Ilang Tulog Na Lang, Sikatchupoy Ka Na!

November 24th, 2008 by BURAOT Categories: Blog Contests 27 Responses

Ilang tulog na nga lang, jollibee na naman matatapos na ang mala impaktong pautot ni Kulapo.

Sa sobrang daming entry, one thousand syete mil di pa umaabot ng tapwe, di naman ako gaano mahihirapan mag review ng mga entries. At sempre pabor sa mga kasali kasi mas malaki ang inyong tsansang mag- may ari ng milyung milyong singkong kulot.

At dahil di nman ganun kadami, pwede ring palabunutan na lang ng tutpik ang paraan para mapili ang mga mananalo. Naisip ko ding sa likod na lang ng sagingan ang bolahan, kaso di aabot yung cord nung webcam ko. Pwede ring gawing ala bingo, o kaya ilagay sa tambiolo, kaso baka dayain ko sarili ko, mahirap na.

Me kinontak na rin akong magwe hueteng as back-up plan ko para sila ang mangasiwa ng bolahan. Kaya lang, mataas ang hinihingi sa akin nung provincial commander.

Kaya hahanap na rin lang ako ng online service na pwedeng mamili ng random.

Paalala sa mga nag-aabang sa ating pa-ripa, Bonifacio Day po ang last day ng pagpost ng inyong entry. Kung ikaw ay last minute na botante, abiso ka kaagad sa blog na ito para mabilang ang boto mo. Madalas kasi ay medyo kulang sa langis yung ating mga autobots at di agad maapuhap ang inyong mga links.

At dahil alam kong Pinoy ka na mahilig sa cramming, rush ekek, at last minute na pahabol, mag-iwan lang kaagad ng comment kahit saan dito sa blog na ito para madaling mapansin na me entry ka pala.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lang sa inyong health center o kaya naman ay sa inyong punong barangay.

Kung gusto mo naman, sumulat ka lang sa isang bangkang papel at ipaanod sa manela bay.

  1. kosa says:

    waw.. eksayted na akong mahawakan ang milyon milyon kong singkong makukulot…lols :z>

    kosa’s last blog post..Usapang pamilya

  2. kosa says:

    teka, kasali yung fourseason ko d ba? lols eh kung repost ko nalang yung post ko dito sa bago kong kuta? ok lang po ba? lols sige na pa-approve nman..lols tutal nung isang taon ko pa yun ginagawa nung wala pang nagbabasa ng blog ko…paki-imporma po kung pasado ang aking kahilingan o hindi.. maraming salamat po at isang malapit na bonifacio day.. ay tengkyu

    kosa

    kosa’s last blog post..Usapang pamilya

  3. alam mo bang hanggang ngaun eh di ko pa rin magets ang palaro mo…. kaw kasi eh.. tinamad ka na atang iexplain sakin… cheers;p

    glesy the great’s last blog post..silent night, holy cow…

  4. BURAOT says:

    ok lang yun kosa. isalpak mo na agad. hehhehe

    hehe henukebeh glessy. hehhehe. cge explain ko sa yo.

    magpost ka lang ng entry sa blog mo. ikwento mo lang na me pautot si buraot. tapos i link mo lang itong site ko ng 2 beses. una, yung mismong url ng homepage na http://www.anaknikulapo.com, pangalawa kahit anong post ko dito sa buong blog ko, yun lang.

    link mo lang me twice, oks na. tapos paramdam ka lang na nakapag post ka na, para mapasyalan ko at ma confirm. oks? dali, abot abot ka pa…

  5. Karun says:

    haha oo nga ang chaka malapet na tong contest na th try mo kuya yung random.org yan yung uso ngayun eh :)

    Karun’s last blog post..Public Display of Affection agree or disagree?

  6. BURAOT says:

    tenkyu karun… yun na nga naisip ko, para solb.

  7. paperdoll says:

    kelan co ba makukuha premyo co? lol

    paperdoll’s last blog post..SAWA KA NA BA?

  8. oiii bro laging nasa unahan ng dashboard ko itong pautot mo, napag-isip isip kong sumali na din tutal malapit na ang kaarawan ng lolo ko para me magamit naman ako pag binisita ko sa sa tralala lalo pa malapit na din ang anibersaryo ng kasal ng lola ko abay sa december na rin yun bro baka manalo ako ay makapagregalo man lang ako sa anib ng lola ko. Naku magugulat ang readers ko sa post ko nyan dahil malaking pasabog tong pautot mo bro ano join nako nyan pahabol ako bukas ng pautot powst :)

    PinayKeyPoint’s last blog post..2 Blogger Awards for PinayKeyPoint

  9. kosa says:

    ayun… hahahaha sige tutal tinatamad akong mag-isip at gumawa ng bago kong epal sa aking blog… yun nalang ang irerevise ko… second entry ko yun ah… lols baka nman isang bilangan lang gagawin dun?

    lols… natatawa ako kay paperdolllllll…. nag-usap na kase kami na akin nalang ang pers prays tapos sa kanya na yung konsolation na limfuck-limfuck din lols

    kosa’s last blog post..Usapang pamilya

  10. BURAOT says:

    lapit na peperdoll, heheheh. next year! nyahahhaah!

    @pkp: wala yan sa lolo ko!!!! weheheh. cge sis, oks na oks, tenkyu! abot na abot pa..

    kosa: heheheh. oks na yun, separate blog naman eh….

  11. ruthi says:

    Ay nakalimutan ko na may entry nga pala ako. Bisibisihan na naman kasi ako. Ngayon di na ako makakatulog nyan. Daanin na lang natin sa talent portion, meron na ako at praktisado. hahahaha

    ruthi’s last blog post..Nitong mga Nakaraang Araw

  12. BURAOT says:

    ruthi frutti, habol mo na. hehehhe. abot abot pa…

  13. juzmiyu kas abay mukang na shock ang mga readers ko sa powst pra sa pautot mo haha

    PinayKeyPoint’s last blog post..Pautot ni Buraot

  14. r2r says:

    BUTI naipaalala mo.. matagal ko ng naisulat yun pero hindi ko matapos tapos! LOLZ! sana hindi pa huli at makahabol pa ko sa pauto ng mga pautot.. sa mother load ng mga mother load…

    hehehehe…

    tandaan.. close tayo! dapat manalo ako! lolz!

    r2r’s last blog post..Kulto ng mga buraot

  15. BURAOT says:

    arujosko, pkp, ngayon ka lang ata nagspokening tagalog dun. ska ngayon ka lang ata nagpa eching dun. wahahahah!

    turon, abot abot pa sa deadline. hehhehe. dami ko ka close. nyahahahah!

  16. uu nga bro akalain mo ang demand nila sa akin gumawa ng tagalog blog haha! arujusko, di na kya ng powers ko un :)

    PinayKeyPoint’s last blog post..Pautot ni Buraot

  17. BURAOT says:

    hayan, e di me readers ka na agad sa tagalog blogmo. heheheh. ok rin tong tagalog blog ksi sa totoo lang, medyo nalilimutan ko na rin kasi yung malalim na tagalog na ginagamit nun ng tatay ko. heheh.

  18. rhyannefranz says:

    ehem… pwede ba ileak mo list mo ng mga kasali sa pakontes mo aydol? tatambangan ko lang. joke… actually mkikiusap kung pwedeng magbigay sila sa mas nangangailangan, pramis… pag ako pinanalo nyo magpapakatay ako… ilang tambay ba gusto nyo?

    rhyannefranz’s last blog post..To all those born in the 1920’s to late 70′

  19. [...] tungkol sa kanyang ilang ulit na paglilipat-bahay pero tatalakayin ko ang tungkol sa kanyang pakulo na nalalapit na sa pagtatapos. Kaya [...]

  20. BURAOT says:

    vhonne: isasalpak ko rin naman talaga. pero naisip ko, hintayin ko na rin lang yung iba pa, para isang salpakan na lang.

  21. joycee says:

    ilang diyos ba ang kelangan kong dasalan para manalo ako dito at makuha na ang limpak limpak kong premyo?? heksayted na ako.. :)

    joycee’s last blog post..Professional Excellence

  22. BURAOT says:

    si kalantiao ang dasalan mo, baka umubra. weheheh. pero im sure di mo kilala si kalantiao kasi kopong kopong pa yun. hehehhe.

  23. maya says:

    ay bat nabura ung comment ko… i said okay na po un entry ko: http://maya-licious.blogspot.com/2008/11/open-letter-to-buraot.html

    maya’s last blog post..An Open Letter To Buraot

  24. Ambo says:

    Grabe naman wala pa din ako entry hahaha. Mamyang gabi magpupuyat ako. Ang hirap kasing magpatawa di ko cup of tea. Pwede ba sa personal na lang ang entry ko? hahahaha.

    Ambo’s last blog post..Twilight the Movie Reviewed

  25. BURAOT says:

    ka ambo, wag ka kasing mag tea, try mo coffee.. hehehhe.

  26. [...] ..ipakikilala ko na bka hindi ako umabot sa dedline… ang pinakamatikas,pinakastig at kagila-gilalas na si kuya BURAOT  [...]

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes