Mahilig talaga akong kumain kahit nung bata pa ako.
Nung nag-aaral pa ko sa Manela, dami naming suking kainan ng mga trops ko. Depende sa kung anung trip nung mga sawa sa tyan.
Pag bulalo, sempre dadayo kami ng tagaytay kasi walang tatalo dun. Kapag tapsilog naman o kaya galing sa inuman, dun kami ke Lola Ely’s sa Bambang. Sarap dun. Nakakatalong order ako isang kainan lang. Lalo na kapag madaling araw na, kasi puro mga GRO na ang kasabay mo kumain.
Kapag Pares naman, dun kami sa Retiro. Sarap din. Kasi itsura ng mga kainan, parang bar na me stool sa gilid ng daan. Dun ka uupo habang ang batok mo eh hinahanginan ng mga dumadaang dyip. Habang kumakain ka, me nakaabang na sa likod mo, papito-pito at panay ang ahem, kulang na lang lumaklak ng vicks. Kase hinihintay kang tumayo para sila naman ang kakain. Ganun kasarap dun.
Kapag mga barbekyung mamoy naman, dun kami sa me Espanya Rotonda, sa me PLDT. Sarap din ng mga liempo dun saka dami mo pa katsika na mga taxi driver, dun din kasi sila kumakain. Me dsicount ka pa sa kanila pauwi.
Sempre, di mawawala ang mga kwek kwek sa Recto. Kahit na walang hugasan yung mga platito nila, rapsadudels pa rin. Halo halo na ang mga germs, pampatibay ng tyan. Saka yung mga gotohan at lugawan sa ilalim ng mga LRT, grabe sarap. Lalo na kapag senglot ka at kelangan mo ng pampatunaw. Kapag medyo bitin ka pa, libre ang hiling ke Manang ng lugaw. Tutal dinadagdagan lang naman nila ng timba-timbang tubig yung kalderong me lugaw sabay halo. Sempre kelangan muna magpatanggal ng amats bago umuwi.
Pati na rin yung mga siopao na me lamang pusa sa Raon. Kaso di ako kumakain nun. Na-mention ko lang.
Pero walang tatalo sa sarap ng mga lugawan at gotohan na me sariling pwesto.
Me isa akong suki sa Olongapo nung dun pa ako humahada. Grabe sarap. Talagang dinadayo. Kaya siguro masarap ang goto nila, kasi fresh na fresh pa yung lamang-loob nila. Katabi lang nila kasi ang punerarya.
Rapsadudels!


tangina… nagugutom na ako knina… nabasa ko lng ung huling paragrap… amf… punerarya pala ha…
vhonne’s last blog post..Anader Award
sarap kumain jan.malinamnam!
itot’s last blog post..AdSense Account Integration To Google Analytics Account Is Now Available But Not For All Publishers
Kaya nga anlakas ng resistensiya ng mga pinoy eh…di ba nga sa Asia tayo lang ang di nahawaan ng birdflu at SARS? Kc immune na tayo eh, he,he,he…
chezza’s last blog post..Lost In Translation
uy vhonne, yun nga ang masarap na goto, yung katabi ang punerarya. heheheh. ewan ko ba.
itot, ano na namang adsense yan. dami mo na pera ha?
chezza, wa epek na ang sars sa atin, sisiwww.
tanging pagkain yan..
patingin nga ng palad mo.. ayaw? i sige NAIA mo nalang(noo) nalang… buraot.. uu ikaw..
hehehe) HULA ko lang ulit ah..
gutum lang yan..
kosa’s last blog post..Hindi ako si BADOODLES!
hehehe. masarap pag madumi. hehehe. bumibisita lang…
yarnhoj’s last blog post..Crush by David Archuleta
ay syet na malupet! haha.
napaka-creative! pekpek carenderia. haha.
na-add na po kita sa links ko…
ingats!
joshmarie’s last blog post..A Piece of Cake
@kosa: tomguts nga ako…
@yarnhoj: yup mas masarap… hehhehe. me extra ingredient
@josh: na-add na ba kita? check ko mamya pagdating bahay, kapag di pa, a-add ko na…
inimerge lng nila yun adsense report s analytics pra mas detalyado.la nga ako pera e kya todo dasal ako manalo s contest mo!
itot’s last blog post..AdSense Account Integration To Google Analytics Account Is Now Available But Not For All Publishers
daming GRO noh? haha. . dessert noh? haha. .
ung katabi ng furenaria. . maykasamang kuko ung goto dun:-D
PEkPEk carinderia. . haha
paperdoll’s last blog post..GOAL DIGGER IN RED
nakabukaka ka na naman peperdoll….
Hahahaha hoy naalala ko nga yung gotohan sa Ologangapo! Yun yung Goto Gate katabi Punerarya! Yun ung sa Saulog Terminal nyahahaha. Makapagtayo nga ng ganyang carinderia na ganyan din ang pangalan sa piktyur! Danda danda rapsa rapsa hahahaha.
Ambo’s last blog post..Free Domain and Get a Free Hosting
nyahahhahh! oo gotogate! pano mo nalaman yan ka ambo? taga gapo ka rin ba? wahahahha!
ui! si chezza nakabukaka din! haha. .
bukas na ba gaganapit yung rapol? wag mo co kakalimutan ah? hahaha:-D
paperdoll’s last blog post..Monthly Red(REGLA)
nukaba? one month pa! nyahahahah! di ko pa nga lam kung pano ko irarapol eh.. pinag-iisipan ko pa kung gagamitan ko ng tambyolo…
hehehe.. parang amoy mapanghe at amoy formalin ang post na ito
hehehe…
reyapot’s last blog post..Business Loans @ EZUnsecured.com
hehehe. medyo nangangamoy nga. ehe.
hahaha, anong specialty kaya nila, hehe
kengkay’s last blog post..kulam o angel?
oy miss kengkay, yung lamangloob sarap. nyahahahah!
[...] kaya ng powers ko! LOL. So ayun nga, may isa siyang blog post na nakatawag pansin sakin at yun ang Rapsadudels! Tingnan niyo na lang kung bakit natawa ako ng husto dyan. Di ko akalaing meron palang store na [...]
favorite ko rin Lola Ely’s inabot ko pa na bente lng ang tapsilog dun, ikaw magkano inabot mo? siguro singko? hehehehe..
alam ko lahat ng lugar na binanggit mo.. taga manela rin kse ako.. pero di pako nakakain duns PLDt na inihaw at siopao sa Raon. Ang nakainan ko sa raon ung lumpia na napakaraming bawang, yung and kutsra tinidor nila may butas. Di ko rin alam kung bakit may butas yun pero sobrang masarap na lumpia. Bata pa lang ako sinasama nko ng fudra ko duon, siguro 7 or 8, 28 nako ngyn no? may tinda parin dun, binago na nga ung raon, naging medyo mall na sha pero. meron paring lumpia dun. Sarap!
heheh. sobra ka naman singko. wahahahah! kinse pesos na tapsilog inabot ko dun. heheheh.
[...] gabi gabi. Kahit anong brand, basta nakakalasing, okey ka pre. Kahit anong pagkain, kahit yung lugawan sa ilalim ng LRT, oks na oks. Kahit naka ilang timba na ng tubig ang isinasalin nila sa lugaw, masarap pa [...]
as much as possible di ako kumakain sa malapit sa punerarya….he..he…
.-= genefaith´s last blog ..Importance of making a shopping list =-.
sarap nga eh. whahahha!