabagbag-damdaming post.

Hanyaman mo naman! Saan naman galing yang mga papremyo mo?

Ang mga pa-premyo ay mula sa iba’t ibang sources nakikilan ko. Ang iba  ay galing sa aking pinag-pokpokan sa ibang blogs, at ang iba naman ay galing sa ibang mga kopong kopong na sponsor ng blogs ko. At ang pinakamalaking parte ay galing sa pamana sa akin ng nasira kong malayong kamag-anak sa Nigeria.

Teka.. teka… Pano naman pipiliin ang mananalo?

Balak ko bobolahin lang dun sa likod ng sagingan. Pero baka gumamit na lang ako ng randomizer sa internet o gumamit na lang ng tambiolo at i-video or baka gagayahin ko na lang ang pautot ni badudels ng www.kwentongbarbero.com. Kung me ideya ka naman, sabihin mo lang.

Bago lang ang blog ko, pwede ba ako jan?

Wala ng limit kung kelan nag-umpisa ang blog mo. Ayon sa revised rules na pinirmahan ni Bush, lahat ng blogs, pasok na. Kung tapos na ang kontest, at dun ka pa lang gagawa ng blog, eh sa ibang kontest mo na lang yan isali, yung pang eng eng.

Kelan ba ang tapos ng pakontest mo?

Ang huling usapan namin nung mga kubrador ko at bookies ay November 30. Deadline for submission of entries ay November 30, 2008, 11:59 PM, Pacific Standard Time (ibig sabihin oras dito sa Amerika kung san ako nagkukuta). Ito ay para bwena manong pang krismas shopping sa mananalo at di naman ako mamumulubi bago magpasko.

O sya, eh papano naman kami sasali?

Simple lang ang pinaka-punto ng pakontest na ito, i-link mo lang ng 2 beses ang site na ito. Una, ang bagong domain/url ng site na ito na www.anaknikulapo.com, at isa sa mga post ng site na ito, kasali ka na. Ganun ka desperado magka -link ang me ari ng site na ito.

NOTE: as in importante: Pagkatapos mo mag-post ng entry mo, wag mo kalimutang kontakin ang me ari ng site na ito sa pamamagitan ng pagpo-post ng comment kahit saan sa site na ito o thru email sa buraot101@gmail.com kasi minsan mabagal ang aking mga auto-bots na alagad, di agad mahanap ang link. Wag mo ipapadaan sa post opis, mahaharang.

Para sa karagdagan, mas detalyado at pampalitong impormasyon, bisitahin ang mismong Contest Page sa pamamagitan ng pag-klik here. Oo dyan nga!.

  1. paperdoll says:

    makakasali ba co?:D ang hirap maging tanga:D

    paperdoll’s last blog post..USAPANG LASHENG

  2. itot says:

    Teka.. teka… Pano naman pipiliin ang mananalo? – kahit anong style basta panalo ako.ahehehe!joke!

    yun na lang video para kita ka namin!ahehehe

    itot’s last blog post..Boobs And Beer Funny Videos From Spike.com

  3. itot says:

    makiupdate na din un mga kasali para mabisita namin, makikipost.hirap habulin s trackback e!

    itot’s last blog post..The Real Sarah Palin At Saturday Night Live Video (Plus Sarah Palin Rap Video)

  4. itot says:

    suggestion, tambiolo na may video.tapos nakasulat ang name s pingpong ball, d ga prang lotto, astig!

    itot’s last blog post..Naalimpungatan

  5. paperdoll says:

    alam nyo ba talaga paano sumale? bakit aco hinde?

    paperdoll’s last blog post..ANO BA DAPAT TITLE NITO? BAHALA NA KAYO!

  6. vhonne says:

    @manikang papel:

    basahin mo na lang ung post niya tungkol sa pakontes nya… uutuin mo lang si buraot para manalo… lol…

    vhonne’s last blog post..MagTae ay ‘di Biro, Maghapong Nakaupo

  7. BURAOT says:

    peperdoll, pede ka nga.. kung wala kang paypal, at nanalo kaw, ska na lang natin gawan ng paraan… lols.

    sa susunod, ipo-post ko ung mga updated links nung me mga entry…

  8. kosa says:

    waaahhhh peperdal… wala kang paypal? lol.. uu nga pwede na yan.. epal ka nman siguro noh? atleast sounds like..lol

    kosa’s last blog post..Pakulong Katchupuy

  9. paperdoll says:

    gawa mo na aco ng linkchenez herebenchzz. . isecreto mo na lang. . kasalanan co ba na di co talaga naiintindihan yang pesteng yan?:D sori. . tao lang. . tanga pa:D

    paperdoll’s last blog post..MAGDALENANG LIGAW SA BICOL

  10. paperdoll says:

    bakit ba laging natatapat sakin yang bukakang avatar na yan? bakit puro sakin comment nyo? akin ba toh? dun kayo sa akin mag comment! hahahaha. . .

    paperdoll’s last blog post..MAGDALENANG LIGAW SA BICOL

  11. Nicely says:

    teka… teka… saan kita ili-link??? kailangan ba magpost ng blog or ililink lang sa sidebar or sa any other part ng blog page? tama si paperdoll, mahirap maging tanga [kung minsan].

    sagutin nyo ito, gusto ko na sumali at ng magkapera naman ako! hehehe!

    Nicely’s last blog post..Kidlets Rock!

  12. vhonne says:

    @nicely at manikang papel n din:

    basahin nio ulit ito… http://www.anaknikulapo.com/2008/04/07/sikatchupoy-si-buraot-contest/

    gawa kau ng kwento kung anong nagustuhan nio sa mga naisulat ni buraot… tapos mag-iwan kau ng link ni buraot sa nasabing post nio…

    @manikang papel:

    ok naman ung nakabukaka ah? ung avatar mo… wag mo n lng gayahin ung pwesto nia… lol…

    vhonne’s last blog post..“Especial Surprice” Letter

  13. timi says:

    Palatastas mode si Buraot ngaun ah…

    timi’s last blog post..When was the last time you reached out?

  14. BURAOT says:

    o hayan ha? kahit tulog ako, me taga PR man ako… si vhonne.. hahahah! at least ngayon alam nyo na sagot bago ko pa sagutin.

    oistt timi, anonena?

    peperdoll, nakit kasi lagi kang nakabukaka jan? wahahahhaah!

  15. paperdoll says:

    hindi naman aco laging nakabukaka:D piki aco! haha. . ahh un ba? amp. . gagawa aco ng post tungkol sa isa sa mga post mo? tapos didikitan co lang ng kapitapitagang pangalan ni BURAOT at lalagyan ng linkis? amp amp amp. . tama ba? nagets co na?

    paperdoll’s last blog post..MAGDALENANG LIGAW SA BICOL

  16. BURAOT says:

    oks na oks nicely…. nice!!!

  17. vhonne says:

    ayos nicely… ahaha… dami mo entries… kelangan mo ba talaga pera?

    lol… hoy Buraot!… talent fee ko? inentertain ko sila kahit papaano… nagsayaw ako ng hubo’t hubad…

    vhonne’s last blog post..“Especial Surprice” Letter

  18. vhonne says:

    Buraot… commercial muna… possible kaya na makagamit ako ng commentluv plugin sa blogger.com? ung hindi ko n kelangan idaan sa haloscan?

    gusto ko ung salpak n kaagad sa blogger.com ko… lol… nitatamad kc ako eh…

    vhonne’s last blog post..“Especial Surprice” Letter

  19. Mario says:

    Kuya buraot, sali ako.

    Mario’s last blog post..Gamot: Milagrosong Dahon ng Gumamela

  20. Nicely says:

    @ buraot: yey! pasok lahat ng entries ko. teka, dagdagan ko pa yan ng isa, hintayin mo nalang.

    @ vhonne: oo, kailangan ko ng pera… ung madaming-madami… bakit bibigyan mo ako? ito ang paypal ko: rom.nicely@gmail.com. maraming salami po.

    Nicely’s last blog post..Kidlets Rock!

  21. BURAOT says:

    vhonne, la pa ata pede sa blogger kundi haloscan. pero sabi ni itot malapit na raw magkaron.

    @mario, tol, pasok na entry mo.

    @nicely, cge hintay ko, lyamado kayo ni itot sa dami ng mga blogs. hehehhe.

  22. itot says:

    di pa pinapanganak vhonne yun gagawa ng commentluv s blogspot.

    itot’s last blog post..Paella

  23. edelweiza says:

    kumusta buraot? eto nga pala ang entry ko sa astig mong pakontes…

    http://angblogniedelweiza.blogspot.com/2008/10/isang-bukas-na-liham-para-kay-buraot.html

    good luck sa lahat ng kasali… :)

    edelweiza’s last blog post..There are Happy and Bright Times Ahead

  24. BURAOT says:

    ayos edelwiss….. hehehhe.

  25. joshmarie says:

    hindi ko hilig sumali sa kung anek-anek na pacontest, pero parang gusto kong sumali dito ng may bago naman akong ma-experience sa blogging world. hehe.

    joshmarie’s last blog post..Who’s To Blame?

  26. BURAOT says:

    kopibreyk, sali ka na.. tutal ili-link mo din naman ako eh.. hehhehe. di sali ka na rin malay mo.

  27. vhing says:

    oi..sandugo ..ricib mo ba intri ko,sa bahag na may batik nakasulat intre ko.ano pa nid ko ipadala,sori wala kc sa bundok ni2 eh kaya kulit ako makita ko lng pasok entry ko masaya na ako kahit la panalo.saan na ni c ruth kopyahin ko intri nya, invite nya ako 2 jowen d2. hek hek hek ganda mosik d2 parang sayawan sa aming sitio may damids pa nuh…

  28. BURAOT says:

    okey na sa olrayt sandugo. pasok na ang entry mo. pag nanalo kaw, pwede mo na ibili ng sandamukal na sardinas para ipamigay dun sa ibang mga kasandugo sa naujan west. hehehheh.

  29. genefaith says:

    550$ from your own pocket!!! super-yaman mo sir!!! do you any plan to host a contest in the near future?
    .-= genefaith´s last blog ..Importance of making a shopping list =-.

  30. BURAOT says:

    @gene: di naman. yep. papakontest ako ulit.

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes