Bonifacio Day, Sikatchupoy Day

November 30th, 2008 by BURAOT Categories: Blog Contests 10 Responses

Pula ang pantalon ko ngayon.

Di ko pa rin alam kung bakit sina Bonifacio, type magsuot ng pulang pantalon. Pwede namang green. Pero pinili nila ang pula. Siguro dahil magda dance revolution sila. Sempre color coding yun pag me gyera.

Tingin ko, yung mga pantalon nila ang dahilan kung bakit kelangan na nila punitin yung mga sedula nila. Para di na sila makilala. Wahahahha! Kumbaga sa commercial ng southwest airlines dito.. “wanna get away?” Kasi nga kahiyaan na sila sa pagsusuot ng pulang pantalon, mas minabuti na nilang wag na makilala.

Kaya naman pinili ko talaga ang araw na ito ang deadline sa pakontest ko.

Kasi katulad ni Bonifacio, nagsuot din ako ng pulang pantalon. Kaya nga di rin ako nagpapakilala. Maliban dun sa minsang iwagayway nila yung mala anghel kong piktyur sa Inquirer, di ko na inulit yun. Kasi bukod sa IRS na humahanting sa kin, pinagtataguan ko din yung mga pinagkakautangan kong Bumbay at mga bookies ng ending dun sa amin sa Dimasalang. Pati na rin yung utang kong limang case ng beer ke Mang Tabog.

Buti na lang di uso sa kanila ang magbasa ng blog.

Paalala lang po. Ngayon po ay Sikatchupoy Day din. Dahil Nov.30 na, deadline na rin ng aking mala-impaktong pautot. Mamayang hatinggabi dito sa pinagkukutan ko, isasara ko na ang mga electronic voting booth.

Kaya yung mga gusto pang humabol, pwede pa kayong magpa photo finish dahil advanced ang oras dyan sa Pinas, me natitira ka pang ilang oras. Wag mo kalimutang magparamdam agad kasi baka di agad mahanap ng mga alagad ko yung mga incoming links.

Sya, sya… tama na ang basa. Post na!

  1. paperdoll says:

    wow! nalalapit na ang paghuhukom.. . mapapasakamay co na ba ang pero pinangako mo? hahahaha. . lol. . pwede co pa isali ibang blog co? hmmm. . wak na. . baka lumaki ang chance cong manalo. . pag iisipan co ng mataimtim to. . yahoooO!

    paperdoll’s last blog post..EH KASI BATA!

  2. Bro kaya pula yun kc para di na mamantsahan, di pa kaya uso ang klorox nun :) o panu bro karangalan ko pa din ang batiin ka ng isang matapang-mapagpalaya at mapanlabang diwa :) cge na at bka ma dispersal pa tau nyehehehe….

    PinayKeyPoint’s last blog post..BONIFACIO DAY

  3. kosa says:

    waaahhh deadline lang pala ngayun..akala ko pa nman ngayun na ang bolahan at lokohan… hehehehe joke

    kelan nga ba lalabas ang result ng eleksyon?
    hehehehe.. ngs pala, masayang araw ni bonifacio sayo..

    kosa’s last blog post..Tsismis ni Kosa

  4. reyna elena says:

    Tandaan:
    Pag $500 panalo ko, ibabalandra kita araw araw sa blog ko. Pati ninuno mo, isasabay ko na.
    Pag $300 6 months blog entry
    Pag $100 isang pahapyaw na sambit.
    Pag $75 iba-blog kita pag me time ako
    Pag $50 nakaaa! lalatay yan sa pwet mo’t gagawin kong tatoo
    Pag $25 wag ka nang magpakita saken!
    Pag $1 hahabulin kita sa california in heels!
    Pag $0.25 lintek lang ang walang ganti!
    Hahaha reminder lang to! hahaha!

    reyna elena’s last blog post..Barrio Siete Christmas Memories

  5. reyna elena says:

    teka ba’t mo inalis si imelda papin? kung kelan ko pa naman adik adik na ang lola hahaha

    reyna elena’s last blog post..Barrio Siete Christmas Memories

  6. cindyrella says:

    ang ibig sabihin ng pulang pantalon ay “dito niyo ko barilin sa baba”, ganun naman ang sign ng red di ba? so yun dapat ang target area.!! happy bonifacio day BTW!

    cindyrella’s last blog post..thought, thought, thoughtssss!!!

  7. BURAOT says:

    helow helow… ilang minutes na lang, matatapos na.

    @reynz: inalis ko si imelda kasi linggo linggo nagpapalit ako sounds. hehhehe. saka ko na lang ibabalik. hahanap pa ko ng mas luma. wahahahh!

    fyi po, deadline ngayon. that means, ngayong hatinggabi isasara yung botohan. bukas na umagang umaga, pag uwi ko sa kweba ko, ibabalandra ko lahat ng mga me entry. para me time pa kayo magreklamo kung sakaling di napasama yung entry nyo dun at iba pang achuchuchu. i-popost ko din bukas yung detalye pa.

    oke? oke!

  8. rhyannefranz says:

    kinakabatutan na ako… ramdam ko na ang pagkati ng aking mga palad. malamang lamang ay masigabong palakpakan na naman ang aking gantimpala.
    sa mananalo congratulations sa matatalo better luck next taym.

    rhyannefranz’s last blog post..Pauso lang…

  9. BURAOT says:

    heheh RF, ok na rin yung chance mo kase 2 blog mo me entry. hehehe.

  10. [...] pinakaaabangan ko sa araw na eto eh ang pag tambyolo ng mga kasalo at nakibahagi sa patimpalak ni KULAPO. Kung mananalo ako… ang unang una kong gagawin eh magtatago alo na sa mga pinagkakautangan ko. [...]

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes