Hayan, linggo na naman. Kaya naman tapos na ang kontrata nung mga songers jan sa gilid na pang kabaret. Kelangan, bago bago na naman.
Dahil lagi naman akong walang mai-post dito kundi mga kabulastugan at mga bagay na walang kawawaan, papanay panayin ko na. Tuwing linggo ng pagkabuhay, aarkila ako ng mga banda o mga songers na galing Pinas. Tutal tagalog naman itong blog na to, dapat lang na mga OPM din ang mga banat na sounds dito. Para bagay sa motiff.
Ipinahinga ko na muna yang ika nga ni pareng Bluepanjeet, ay kabaret music. Nyahahahah! Nakapasok ka na ba sa kabaret? Iisipin mo, sa tinanda tanda kong ito, nakapasok na ko? Hindi pa no? Panahon pa ni Palito yun. Si Cachupoy lang ang inabot ko.
Eto naman ang bagong mga songers. Mga music na alam na alam nating baduy pang-masa. Pero paminsan-minsan…. o.. o.. wag ka nang mag-maang maangan diyan, kapag walang nakatingin, eh pinapakingan mo din. Wag ka nang magpasosi jan, kita kita.
Kasi naman, ibang klase din kasi ang mga boses nitong ating featured songers na ito. Bukod sa natural na makabasag pingan ang mga timbre nila na mala Sylvia La Torre, super husky din kasi. Parang ilang taon nang uhaw uhaw sa vicks ang kanilang lalamunan.
Madalas din itong suki sa mga inuman na me mga live bands kaya kahit papano, naririnig ko din madalas yan nung pagala-gala pa ko sa Taft at Ermita.
At sya sya… oo na… pati sa mga beerhaws.


sayang, di ko lang man yun naabutan.. tsk tsk! kawawa naman ako!
pero baka naabutan yan ng aking inay kaya iinterbyuhin ko siya mamaya!! hahah! rock it men!
cindyrella’s last blog post..thought, thought, thoughtssss!!!
waiter bigyan mo nga ako ng katable jan, yun seksi na kutis labanos at amoy pinipig!ahehehe!
itot’s last blog post..The Great NameCheap Twitter Trivia Contest, Free Domain And Hosting Giveaway!
nye, cindyrella, me ilang minuto ka pa. hehhehe.
itot: wala ng amoy pinipig ngayon. wahahahh!
wow.. ang cute cute nman ng pusa..
CATchupoy na CATchupoy..lols
kosa’s last blog post..Tsismis ni Kosa
tekateka. . eebak lang aco. .
paperdoll’s last blog post..EH KASI BATA!
wehehee. . hindi co kilala yan. . kahit pakinggan co hindi parin aco makikinig. . hindi naman aco mahilig sa music eh. . hahaha. . siguro namimik ap ka lang sa tabitabe kaya di ka na napasok sa kabaret kasi mas malaki gastos. . lol. . sha sha. . itutuloy. . . .
paperdoll’s last blog post..EH KASI BATA!
langya kaw peperdoll, lagi kasing nakabukaka yang avatar mo eh. hehehhee.
naks aegis naman ngayon. asan na si imelda papin?
Helena’s last blog post..26
kasalanan mo bakit nakabukaka aco. . . yang avatar co. .hehe
paperdoll’s last blog post..EH KASI BATA!
oii bro natapos na yung tama mong matandang nakapomada ang buhok ngayun tamang adik ka naman, sayang di na bagay sayu, nilagas na ng pomada buhok mo nyahaha!!!!
PinayKeyPoint’s last blog post..BONIFACIO DAY
@helena: pahinga muna si imelda papin. hehehhe.
@peperdoll: kinamalayan ko jan sa avatar mo? hahahahh! otomatk yan sa personality daw nung nagc-comment, parang si madam auring.
@PKP: nasobrahan ako sa aqua net noon eh. lols!
Buraot, sino nauna sa kanila ni Pugo at tugo?
pmonchet’s last blog post..The Dream Match-Manny Pacquiao VS Oscar Dela Hoya
nyeheheh. di ko alam. sbay ata sila kuya mon. wehehehe. di ba pakner sila?