Linggo Na Naman

November 23rd, 2008 by BURAOT Categories: Palatastas 5 Responses

Linggo na naman.

Kapag linggo, namamasam-an ako. Di ko malaman. Tamang senti. Wala magawa. Yung ibang blogs ko, inaamag na naman. Wala kong ganang magsulat. Wala lang, trip ko lang.

Linggo na naman.

Pag ganitong araw, kahit pa walang ITCZ o Low Pressure Area na ina-aanounce si Kuya Kim, naghahalo ang hanging amihan at hanging habagat, pinupuno ang aking half-empty at half-full na kukote.

Hayan, naistorbo pa ang pagmumuni muni ko. Me pumasok na bubuyog dito sa bintana ko. Muntik pa ko mahagip. Buti na lang hayteck ang gamit ko, sa halip na lumang dyaryo, playboy magasin. Durog sya dun. Kawawang bubuyog, di na sya makaksimsim ng kahit anupang flower. Kapon na sya ngayon.

Isasara ko na sana itong bintana ko. Baka mamaya rumesbak pa ang mga ka-frat nitong kumag na to. Kaso, nangangalahti pa itong tabako ko. Saka kahit kelan di naman ako takot sa mga fratman. Kahit nga kuyugin pa nila ako, ok lang. Sanay na ako. Takaw bugbog naman ako eh.

Tama na yang kuyog bubuyog na yan. Ayan at nangingisay pa si Jollibee sa ibabaw ng mesa ko.

Dahil lang kasi Linggo na naman, nagsasawa na naman ako sa musik ko. Kaya ibang trip naman. Kagaya ni Ruth, oldies muna. Yan kasi ang kinalakhan kong musik sa bahay kapag andun si Erpats.

Tuwing andun kasi sya, kahit tunog lata, naka full volume yung kanyang lumang transistor radio na pinapaandar ng anim na kilong eveready na baterya, nakasalpak ang kanyang mga makabagbag damdaming all time favorites.

  1. edelweiza says:

    buti ka nga linggo lang ngsesenti at walang gana..ako basta sumpungin ng katam, andami kong di nagagawa…haaaay…hirap tlga maging maganda..anong relasyon non? ewan..hehe. :)

  2. pmonchet says:

    Eva eugenio ba yan?Pwedi ba mag request. yung theme song sa pelikula ni Merly Fernandez? Parang mas maganda kung yun ang senti music d ba?

    pmonchet’s last blog post..Blogging 101

  3. BURAOT says:

    hehhee edelweiza, pag kasi magagandang tulad natin, mga artistahin. at kapag artistahin, kelangan nasa mood para makagawa ng mga bagay na gusto natin. hirapa talaga maging magaganda. hehehhe.

    nyehehheeh. daddy-yo, di ko na ata inabot si merle fernandez. hehhehe. pero narinig ko na yun. wahahahah!

  4. vhing says:

    ayus talaga musik d2 ,TUKSO ang request damids singko pisus eh.pa duker gid eh ang sayaw.ha ha ha ha.

  5. BURAOT says:

    mahal naman. hehehhe.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes