Taguan sa Kamposanto
Dahil undas na naman, obigado na naman akong mag-share ng aking experience na medyo nakakatakot.
Kung bakit ba naman kasi nauso yang haloween haloween na yan. Pati tuloy mga bagay na dapat kinakalimutan na, eh pilit pa ring inaalala.
Bakit ba tuwing araw ng patay eh marami tayong kinakatakutan. Di mo na kelangan pang magpunta ng Capiz o Siquijor. Kahit saang probinsya, me makikita ka. Kahit na nga sa Manela. Pero sabi kasi ng iba, sa mga liblib na lugar daw kasi maraming nagkukuta na mga mala impaktong nilalang kasi tahimik daw dun at di pa naiistorbo ng ingay ng mga lunsod.
Kahit dun sa amin sa Timbuktu, maraming mga ganitong kwento. Nung una ayokong maniwala. Sempre Manela boy ata ito, laking Manela. Pero dahil madalas akong dumayo ng inuman dun sa mga barkada kong taga-bukid, maraming kwento at sempre karanasan din na medyo nagpanginig (sa takot, hindi kung anupaman) ng tuhod ko.
Pero konti lang. Kasi sanay na kami dito. Yun kasing mansion (100 x 100 sq. feet) ng nanay ko ay katabi lang ng plantasyon. Sa plantasyong ito makikita mo yung mga libingan ng mga bayani ng bayan namin. Mga libingan ng mga sinaunang tao. In short, lumang kamposanto. Sempre mas kilala yan sa tawag na sementeryo.
Kahit di ako dun lumaki, dun ako pinanganak sa Timbuktu. Ipina-ship lang ako sa Manela nung Grade 1 hanggang sa magkabuhok na ako sa kili-kili. Pero tuwing bakasyon, lagi din naman akong andun.
Tanda ko pa, kapag maliwanag ang buwan, magtataguan kami ng mga kalaro ko. Kawawa ang taya, kasi kanya kanya kaming tago dun sa mga bukas na nitso. Sarap pa ngang tumambay dun eh, malamig.
Minsan, yung taya ang mahahanap nya, sa halip na kami, eh mga mapuputing bungo at mga kalas-buto.
At dahil wantusawa ang supply ng mga buto, sya na rin ang ginagawa naming baril-barilan.
Kapag napagod na kami paglaruan ang mga kalansay, walang problema. Kahit walang meryenda sa bahay, maraming mga hitik na prutas sa me kampo santo. Very fertile ata yung grounds dun. Magtapon ka lang ng buto-buto, sigurado, tutubo na yun. Pinakamaraming nagkalat dun eh yung tarabugok. Ewan ko kung anong tawag dun sa prutas na yun. Basta tarabugok ang tawag sa amin. Para syang maliliit na cherries pero super tamis sya. Sa sementeryo ka ba naman tumubo, pag di ka sumarap.
At kahit maghapon magdamag kami maglaro sa kamposanto namin, safe na safe . Kasi sigurado binabantayan kami ng lola at lolo ko.
Kaya ba yan ng lolo mo?
Kaya naman hanggang sa lumaki na kami, paminsan minsan dun pa rin ang tambayan kahit na hindi undas. Dun kami nag-iinuman, kasama namin mga lolo namin.
This entry was posted on Wednesday, October 29th, 2008 at 3:48 am and is filed under PROMDI, PUGAD BABOY, SAMAHANG BUTONG PAKWAN. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
























vhonne October 29th, 2008 at 7:54 pm
tama! alatiris nga… ahaha… un din ang iniisip ko… galing talaga ni manika…
ndi p ako nakakapagtago sa loob ng nitso… amf… pero hindi magtatagal… mapupunta din ako dun… wag lang maxado mainip… ehehe
vhonne’s last blog post..Anader Award