Kopong KoPhone

November 11th, 2008 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 7 Responses

Wala ng ganyang telephone booth ngayon. Nung elementary ako, meron pa. Tatlong bente singko lang kelangan mo, pwede ka nang makipag phone pal. Kahit saan. Kahit kelan. Maasahan. Basta mauna ka lang sa pila.

Dati rati, ito ang pwestuhan ni Superman pag magpapalit sya ng costume. Ngayon hanggang elevator na lang sya.

Sabi sa kin ng lolo ko, dati di mo kelangan ng tatlong bente singko, apat na dyes lang pwede na. Sempre yung lolo ng lolo ng lolo ko, lata lang na me tali. Sempre dahil laging tumataas ang presyo, yung kwarenta sentimos, naging seventy five na. At ngayon nga, me phone booth pa rin naman, phone card na gamit mo at malamang madaling mauubos yung 100 mo.

Bihira lang kasi ang me mga telepono nun sa bahay. Pag wala kang makitang pulang telepono, pumunta ka lang sa tindahan sa kabilang kanto, pwede kang makitawag sa halagang limang piso hanggang three minutes. Bawal ang telebabad. Kundi babatuhin ka ng kulangot ni Mang Sebyo.

Pag nag-apply ka naman kasi sa PLDT, inaabot ng taon. Dahil atat magkaron ng phone pal nung lolo ko, nag-aaply na kami sa PLDT. Grade 1 ako nung mag-apply kami. Sakto naman, nung Grade 4 ako, me linya na kami. Sakto rin kasi kainitan ko nun. (makipag telebabad)

Sino ba naman ang makakalimot sa teleponong kulay itim na mukhang bomba at de-ikot yung numero. Di ka rin pwede mamili ng ringtone kasi wala kang masyadong choices. Kring Kring at Krung Krung lang ang pagpipilian mo. Madalas pa nga kapag gabi na, basta na lang sya magri-ring at me longkatuts na gusto lang makipag phone pal. Dami ko tuloy naging jowang atsay. Wahahahah!

Hambilis talaga ng panahon. Dati wala pang me cellpon. Yung mga businessman lang. Yun yung cellphone na kasinlaki ng generator.

Ngayon, pati magbabalut naka cellphone, me katext na magpepenoy.

  1. hindi na naabutan ng pag-aapply namin sa pldt ung mga de-ikot na itim na telepono. ilang taon din bago nila kami pinabigyan, pero noong kinonektahan na kami ng telepono, nagsisimula ng maging uso ang cellphones… hay naku, useless talaga.

    ang mga jowa mong atchay dati, textmate mo na siguro ngyon no? aminin!… wait lang. uso ba ang textmate diyan tate?

    siangelnawalangpakpak’s last blog post..Drowsy and Drifting. Drifting and Drowsy…

  2. paperdoll says:

    ampness my badness! naunahan aco dito! bagal kasi connection!pota! ang bigat pa nitong page mo! hanep!

    naalala co lang ung tita co hindi na natutulog kasi adek sa ponpal. . aun! pagtutong ng 18 buntis! kaya natakot aco makipag ponpal nun, nakakabuntis pala. . hehe

    inabot pa ang bill namin ng kulangkulang 50k. hindi co alam kung san sya natawag nun. . baka sa pluto pa ung kaponpal nya. . aun! naputulad kame. . haha. . kawawang pldt. . hindi nabayaran. .

    paperdoll’s last blog post..SARI-SARING POTAHE

  3. kosa says:

    waw.. di ba sa mindoro ka pinanganak at limaki? sosyal… royal blood… may telepono na ba dun nung mga panahon ng kabataan mo?lolz
    nakiki anik-anik..peace

    kosa’s last blog post..Katok…tok tok..

  4. BURAOT says:

    @ angel: hehehh. joke lang yun.

    @peperdoll: cge aayusin ko kung bakit bumibigat. tinginin ko yung blogroll eh…

    @kosa: hindi dun sa timbuktu, yung bahay namin sa manela. hehehhe. ang gamit namin dun sa timbuktu ay puro smoke signal lang.

  5. Mahalia says:

    naghahanap nga ako ng teleponong itim para dito sa bahay, kahit sa Goodwill o sa Salve Army wala na. hay naku.

    Mahalia’s last blog post..The Two Good Men

  6. Dhadha says:

    naalala ko nung una meron din kaming ganyang telepono na parang bomba na iniikot ikot yung numero.. hahah! then 5 digits lang yung phone number namin.. 28804 pa nga yun eh.. hahah! btw, tama ka, ang bagal talga ng pldt magkabit ng linya.. as in! :)

    Dhadha’s last blog post..Las Vegas, Nevada

  7. BURAOT says:

    hanap ka na lang sa ebay or amazon mahalia. dun me makikita kaw. hehehe. retro?

    hay naku dhadha, oo naman. forty five years.

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes