Kapre sa Sampalok Tree

October 30th, 2008 by BURAOT Categories: Da Adventures of Kid Buraot, Layp at da Pugad Baboy 21 Responses

Madalas kapag wala kaming mapagtripan, kawawa yung mga dumadaan sa me amin. Kasi nga, yung mga bahay namin eh katabi lang ng kampo santo, madalas kami tumambay dun sa kanto dun.

Yun pa namang daan sa kanto na yun, sya lang ang tanging daan papunta dun sa isang barrio sa amin na kung tawagin ay Kanipisan. Kung anuman ang manipis dun sa baryo na yun, di ko na inalam. Kaya kung me taga-dun na medyo ginagabi, wala syang choice kundi dumaan sa lumang sementeryo.

Sa tapat ng sementeryo, me isang malaking puno ng sampalok. Sa sobrang laki ng puno, ang mga dahon nya ay halos nakapayong sa daan hanggang sa kabilang kalsada kung saan andun ang sementeryo. Kapag medyo sawa na kami kakapangas ng tarabugok, sampalok naman ang titirahin namin.

Sa gabi, aakyat kami dun at mag-aabang ng mga dadaan. Me dala na kaming asin para sawsawan at sopdrink na naka-plastic para solb na solb. Sempre dun na din kami magyoyosi. Kapag gabi at medyo naiinip kami, ito ang gagawin naming libangan, lalo na at malapit na ang undas.

Pag me kawawang dumaan, babatuhin namin ng buto ng sampalok. Ang kawawang pobre, sempre titingin kung saan nangggagaling yung bato. At sempre dahil gabi na at sa sobrang laki ng puno at kapal ng dahon ng sampalok, usok lang ng mga yosi namin ang makikita nya. Kaya di nya malaman kung tao nga ba o kapre ang nasa sa itaas ng puno.

Problema lang sempre, kahit na natatawa na kami, di kami pwedeng humagikhik kasi mabibisto kami.

Wala namang gagawin yung dumadaan kundi mag-ala Lydia de Vega. Kundi ka ba naman eng eng, san ka ba naman nakakita ng kapre sa puno ng sampalok?

Minsan naman, pag ngawit na kami magkakawag dun sa puno ng sampalok, dun namin kami sa ibabaw ng mga pantyon (nitso).

Dun sa mga bukas na nitso, kukuha kami ng bungo. Lalagyan namin ng  kandila sa ibabaw at lalagyan namin ng tali sa magkabilang side. Kapag me dadaan, sisindihan namin yung kandila at hihilahin namin yung bungo na parang lumulutang sa daan.

Sayang kasi wala pa kasing videocam nung panahon na yun. Malamang kasi maihi ka rin sa kakatawa tuwing makikita mong nagkakandarapa silang tumakbo sa takot. Yung iba nga napapasigaw pa sa sobrang tuwa.

Sempre nga naman, di mo na kelangang pumunta sa perya para pumasok sa horror train.

  1. paperdoll says:

    puro katarantaduhan pala alam mo nung kabataan mo BURAOT. buti na lang tumanda ka ng ganyan. . paurong. . haha. .

    paperdoll’s last blog post..DIBDIBANG USAPAN

  2. madbong says:

    happy halloween parekoy! ay luko ka pala nung bata ka pa hehe.

    siryusli, miss ko na yung pagdalaw sa mga yumaong minamahal pagka Nov.1

  3. vhonne says:

    ang sarap nun… sayang.. ang layo ng semeteryo dito samin… sarap ng ganung trip…

    vhonne’s last blog post..Minsan din akong Kinawawa!

  4. BURAOT says:

    hehehe. kanya kanyang trip lang naman yan peperdoll..

    naks ganda ng pic mo madbong. heheh. honga, ako din. sarap pa naman ng undas sa atin, picnic.

    vhonne, baka ikaw mapagtripan nung mga malapit sa kampo santo. heheheh. lugi kaw.

  5. chezza says:

    Siguro kung andun ako, gawin ko kayong besprend para di nyo ako tatakutin!

    chezza’s last blog post..It Was A Many Year Ago

  6. okey yung gimik na may lumulutang bungo ah. malamang pag ako yun, kumaripas na rin ako ng takbo pag may nakita akong ganun.

  7. jaja says:

    nakanampuch!ibang klaseng trip yan!!!nyahahahahahahah!!!!kwawa nmn ung mga taong yun!so..tlgang wla png mga videocam nun?..typewritter b meron na?hahahahahahahahah…

    jaja’s last blog post..cheesy ko tlga

  8. BURAOT says:

    @chezza… depende… hehehehe

    @angelnanaputulanngpakpak, malamang. heheheheh. pansin ko bagong salta kaw? welkam ha…

    @jaja, actually technicolor na tv nun kaya me videocam na, kaso kasinlalaki ng generator. heheheh

  9. joshmarie says:

    hindi nga? kinukuha niyo ang bungo? oh no! haha.

    joshmarie’s last blog post..D best and the perfect aren’t always what make you happy…

  10. kengkay says:

    ganyan din mga pinsan ko. nagtatago sa puno tapos nung hindi nakapagpigil e umihi ba naman! akala nung mga tao e umuulan, waaa

    kengkay’s last blog post..doll house para sa nov 1

  11. BURAOT says:

    oo naman josh.di naman namin sinisira yung mga puntod. madalas kasi, sa sobrang tagal na, kusa nang nabibiyak yung mga nitso at lumuluwa ng kusa yung mga kalansay. hehehe.

    yun ang matindi kengkay, me ulan pa. nyahahahah!

  12. taps says:

    okay ah, nakakaloko nga naman talaga yun. Sa tulad kong malikot ang imahinasyon sa mga katatakutan, eh talaga namang karipas sa takbo ang gagawin ko.

  13. BURAOT says:

    heheheh honga taps. kahit ako man yun. malamang di na ko uuwi ng gabi. heheheh.

    BURAOT’s last blog post..The View

  14. timi says:

    Kulet nyo Buraot…wahahahaha….

    timi’s last blog post..Ode to Filipino Food…

  15. BURAOT says:

    nyeheheh. kanya kanyang trip lang yan timi. pag kasi sa probisnsya, talagang maiinip kaw pag wala kang kelang trip. hehehhe.

  16. genefaith says:

    talaga sir ha nakaya nyong kumuha ng mga bungo at pianglaruan nyo pa…mamatay ako sa takot nyan…
    .-= genefaith´s last blog ..Importance of making a shopping list =-.

  17. genefaith says:

    nakakita ka na ng kapre sir? you’re one naughty kid pala sir..he..he..buti nalang sir alang namatay sa takot na biktims nyo..
    .-= genefaith´s last blog ..Importance of making a shopping list =-.

  18. BURAOT says:

    hahah! madalas sila kumakaripas ng takbo. la naman kapre. pero ewan ko rin…

  19. strong man says:

    walanjo kyo kalako eh totong tunay sa kapre ang kwento yun pla 2ngkol sa mga kawalanghayaan nyo hehehehehe………….. pro maganda nga yan

  20. strong man says:

    bungo lang araw2 nga nakakahawak ako nang bungo

  21. lamuel05 says:

    kakatakot di na naga akolalabas(‘)

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes