Pssssssttt….. Pssssstttttt…
Dahil malamig na dito sa kuta ko, syempre sarap matulog. Dose oras ako natulog. Medyo sumasakit na naman kasi ang paa ko kaya maaga akong boundary. Di na ko nag-online, di na rin ako nag-almusal. Pagkabihis, sinilip ko lang sa salamin ang aking abs abs abs abs na 12 pack, diretso na ako sa kama. Alas otso yun ng umaga.
Alas otso na ng gabi ng magising ako. Pero di muna ako bumangon. Nagpa-inin muna ako. Isip isip ko kasi, kahit tahimik, madididnig mo pa rin yung mga ugong ng sasakyan at mga air conditioners ng mga kapit bahay.
Di katulad sa Pinas, lalo na dun sa amin sa Timbuktu, super tahimik. Pwera na lang kapag me naghahabulan ng taga. Sa gabi, wala kang maririnig na ingay ng syudad. Puro huni lang ng mga ibon at paminsan minsang “toooo-koooooo”. O kaya ingay ng mga kulisap at huni ng mga insekto sa gabi.
Dati nung umuwi ako at nag-reunion kaming pamilya, punong puno ang bahay namin. Apaw. Anlaki kaya naming pamilya. Kaya kapag gabi na, wala kang mapwepwestuhan sa bahay. Kahit yung ibabaw ng frigider namin, me nakahiga. Kung magugutom ka naman para mag midnight snack, sorry ka. Kasi kahit na mabuksan mo yung fridge kahit me nakahiga sa ibabaw, wala ka naman kakainan, kasi me dalawang nakahilata sa lamesa. Makikipag-patintero ka din sa mga nakahiga sa buong sahig magmula sala, hanggang kusina.
Kaya naman di ako natulog dun. Dahil special child ako, dun ako sa katabing bahay ng ate ko, solo ko ang room, walang kaagaw. Sarap pa ng higaan kasi papag na gawa sa kawayan, malamig. Preskong presko. Wala ata nun sa isteyts.
Isang gabi, nakahiga na ako, me naririnig akong sumisitsit.
Psssstttt…. pssstttt!
Isip isip ko… Naman teng! Tawag pa ng tawag pa eh grogi na nga ako eh. Ayoko naman nang makipag inuman. Magastos. Sawa na rin ako sa tong-its, puro mo ang kalaban. Lugi.
Psssttt… psssttt….
Hay naku, dinedma ko na nga lang at natulog na ako. Kinabukasan, pasyal pasyal kami sa plasa. Sempre bakasyonista, galing isteyts, mamula mula pa.
Pagbalik namin sa bahay, nakita kong me hila hila yung bayaw ko na sawa, 8 feet. Sabi ko, “o kuya, san mo nahuli yang pagkalaking yan? Ano yan pulutan?”
Sagot ba naman sa kin, “alay hinde! Nahule ko, andun sa ilalim nung papag mo, babalatan ko nga are at gagawin kong wallet baga.” Para akong nakalunok ng isang buong pakwan.
Nung gabing yun, di na ko natulog dun. Nagtyaga na lang ako dun sa balkonahe ng bahay namin, kahit mahamog at malamok, nilagyan ko na lang ng kumot na bubong.
Bangag din ako sa katol.





















November 13th, 2008 at 7:13 am
waaaaaaahhhh.
hahahahahahah.
nakakatakot naman yan. hahahah.
joshmarie’s last blog post..WISH KO LANG
November 13th, 2008 at 7:50 am
naks, firsrt commenter kaw josh.. gising ka pa pala ng lagay na yan. lols!
November 13th, 2008 at 8:51 am
taena! naunahan aco ni josh! taena kasing redtube yan eh! nalate tuloy aco!
baka dun sa balkonahe buwaya naman tumabi seo. . ano ba ung balkonahe? naks! mamulamula ba? baka pinagsasampal ka lang. . lol. . ala eh ka ba? taena galing tate walang pang check in? haha. . dito kasi samin pag umuuwi ung mga kapit bahay naming japayuki sa hotel natutulog eh. . wowowow!
paperdoll’s last blog post..RUGBY BOYS
November 13th, 2008 at 11:09 am
hay naku peperdoll, walang hotel dun sa amin sa timbuktu, di uso yun. saka bawal sa amin mag hotel. kelangan pag reunion, sama sama sa bahay, ksi binibilang ng nanay ko lahat. heheheh. wawawiii.
November 13th, 2008 at 11:42 am
wahaha magulang ka kasi kaya may nanagbantay sa iyo
pero buti na lang at hindi nilingkis…at nilulong ng sawa dahil kung hindi…waalang makabuluhang anak ni kulapo blog na mababasa ko ngayon.
haaay sobrang makabuluhan pala hehehe
abe mulong caracas’s last blog post..Unang Tagay: Nakatulog KNBS Edsa?
November 13th, 2008 at 11:43 am
wahaha magulang ka kasi…ayaw mong makipagsiksikan kaya may nagbantay sa iyo.
buti na lang hindi ka nilingkis at nilulon ng sawa dahil kung nagkataon…walang makabuluhang blog na mababasa ko ngayon…
haaay sobrang makabuluhan pala
abe mulong caracas’s last blog post..Unang Tagay: Nakatulog KNBS Edsa?
November 13th, 2008 at 12:15 pm
hehehe… kaya pala panay ang sitsit. ang walangya, me sawa pala sa ilalim. siguro di pa gutom kaya di ako nayari.
November 13th, 2008 at 1:24 pm
hmmmm… sounds familiar. ganon din sa amin noong bagong lipat kami pero di naman sawa… ahas lang kasi talahiban ang paligid ng house namin. kaya pinalagyan ng screen ni papang ang mga bintana. pero di naman masyadong liblib ang bahay namin. pero dito sa tinitirahan ko sa esteyt… pusod ng kagubatan… ang mga nakakasalubong ko eh mga usa mga mag-anakan minus ang tatay nila kasi sumalangit nawa na nahunting ni Hubby eh. minsan naman si mama bear kasama si baby bear… si papa bear lang and di ko nasasalubong… at madalas din ang mga wild turkeys humahapon sa may maple trees sa likod bahay pero ngayong malapit na ang thanksgiving hibernate na ang mga un. alam mo na.
ruthi’s last blog post..Boring Subject
November 13th, 2008 at 1:29 pm
sarap naman jan pwede hunting. heheh. dito sa amin tao hinahanting. lols.
BURAOT’s last blog post..The Obama Effect
November 13th, 2008 at 3:56 pm
hi!
nde ba scary yang sawa?
samen nga ahas lang nung bumuha, angfreak out na si Mama ko. hehe
chyng’s last blog post..And I’ve Been Terminated
November 13th, 2008 at 3:58 pm
grabe naman ung sawa, ambait! biro mo, di ka man lang nilingkis at nilunok ng buhay?
Nicely’s last blog post..Life is…
November 13th, 2008 at 5:25 pm
Ang bait ng sawa at sumitsit lang… hahahaaha
PAO’s last blog post..Hindi Bawal ang Tumawa
November 13th, 2008 at 5:35 pm
musta ga dine? ayus ang sounds natin ngayon ah, tinutugtog namin yan ng arw! rak n rol mga repapips!
itot’s last blog post..Tips For Newbies, CommentLuv Plugin For Blogger/Blogspot
November 13th, 2008 at 9:00 pm
hahahaha.. ganun? iba pala yung sumusutsut… akala mo nman iba?lolz
kosa’s last blog post..Katok…tok tok..
November 13th, 2008 at 10:28 pm
hehehehe.. butin na lng di ka nya tinuklaw….
repah’s last blog post..KASAL
November 13th, 2008 at 11:33 pm
eeekksss… takot talaga ako sa ahas!!!
siangelnawalangpakpak’s last blog post..Ang Doktorang May Memory Gap
November 14th, 2008 at 12:06 am
nyayyy - ano ba yun! mabuti na lang e suplado ka nung pagkakataong iyon, pano kaya kung sumagot ka sa sitsit nya, yeeee
kengkay’s last blog post..dapat bang iwang nakaplastik ang parol?
November 14th, 2008 at 1:06 am
@ chyng: haynaku day. scary talaga. kahit na after the fact. lols!
@nicely and pao: mabait talaga. sinitsitan lang ako.
@itot: oist itot, kala mo ikaw lang ang nagbabanda ha? member din ako ng banda rito banda roon. hehehehe.
@kosa: kala ko nga kung sino sumusutsot eh.. sawa pala yun.
@repah: malamang busog yun kaya di ako nililingkis.
@angel: ako dinnnnnnnn
@kengkay: kaya nga, siguro ok na rin yung itinulog ko lang, kasi kung naggagalaw ako siguro, nayari na ko.
huuu. hirap magreply. nyahahaahh! dapat pala talaga di ka na natutulog kakainyternet. hahahah!
November 14th, 2008 at 4:09 am
pasalamat ka’t busog siguro yung sawa…hehe..di ka nilamon ng buo. hehe
buzzingflowerpecker’s last blog post..Towards dusk
November 14th, 2008 at 5:23 am
Tingin ko alam ng sawa hindi katalo. hehehe.Mahirap pala kalaban mga ka tong-its mo.Puro pake.
fatherlyours’s last blog post..Are YOU A Shopacholic?
November 14th, 2008 at 7:01 am
Hahahahaha!!! padedma dedma ka pa jan ha! buti na lang love ka ni papa jesus kung hindi nakupo! anak ni kulapo! tsk
bakit ba naman kasi may sawa sa ilalim ng papag?
r2r’s last blog post..kumento sa kumento
November 14th, 2008 at 12:41 pm
@bfp: malamang nga busog bfp.
@fatherlyours: hehehe. daddy-o, tagal ko na di naririnig yang salitang pake. hehehhe. honga, puro pake ang mga kalaban.
@turon: kasi magubat yung likuran nung bahay namin. wahahaha!
November 21st, 2008 at 4:35 pm
Ang kulit ng kwento mo, nakakaaliw at nakakatakot.
Madame Surot’s last blog post..The Rush Christmas Tree
November 22nd, 2008 at 1:59 am
helow madam surot… heheheh
November 22nd, 2008 at 11:03 am
kras ka lng ahas piru kung alam lng nyang di maalat karne mo ikaw cguradu ang nilunuk. ha ha ha haha ha
November 22nd, 2008 at 11:41 pm
hehehhe. buti na lang di nya alam.