Alpha Dakma Nokma
Para sa kin, ngayon ay litsong manok day.
Thanksgiving Day kasi dito, trip nila lahat turkey. Yoko ng turkey, di masyado masarap. Mas gusto ko pa yung Andok’s. Kaso, wala naman litsong manok dito. Kaya tamang imagine na naman ako. Nung nasa LA pa kasi ako, dun wantusawa sa mga tindahang mga Pinoy, kaya lahat ng maiisip mong pagkaing Pinoy, meron dun sa me kanto.
Nung nasa timbuktu ako, kahit araw araw litsong manok day. Kahit na inahin o panabong pwede na rin. Kahit na parang goma sa tigas yung karne, oks pa rin, pangas lang ng pangas. Madalas kung hindi ako sasama makipag sabong, mag-aabang lang ako. Di naman kasi ako sabungero tulad ni Itot. Mas trip ko pa mag pusoy dos. O kaya makipag pustahan sa basketbol.
Pero dahil sa sabungan, madaming libreng manok, okay na rin.
Minsan naman walang sabong, tamang manok na naman ang tinitibok ng tyan namin habang nag-iinuman. Eksakto naman na parang hulog ni Lord, me dumapo na manok na sasabungin sa me backyard namin. Yung kasama ko, dahil myemro ng samahang Alpha Dakma Nokma, me baong sodium sa bulsa. Hinainan nya ng sodium yung kawawang manok. Si pobreng manok, tumuka naman.
Abang abang kami, hintay naming malaglag ang tuka. Kaso matibay, di bumibigay. Katunayan, nakuha pang lumipad ng pagkakataas pabalik sa kabilang bakod. Paglipad nya ng mataas, sabay nalaglag sa ere. Sumipa ata yung lason. Kaso kamalas-malasan, pagbagsak nya sa ere, dun sa kabilang bakod bumagsak. Patay.
Di namin napakinabangan yung kawawang sasabungin. Napurga tuloy kami sa pulutang cornbits at fish crackers.
Kinabukasan, yung me-ari ng sasabunging manok, pagala gala sa lugar namin, me dalang gulok. Galit na galit at hinahanap yung kung sino mang nanglason sa sasabungin nya. Kami, sempre, naka zipper bibig namin. Baka kami pa ang mataga.
Kaya mula noon, yung kebigan ko, di na sya nanglalason ng manok, pinapana na lang nya para sigurado.
This entry was posted on Thursday, November 27th, 2008 at 1:09 pm and is filed under PROMDI, PUGAD BABOY, SAMAHANG BUTONG PAKWAN. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.























Helena November 27th, 2008 at 3:49 pm
yung tito ko sabungero, kaya madalas yun ang ulam namin. Okay naman medyo makunat nga lang yung karne. At least nakakalibre ng ulam kung minsan at hindi ko na kelangang magbigay ng pamalengke.
Minsan nung nakita namin yung itsura ng talunang manok, at yung kehahaba nyang mga laslas gawa ng tare. Sa sobrang awa parang ayoko na uling kumain.
ang kaso sa hirap ng buhay ngayon, at sa mahal ng bigas…mukhang no choice. tsk
Helena’s last blog post..Oyayi