Blog Prayer Brigade

I- Feysbuk Mo Mukha Mo!

Naipangako ko na ito kay pareng bluepanjeet na gagawin ko. Ang iniiisip ko lang at that time ay sa seryosong blog ko ito ipo-post. Pero ni-tag ako ni Kuya Mon ng FatherlYours.com kaya ini-post ko na rin dito.

Ito ay tinaguriang Blog Prayer Brigade for the Future President of the Philippines. Sempre, obvious naman na para itong Black Rosary cum pasalod. Simple lang ang riles nito (oo palaging me rules).

1. Kopyahin mo lang lahat mula Copy Starts Here hanggang Copy Ends Here at i-post sa iyong blog. NOTE: AS IS. Verbatim. Word for Word.
2. Gumawa ng iyong sariling dasal na dadasalin mo ng regular. Depende sa yo kung ano ibig mo sabihin ng regular. Kung gusto mo kasing regular ng iyong monthly bisita, pwede.
3. Mag-tag ng iba pang bloggers.

Itong tag cum prayer na ito ay in English, nilagyan ko lang ng translation para di ka mahirapan intindihin.

Eto na… ready ka na ba?…. Cut en paste na…

—-COPY STARTS HERE—–

Copy these rules including the logo above and paste in on your blog as is: NOTE to BURAOT: As Is!

1. Write a short, sincere and meaningful prayer, (in your own words and according to the customs of your religious affiliation) about asking God in guiding our country and fellowmen in choosing the right candidate to vote for in the coming 2010 Philippine Presidential Elections. It can be in your own vernacular, and can be short and long as you please. Remember, the goal of the prayer is not only for Peaceful Election but most of all “for the guidance of choosing the right Presidential candidate to vote in the election”

Translation:

Una. Magsulat ng dyutay, walang ambot at may kapararakang sumpa dasal (ayon sa imo at ayon sa banal na kasulatan ng iyong trip na relihiyon) na nagwi-wish na gabayan ang ating bansang Pilipinas at mga kababayan ni Francis M. sa pagpili ng maka-kanang mahusay na kandidato sa darating na 2010 Eleksyon at magpakailanman syanawa.

Ito ay pwedeng sarili mong binocular, at maaari ring maikli o mahaba depende kung ano ang magpapasaya sa yo. Tandaan: Ang target ng sumpa dasal na ito ay di lamang sa matahimik na eleksyon kundi, at the mostest ay ang tamang pagpili ng tamang Trapo.

2, Publish the prayer for everyone to Read in your blog.

Transalation ulit:

Pangalawa. Ipa-imprenta ng full page sa Inquirer. Kung wala kang pera tulad ko, pwede sa blog mo.

3. Go to the Blog Prayer Brigade Main Page which is located here, and get one of the badges or banners for the brigade. Place the badge or banner in your Sidebar until the 2010 Presidential Elections commence.

Translation na naman:

Pangatlo. Magpunta sa site na ito para mangupit ng banner at isalpak sa blog mo hanggang matapos ang eleksyon. Kung walang eleksyon, tanggalin ang banner, pati ang iyong blog.

4. Make an oath by filling the blank below with your handle/or name.

I, _____________________(name) support the cause of the Blog Prayer Brigade for the election of the Future President of the Republic of the Philippines and I do solemnly promise to recite the prayer, which I wrote, in my own convenient time and regularly as possible until the 2010 Presidential Election commences. Let it be written, let it be done.

Translation pa rin sempre:

Pang-apat. Manumpa sa watawat gamit ang iyong alyas.

Ako, si BURAOT, (hindi tunay na pangalan) ay sumusuporta sa pautot na ito (nakasulat sa itaas) at ako ay nangangako tamaan man ako ng kidlat, na aking isusumpaipagdarasal sa pamamagitan ng post kong ito, na silang mga kakandidato ay patuloy kong isusumpa ipagdadasal sa araw araw na ako ay nagba-blog hanggang sa 2010 Eleksyon. Itatak mo sa bato.

5. Tag at least 7 Pinoy bloggers you know who haven’t done this before so that the prayer will spread wherever there is a pinoy blogger present.

Ikalima. Pilipitin ang braso ng at least 7 bloggers at pilitin silang sumali ditto.

6. Keep you promise of praying for the Presidential Election so that God may guide us in choosing the right leader for our country.

Ika-anim. Ang pramis ay pramis.

7. in January 2010, we will gather all the names and prayers of each participants and publish all their prayers in one Blog. We will also feature in the blog the most beautiful prayer ever composed in this project.

Ika-pito. Sa Enero Pebrero Marso Abril Mayo Hunyo Hulyo Agosto Setyembre Oktubre Nobyembre Disyembre… Lubi lubi. Napakanta ka no? Magco-combine ang lahat ng ating mga powers. Pipiliin din ang magiging pinaka matinding sumpa magandang dasal sa balat ng lupa.

————–COPY ENDS HERE————–

Ito ang aking personal na dasal…

Diyos ko, Ama ni Lolo Abram, Allah ni Muhammad at Yahweh ni Ben David, Diyos ng Sanlibutan, sa pamamagitan ng aking natatanging besprend, nag-iisang kabalitaan, kapamilya, kapuso at ka-bonding na si JC…

Mula ngayon hangang sa darating na eleksyon, ito ang aking idinadasal:

Na sanay ang mga kakandidato ay magkaroon isang salita katulad ni Gloria, walang pinipiling kamag-anak o kaibigan tulad ni Erap, walang dinadagdag o binabawas katulad ni Ramos, hindi nangungurakot na tulad ni Makoy, at tumutupad sa pangako katulad ni Eddie Gil.

Naway kung lulustayin din lang nila ang kaban ng bayan, ito ay ipamahagi nila wag sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan lamang kundi maging sa mga mahihirap na katulad ko na nagpipilit magklik sa sariling ads. Naway sa susunod, ambunan naman kami ni Joc Joc. Sanay mapuno na ng tulay at sementadong daan ang buong Pilipinas para wala na silang pagkukunan ng mga kickbacks.

At kung sila ay mananalo at ilalagay nila sa pwesto lahat ng kanilang mga crony at kamag-anak, sana’y lahat na ng mga kababayan ko ay nasa abroad na lahat. Sila na lang ang maiwan.

Naway ang mga botanteng tulad ko ay magiging wais na na katulad ni Lumen sa pagpili ng kanilang mga iboboto.

Sanay hindi na sila magbenta ng aliw boto sa murang halaga. Lahat ng bagay ngayon ay mahal na, depende sa law of supply and demand. At dahil malakas ang demand, mas malaki ang presyuhan ngayon.

Sanay di na sila matatakot sa mga baril na ibinabalandra ng mga goons ng mga kandidato. Ang tama ng baril ay nagagamot na, matagal na.

At kung tinatamad sila makinig sa mga plataporma ng mga kandidato, piliin na lang nila ang lahat ng sikatchupoy na kakilala nila gaya nina Victor Wood. Isipin mo, pag nanalo si Victor Wood, ambigat ng aming magiging first lady, si Madam Auring. Sisikat na naman kami sa mundo.

Yan ang aking dasal.

At tinatag ko naman ang mga iba pang bloggers na mahilig ding mag ama namin na sina Pajay, Paperdoll, Jadeite, Utak Munggo, Enday, AhKong at Angel.

Yun lang naman eh kung walang pang nakaka-tag sa kanila.

Tags: , , ,

This entry was posted on Tuesday, December 9th, 2008 at 12:15 am and is filed under ONLI IN DA PILIPINS, pinoy pride. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

20 Responses to “Blog Prayer Brigade”

kosa December 9th, 2008 at 12:52 am

nakikiisa ako pero wala pa ako sa mood para gawin to… pero sa puso ko, inaamag na to… nasa wish list ko na din to kay santa.. sana nga di masydong advance ang pagbigay nya kase baka amagin na pagdaling ng 2010

o sige sige, nakikisakay lang
nice music nga pala…lols
nakakaantig

ako ba una?

kosa’s last blog post..Byahe Lang

BURAOT December 9th, 2008 at 2:45 am

oo tol, pers ikaw. hehehhe.

donna December 9th, 2008 at 3:38 am

wow.. ang saya nito..
pagbutihin nyo po ang pagdadasal…
lalo na sa mga na napasahan ng tag na ito :D

BURAOT December 9th, 2008 at 4:49 am

hello donna, welkam sa site ko.

paperdoll December 9th, 2008 at 5:05 am

wahahaha! kasama na naman aco. . naku! kailangan nakaluhod aco magdasal eh. . panu toh? hehehe. . sige,kunin co mayamaya. . hindi mo na kailangan pilipitin ang braso co. . malakilaki din to. . lol/ / magsasaldasal muna aco. . hummm. . . .

paperdoll’s last blog post..CLOSE, OPEN

BURAOT December 9th, 2008 at 6:12 am

ehem ehem… kaw talaga peperdoll. weheheheh.

siangelnawalangpakpak December 9th, 2008 at 6:39 am

ahaha. natag na ako ni utakmunggo nito dati kaso di ko pa nagawa. wait lang, gusto ko kasing isabay sa pagregister ko sa COMELEC for the first time ang prayer brigade na ito. ehehe, excuses talaga.

o siya, makahanap na nga ng tagalog-english dictionary at magawa na ito soon.

siangelnawalangpakpak’s last blog post..Bakit Ako Hindi Pumasok ng Klase

PinayKeyPoint December 9th, 2008 at 6:40 pm

grabe yung pasyon mo bro, pang horror week ang dating,naway hampasin mo silang lahat ng palaspas sa likod. sya nawa :)

PinayKeyPoint’s last blog post..I Need Your Strength

Ambo December 9th, 2008 at 10:08 pm

Aba meron pang ganito pala? Naku kasama nyo ako sa mga nananalangin nawa’y tamaan ng kidlat ang mga kurakot sa bansa natin!

Btw, gusto mo bang manalo ng webhosting? Pagkakataon mo na to! Iboto mo ako sa latest post ko tapos sali ka na din as contestant sa ibang blog mo hehehe. Pag di mo ginawa yari ka sakin! hahahaha

Ambo’s last blog post..Free Web Hosting A New Year’s Gift

bluepanjeet December 10th, 2008 at 1:05 am

“Sanay hindi na sila magbenta ng aliw boto sa murang halaga”

haha ayos. kung ganyan ba naman ang mga dasal eh di epektib haha. Pare salamat sa pagsali. Alam mo updated ako palagi dito sa blog mo gawa nyang subscription. kaya lang dumadating sa aking ang mail eh alsa kwatro na ng hapon dito haha. sana lagyan mo rin ng subscription yung literary ekek mo

PS. ano na naman pakontes yan Ambo? haha pasali LOL

bluepanjeet’s last blog post..High and Mighty

bluepanjeet December 10th, 2008 at 1:07 am

pahabol: buti pa dito sa blog mo updated ang comment luv. walanjo doon sa karamihan (halos lahat yata) ng blog na nililibot ko eh, 48 years na nakalipas yun pa rin ang latest post ko haha

bluepanjeet’s last blog post..High and Mighty

BURAOT December 10th, 2008 at 2:16 am

naks ambo, sempre sasali ako jan. dami ko lang kasi nakabinbin. sali na nga ako agad para di ko makalimutan.

bluep: hayaan mo, aayusin ko ulit yung literary ekek. at ilalagay ko na rin sa wp. bibilihan ko na rin ng domain. yan baka manalo ako ke ambo ng hosting.

mtoni December 10th, 2008 at 7:09 pm

hanep sa dasal..sana mgkatotoo pwera yong huling kahilingan.

BURAOT December 11th, 2008 at 2:14 am

toniboi, san ka ba nagsususuot? ngayon lang kita ulit nakita. hehehhe.

ruthi December 11th, 2008 at 11:28 am

hahahaha…. mamatay-matay ako sa katatawa. pano ko ba naman seseryosohin ito? hahahaha. special child ka talaga.

ruthi’s last blog post..Magpapasko na naman

utakmunggo December 12th, 2008 at 12:52 am

natabasan na ang sungay ko mr. buraot. hehe.. ni-tag na ako ni brother utoyski.

BURAOT December 12th, 2008 at 5:44 am

wlanjong tramadol yun, niratrat ng spam ang site ko. hehehhe.

hey ruthie, yea, special. wehehehhe. uy utakmunggo, kelangan hasain mo ulit yan ha? hehheheh.

bluepanjeet December 14th, 2008 at 5:41 am

“Naway ang mga botanteng tulad ko ay magiging wais na na katulad ni Lumen sa pagpili ng kanilang mga iboboto”

hahahahaha the best so far itong dasal mo hahaha You crack me up.

kaya ba nawawala ang problema ko pag napunta ako dito sa blog mo eh lOL

Binabawi ko na yung sinabi ko sa blog ko na “devoid” of spiritual life ito blog mo haha. Kahit si JC matatawa sa dasal mo loko ka haha

bluepanjeet’s last blog post..Joyful! Joyful!

Blog Prayer Brigade for the future President of the Philippines May 21st, 2009 at 6:08 pm

[...] 3. Unayotravez.multiply.com 4. ReflectionsByRoy.blogspot.com 5. JohnLazy.com 6. JoanJoyce.com 7. AnakNiKulapo.Com 8. HoneyReyes.com 9. ByaheMJ.blogspot.com 10. Desertfishing.Wordpress.com 11. Fickleminded.Net 12. [...]

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes