Me Cellphone na Ako

I- Feysbuk Mo Mukha Mo!

Matapos ang forty five years kong paghahanap, sawakas, nakahanap na ako ng bagong cellphone. Siguro din naman, ito na ang huli kong post na tungkol sa mga telepono. Naku-kuliling na din naman ako.

Ang napili ko….  sempre, alam mo naman ako, kelangan hayteks at palaging kakaiba. Eto na ata ang pinaka latest sa lahat ng mga latest.  Ayoko na ng cellphone na me ref. Bukod kasi sa mahirap sya ilagay sa bulsa, mabigat din kasi sya dalhin. Kaya ang pinili ko, yung convenient para sa mga katulad kong on the go go go. Kahit saang bulsa ko isuksok, pasok.

Eto pa ang ibang techie stuff at specs na kasama ng bago kong phone:

Libre ang wifi kahit saan. Basta me nade detect na AM radio, kahit Intsik, me wifi. Touch stone qwerty keyboard at scientific calculator. Me kasama ng back lights. Paperwhite ang screen. Me libreng dot matrix na printer. Dahil in na in ang pagiging earth friendly, 45 years ang battery load kaya matipid sa charge. Multi touch screen, kahit sabay sabay mo itouch pwede din.

Meron din syang secret pocket na pede mo lagyan ng mga sinkong duling. At detachable na swiss knife for the McGyver in everyone.

May built in 1.0 superpixel camera na rin sya, just point and shoot. Pagka shoot mo, diretso print ng piktyur sa attached na dot matrix printer. Sorry hindi libre ang papel, sobra na yun.

Sempre, me built in mp3 player din sya at speakers. Pag pinatugtog mo, aalog ang kotse mo sa tindi ng base. Pwede mo na ngayon ibalandra ang kotse mo. Di nila alam na sa phone mo lang nanggagaling ang sounds.

Bukod sa matipid sya sa power, matipid din sya sa bulsa. Di mo na kelangan ng plan. Puro pasalod ka na lang. Kada text back ng text mate mo, automatic nagpapasalod ng 2 piso. Kaya kung epal ka, mas patok. Hitech na,  environment friendly pa sya, economical pa. San ka pa?

Di lang yan, me kasama pang wordpress at blogger applications pati na rin photoshop kaya patok na patok sa mga bloggers na tulad ko. Pwede na rin akong mag post ng entry sa mga blogs ko sa pamamagitan nito.

Me USB port din syang kasama at included na 100 GB na storing capacity. Kung kaya pwede mong i-save dito yung mga porn videos ni Criselda Volks na di mo alam kung saan mo itatago.

Isa lang ang problema. Madaling mawala.

Tags: ,

This entry was posted on Sunday, November 16th, 2008 at 4:46 pm and is filed under KABILANG IBAYO, WALA LANG. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

20 Responses to “Me Cellphone na Ako”

PAO November 16th, 2008 at 7:50 pm

Saan nabibili yan?

PAO’s last blog post..L.D.R.

kosa November 16th, 2008 at 9:41 pm

waw… ang cute cute nman… paanu ginagamit yan? nilunulok ba? heheheh

kosa’s last blog post..alsabalutan…kitakits

kosa November 16th, 2008 at 9:42 pm

nga pala, paadd nman ng links ko sa blogroll mo…salamat

kosa’s last blog post..Byahe na..

timi November 16th, 2008 at 11:44 pm

danda cellphone mo…cute cute!

timi’s last blog post..We’ll be spending Christmas in Kuwait. Again.

Ah'Kong November 17th, 2008 at 1:59 am

uy, guto ko din yan…taan ato bili danyan…???

teka…nabubulol ako kakatawa, hanep sa pagka hitech nyan, mainit sa mga magnanankaw yan, kailangan nyan naka dikit sa noo para siguradong mahirap mai–snatch…LOLs

Ah’Kong’s last blog post..Gene Simmons

BURAOT November 17th, 2008 at 2:03 am

@ pao: i’m sure meron sa raon. lols!

@kosa: na-add ko na tol. piktyur na lang kulang.

@timi: kyut nga. oks na oks. sana.

@ahkong: nyhahahahahh! sa noo nga dapat. hahahah!

paperdoll November 17th, 2008 at 3:27 am

wow! sing liit ng tinga yan ah. . hmmm. . .san mo naman ninakaw yan? kala co ba buy1take1 bibilin mo? asan ung sakin? oi mat tanong aco. . saan makikita ung scandal ni criselda?

paperdoll’s last blog post..SIGNOS

BURAOT November 17th, 2008 at 3:37 am

nyeheheh. interesado ka din ha? lols!

dylan dimaubusan November 17th, 2008 at 10:10 pm

sa ilong o tenga ko nalang isisiksik para di madali mawala.lolz gusto ko nyan, 100 GB!!! saang tiny world nkakabili nyan?

hahaha!

cheers!

dylan dimaubusan’s last blog post..ang kakornikan ng buhay I

siangelnawalangpakpak November 18th, 2008 at 1:16 am

kakasya ba yan sa molars kuya? feel ko kasi bumili rin niyan at sa ngipin na lang itago para hindi talaga halata.

siangelnawalangpakpak’s last blog post..Mr. X

Ambo November 18th, 2008 at 8:02 am

hahahaha ok yan lalo na pag naholdap ka isusubo lang kaso pag nag ring yari ka na! hahahaha

Ambo’s last blog post..My First Sony Experience is With My Sony Walkman

BURAOT November 18th, 2008 at 9:15 am

@ dylan: mukhang okey nga kung sa tenga. parang bentsinko lang na nilalagay. hehhehe.

@angel, mukhang di kasya sa molars… hehhe. ska baka sumakit ngipin mo pag nag vibrate.

@ ambo: pag nag ring para ka sigurong kinakabag.

chezza November 18th, 2008 at 4:58 pm

Buraot? magkano bili mo? Interesado ako mukhang maganda ang specs niya…*seryoso ako honest* bwahahaha!

chezza’s last blog post..Dear Baby,

vhing November 22nd, 2008 at 11:56 am

walandyu!!!!!!!!ha ha ha ha ha…MALAKI PA ANG KUKU MO!!!!!!
TUTUO BA YAN ??? NID PA YATA MAGNIFAYING GLAS 2 RID MISIDYIS.
GRABI…HAY-TEK NA TALAGA.

BURAOT November 22nd, 2008 at 11:42 pm

hay chezza, galing ng specs no. wahahahah!

honga vhing, mas malaki pa kuko ko. hayteks!

rojie November 24th, 2008 at 8:42 pm

text text na lang! Bonggang bongga naman yan sa liit. Pag nagtext ako, magreply ka ha! at goodluck nga pala sa pagtetext! hehe

rojie’s last blog post..NICE AND GOOD-LOOKING

BURAOT November 25th, 2008 at 12:34 am

hhehe rojie, gusto mo i email pa kita eh. wehehehe. kelangan ko pa ng hairpin.

chichiriya November 27th, 2008 at 12:52 am

Hanep!feeling ko dapat nako gumaling galing trangki….buy din me CP ganyan,la ba mas lighter & pink color??

chichiriya’s last blog post..Win $550 from aNaKniKuLaPo

BURAOT November 27th, 2008 at 1:40 am

nyeks, me tarnki kaw chichiriya? gusto mo yakapsule? o cge, togmolodon na lang. lols!

Pautot ni Buraot « PinayKeyPoint November 27th, 2008 at 4:59 pm

[...] Ang nagustuhan kong blog nya ay tungkol sa latest nyang cellphone. Bukod sa haytek talaga to abay napakagandang dalhin. tyak na hindi makakatawag ng pansin ng mga agaw-celpon. Oii! sa mga interesado sa celpon na ito klik mo to. [...]

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes