» Blog Archive » Wala Kang Puso
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Wala Kang Puso

Wala pa akong balak mag post. Wala akong gana. Papasyal pasyal lang ako sa internet. Wala lang magawa. Wala wala wala.

Balak ko lang naman mag hit and run ng mga lintekards sa mga suki kong tindahan. Yung iba ko kasing blogs na nilalangaw, eh dami nag da drop, di ko nasusuklian ng counterdrop. Kakahiya naman. Kaya ayun, ikot muna ng konti. Papose pose. Pa prokos prokos. Pakyut. Papiktyur.

Naispatan ko itong isang news sa yahuu. Kakaiba to. Sempre binasa ko, kaya ko nga pinost dito.

Teen lives 4 months with no heart…

Akala ko ko kasi mga kontrabida lang sa mga soap opera ang walang puso. Meron pa din palang iba.

Ayon sa sabi sabi, apat na buwan na walang puso ang batang are. At that time daw, binibigyan lang sya ng artificial heart pumps. Ibig sabihin, me humihihip lang sa mga balbula nya sa katawan para dumaloy ang dugo mula sa kanyang tubo sa malapit sa heart, dumadaan sa kanyang mga atay at balun balunan hanggang sa brain. Galing.

Ibig sabihin nun, pwede palang walang heart. Pwede na rin sigurong alkaline battery lang ang magpapatakbo. O kaya kukuha ka ng taga-ihip.

Tags: , , , ,

13 Responses to “Wala Kang Puso”

  1. Mahalia Says:

    wow, galing talaga ng technology. in the near future kahit na wala na tayong lamang loob, mabuhay pa rin kaya tayo? plus artificial skin replacement na iimbentuhin ni Micheal Jackson, at ang walang kahumpayhumpay na pag pa plastic surgery na advertised ng Extreme Makeover, lalabasan natin nyan, robot. Ayoko lang magpa brain transplant, baka utak mo ang mailagay sa akin, kawawa naman… ako o ikaw? hehehe

    Mahalia’s last blog post..Nestle’s Becoming a Phone Pal

  2. repah Says:

    may balita dun sa teen na yan… fresh na fresh to… nkapag asawa na daw xa…

    tumibok ang puso nya…

    sa isang robot… ayun they live happily ever after.. buwahahaha

    repah’s last blog post..libro

  3. chyng Says:

    fantastic! but that was scary. ikaw na mawalan ng puso, surely di ka din tatagal. you’ll die soon.

    chyng’s last blog post..Welcome to Holland

  4. BURAOT Says:

    @mahalia: cgurado ako lugi ka. nyehehehe.
    @repah: hmnnnn. pano kaya ang haneymoon nila?
    @chyng: testingin ko nga minsan. in the name of research. lols.

  5. kosa Says:

    oo.. wala din akong puso… kagaya nila.. pero mayndyu… hindi ako kontrabida… tama na sa akin yung may bituka ako..lols

    kosa’s last blog post..Bangungot o Disorder lang?

  6. siangelnawalangpakpak Says:

    wow, ang galing. mapapabilib ka talaga pag nakakabasa ka ng mga bagay na ganyan dahil masasabi mong ang galing-galing ng sensya. halos lahat ng organ at bahagi ng katawan, pwede ng ipagpalit.

    kailan kaya magkakaroon ng ganyan sa pilipinas? malamang patay na ako bago pa magkaroon ng ganyan dito.

    siangelnawalangpakpak’s last blog post..Mahirap Maging Babae

  7. BURAOT Says:

    miss ko na nga ang isaw kosa. heheheh.

    angel, marami namang magagaling na doktor sa atin. kaso mo kulang lang sa mga equipment na hitechs. albularyo din madami.

  8. Dhadha Says:

    panu kaya kapag umibig yun? makakadama kaya yun? panu titibok eh wlang puso.. curious lng aketch.. heheh! ^^

    Dhadha’s last blog post..I’m sick!

  9. BURAOT Says:

    heheh. dhadha.. pwedeng pwedeng maging player. walang puso. heheh.

  10. Ah'Kong Says:

    galing nga nito, nabasa ko rin… baka lalagyan pa rin siya ng artificial na heart…hwag lang ilalagay na alkaline battery eh galing China, baka wala pang isang minuto wala ng power…..LOLs

    Ah’Kong’s last blog post..Ang Inahing Manok

  11. BURAOT Says:

    mahirap din ahkong kung galing china yung battery, baka me meamine. hehehhe.

  12. Helena Says:

    Uy nabasa ko rin to. Buti pa sa ibang bansa parang walang imposible. Meron nga dati sa ripley’s yung bata este dalaga na nangangarap maging stewardess nilagyan ng kung ano-anong screw yung mga buto nya sa tuhod o binti whatever. Ilang taon din ata syang bedridden at nagpapagaling. Grabe, pangarap ko ring tumangkad kahit 2 inches lang para hindi naman ako maapakan sa mga concert. Pero kung ganun lang din. Wag na lang!

    Helena’s last blog post..Oyayi

  13. BURAOT Says:

    nyeks. hirap nun, ii-screw yung buto mo. sakit kaya nun. saka mas masakit at matagal yung mga theraphy sessions nun. di bale nang kasingtangkad ako ni dagul. lols!

Leave a Reply


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana