Welcome Welcome
Kahit di ka GRO, likas sa atin ang pagiging welcoming sa mga bisita. Kahit di ka taga Espana Rotonda, lahat Welcome.
Bukod sa mga Eskimo, tayong mga Pinoy, number one pagdating sa pagiging hospitable. Kahit pa kapos na tayo sa lahat ng bagay, pilit pa ring ibibigay sa bisita ang mga bagay na magpapasaya sa kanila. Ang mga eskimo kasi walang tatalo, kasi… wag na lang. Medyo rated PG. I reserach mo na lang.
Kahit pa durog durog na ang mga tuwalyang ginagamit natin, okay lang. Pero kapag bisita, ilalabas yung mga bagong tuwalya na nakatabi at inaamag na nasa loob ng aparador. Pati na rin yung mga platong naka display, yun ang ipapagamit. Wag lang me masabi yung bisita.
Ganun tayo katindi mag-estima ng mga bisita. Kung kaya minsan, nagiging mali na rin kasi parang mas importante pa sa atin yung bisita sa halip na mismong myembro ng pamilya. Masyado kasi tayong social-conscious. Ayaw nating me masamang masabi sa atin yung mga bisita kung kaya lahat gagawin maging friendly lang.
Minsan nakakatawa isipin. Kasi kahit na anong pag-estima natin sa bisita, medyo sablay naman sa ibang bagay. Ugali kasi natin na yung sofa, nakabalot ng plastic. Parang ayaw magpa-upo. Pag umupo ka naman, kahit na anong gawin mo, di ka magiging komportable kasi laging dumudulas yung pwet mo.
Pero okay lang, lagi namang me coke at skyflakes.
This entry was posted on Tuesday, November 25th, 2008 at 12:03 am and is filed under onli in da pilipins, pinoy pride, promdi. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

























BURAOT November 25th, 2008 at 12:38 am
nyehehhe. kaya nga minsan kosa gusto ko pumasyal sa alaska… lols!