Matapos ang one thousand syete mil na buntong hininga, marami rami din ang napanisan ng laway, sumakit ang puson, at naipunan ng sangkaterbang muta. Kahit ang iba pa ay walang sawang nagnonobena para makaiwas sa kanilang mga inaanak ngayong pasko. Di mo na ito maiiwasan ngayon. Dahil.. sikatchupoy ka na!
Dito na po nagtatapos ang ating pakontest na porty payb years in the making, ang Sikatchupoy si Buraot Contest.
Una ay gusto nating pasalamatan yung mga nag-aksaya ng oras sa pagdalaw sa walang kawenta wenta kong site. Alam kong dahil sa premyo ay napilitan kayong pumasyal dito. Sa mga nanalo, konrashuleyshuns! Sanay makatulong ang premyo na yan kung saan man dapat makatulong. Pwede na kayo ngayon magpa canton. Sa mga hindi naman pinalad, better luck next taym! Wahahahh! Better luck next taym dahil, because naging successful ang pakontest na ito, ay meron na naman akong niluluto na kasunod.
Sempre, abang abang ka muna dyan sa side.
Eto na, sa tulong ng ating sponsor na random.org, ang mga hinayupak na magmamay-ari ng milyun milyong singkongkulot ni Buraot:
Tentenen tenen!
At dahil engeng pa rin ako dito, di ko alam papano mag screen shot ng buong webpage na kita hanggang ibaba. Kaya naman ini-save ko sya sa link na makikita mo. Oo yan nga sa ibaba.
LINK SA MGA MALA IMPAKTONG NAGWAGI
——————
Ang nakakuha ng Grand Prize na makakatanggap ng sumusunod:
1. 3,000 entrecard credits at
2. Pumili ng isa sa mga sumusunod:
a. Three hundred dollars,
b. Tatlong daang dolyares,
c. Tres syentos estados unidos dolyares, o
d. Tatlong plastic balloon (used)
Ay ang walang dudang lyamado sa labanan sa dinami dami ng blogs nya, Ang Dakilang Tambay ni Itot. GRAND PRIZE!
—————
Ang nakatsamba sa Second Prize na makakapili sa sumusunod:
1. 1, 000 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusonod:
a. One hundred dollars,
b. One hundred pesos,
c. Isang daang baku-bako, o
d. None op da above
Ay ang chinitang si Timi ng Crimson Heavens. 2ND PRIZE!
—————————-
Ang walang kupas na Third Prize na makakakuha ng:
1. 500 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusunod:
a. Fifty dollars,
b. Singkwenta pesos,
c. Limampung pirasong sinkong kulot, o
d. Tenkyu mula kay BURAOT
Ay ang jobless pero di naman kelangan ng datung na si Reynz ng Banco De Reyna. 3RD PRIZE!
——————————

At ang ating Special na Consolation Prize na wagi naman ng $100.00 ay si…
Ang una ko sanang choice ay ang isang entry ni Itot na ala makata sa Timbuktu ang dating. Pero ngunit datapwat subalit nanalo naman na sya ng major prize, ito ay napagtripan kong ibigay na lang sa aking 2nd choice para sa espesyal na premyo.
At ito ay mapupunta sa halatang pinaghirapan at inag-isipang entry na pilit na sina psycologize ang personalidad ng siraulong me pakana ng site na ito. At walang iba pang aasim sa titulo ng kanyang entry na pinamagatang Burak na nagmula sa sikat pero bugbog sarado sa mga maeepal sa blogosphere na si Bluepanjeet.
At dahil magpapasko, babalatuhan ko na rin yung photo finish na pinaka kulelat na nagpasok ng kanyang entry. Bilang pakonsuwelo sa kanyang sipag at at tyaga na humabol sa paripa. Ito ay to be announce later at kung anong special gift yun, saka ko na rin lang ia-announce. Bibilangin ko muna yung mga natitira kong mga singkong kulot sa kawayan kong alkansya.
Sa mga wagi, paki email nyo lang ang inyong mga paypal account sa akin sa buraot101@gmail.com. Pagkatapos natin magkumpirahan, umpisa na ng partehan.
Ayan, pwede na kong matulog. Yahuuuuuuu!


lufet! kaya pala nawawala ang kopong-kopong, dito na nagtatago! kamusta na parekoy! ako? hindi ba nanalo?
nyeheheh. okey na bluep, naverufy na ko sa paypal. sayang din yung bayad sa western union eh. sesend ko na mamya pag-uwi. heheh.
@peperdoll: asus, baka me malapit na peryahan jan sa inyo, tuturuan kita ng mga daya. wahahahah!
@ambo: entrecard? wala me nun dito sa kulapo eh. batet? anong credits? teka punta me sa site mo.
@kiwipinay: hello jan sa land ng lord of the rings! heheheh. honga eh. nawala yung dati kong domain.
Langya tapos na pala ang bolahan. Naleche! Balato na lang sa mga nanalo dyan oh! Congrattttts!!!!
Helena’s last blog post..What’s in a name?
alam kong ilang beses akong nagtanong dito sa pakulo mong ito pero di pa rin ako nakasali…
uy, uy, uy, wag mo ako igaya sakanila.. di ko kelangan ng pera para dumayo dito at magbasa.. (house and lot pwede na) nyahaha… nakikibalita lang kung sino ang mga nagsipagwagi at ng ma-corner na…
cheers? cheers!!!!!!-glesy the great
glesy the great’s last blog post..Wrecked Sweet Home
ito na ang malaimpakto kong video para sa pasasalamat kay buraot. http://www.itot54joni.com/2008/12/video-isang-pasasalamat-kay-buraot-ng.html
itot’s last blog post..Manny Pacquiao And Oscar De La Hoya Official Weigh-in Result Video
@helena: ayan bumalato ka ke itot. heheheh.
@glesy: honga, kala ko sasali kaw? di bale next taym, sisimplehan ko na lang. heheheh.
@itot: cge tol, silipin ko nga. hehhhee.
ay tapos na pala ang kontes. kongratulasyon sa mga nanalo. sayang di ako nanalo, ay wala pala akong entri, pahulihin kasi ako eh. wah!
Mahalia’s last blog post..Car Troubles
honga, la kaw entri pala. next taym sali ka ha?
sayang… di ako nanalo!
Nicely’s last blog post..Sick :’-(
hayaan mo nicely, papakontest ako ulet. gagawin ko yung marami mananalo.
ang daming contest ngayon. Ang saya!
Jason’s last blog post..De La Hoya vs Pacquiao December 2008
honga. pansin ko din madami. kaso tapos na itong sa kin. hehhehe.
[...] Buarot ng Anak ni Kulapo dahil sa gantimpala na natanggap ko sa katatapos pa lang niyang pautot na Sikatchupoy si Buarot Contest. Merry [...]
[...] baka di mo maintindihan. MGA WAGI! Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest! Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot… Klik mo mukha mo dito! Page [...]
wala pa rin premyo ko pow?
[...] MGA WAGI! Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest! Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot… Klik mo mukha mo dito! [...]
hahaha ngayon lang pumasok ang pingbak? tagal! akala ko nanalo uli akoooo! hahaha!
reyna elena’s last blog post..Wanna be pretentious? Won’t work: Eh kasi eh…
nyeheheh. bagal ng mga otobots.
nadaya ako sa kontes na ito… ang alam ko… 3 lang kami kasali… kaya sureball na may makukuha ako.. =(( 60 pala lahat lahat… wahaha…
vhonne’s last blog post..FerPect!
heheh. nung una nga, halos nangangalahati na, 3 pa lang ang kasali. nung huli na lang humataw.
Waaahhh, bakit ba hindi ako informed sa mga ganitong contest sa blogosphere…
ngayun ko lang nakita tong site no ito.. kung d pa ako nagsearch sa google ng pugak, d ako makakapunta direct dto..
salamat sa ganitong sites.. kakatuwa ^^,
SAYAng naman tapos na pala toh hehe..
tagal na nito, di ko pa napasundan. baka dis coming christmas pag di ako busy.