Buhay pa ba lolo mo? Wala yun sa lolo ko!
Pero saka na yung mga kopong kopong jokes tungkol sa lolo mo, tutal wala naman yun binatbat sa lolo ko. Eto at me sinalihan na namang kontest.
Eh ano naman magagawa ko kung mahilig talaga itong si Lolo Ambo ko. Ako naman eh, kung saan ka masaya, suportahan kata!
Itong huli, medyo di ko maintindihan, basta, suport lang ng suport. Kahit moral support lang.
Basta kasi kelangan ko daw ipangalandakan na ako ay isang supot support ni Lolo Ambo.
Ang lagay ba naman eh…
Mawawalan ba naman ng padulas? Eto baka manalo ka ng free webhosting sa iyong wordpress blog. Tamang tama kasi kinukulit na ko ni Bluepanjeet na ilagay na sa wwordpress ang aking isa pang mala-impaktong blog. Sempre pag nilipat ko yun sa whopper platform, kelangan ko na rin sya ipa-host.
Kaya heto na naman ako, di na natuto. Wooooo..
Kaya hello world… binoboto ko na po ang lolo kong si Ambo bilang pangulo ng asosasyon at kung anumang pakontest itong nasalihan nya. Para sa buong detalye at gusto mo ring sumali, bumoto ke Lolo Ambo ko, o sadyang uzi ka lang, punta kaw DITO. Oo dyan nga!
Maging Ms. World Contestant: As a contestant, bukod sa pagkaway kaway, kelangan mo gawin ang mga sumusunod:
Earn 10 pts by subscribing to Technology Talks RSS feed via email.
Earn 25 pts by creating an original post of this contest in your blog.
Earn 15 pts by encouraging your readers to blog the contest. Please indicate my name in your content.
Earn 20 points by converting your readers to become a contestant. You must create a separate post using another blog. Just follow the instructions mentioned earlier.
Ang Importante, Ang Premyo:
Para sa Boboto ke Lolo Ambo : Five (5) Voters-Only will be randomly selected and receive $10 each (via Paypal) + 500 Entrecard Credits.
Para sa mga aspiring Ms World Contestants : A free WordPress – only blog hosting for one year with the following allocations: 1500MB web space + unlimited monthly bandwidth (domain not included).
Mga Singkong Kulot to be won by Top 3 Winners:
1st Prize: $25 (via Paypal) + 2,000 Entrecard credits
2nd Prize: $15 (via Paypal) + 1,500 Entrecard Credits
3rd Prize: $10 (via Paypal) + 500 Entrecard Credits
Teka, parang medyo lugi ata ako dun sa pinapremyo ko dun sa pakontest ko. Hehehehe.


[...] Anak ni Kulapo » Wala Yan Sa Lolo Ko! [...]
wahehehe, tingnan mo taytol ko sa post ko tungkol dito
kengkay’s last blog post..Pogi si Ambo
Bwahahaha kakaiba ang mga post nyo ha. Lolo naman ako ditoQ Maraming salamat kapatid! Naku naman touch naman ako hahaha. Naway manalo tayo parehos dito!
Ambo’s last blog post..Free Web Hosting A New Year’s Gift
hayan na naman yung pingback nung corporated.net… ano ba yang site na yan? di ko lam yan eh.. baka me nakakalam, paki explain naman sa akin. heheheh.
@kengkay: hampogiiii!
@ambo: kasali din ba ako nito?
awww…. ganun? ayoko na sumali.. baka lutong makoy na nman.. hehehehe peace.joke
kosa’s last blog post..Para sa 2010
Ka Buraot wag mo limot i link ito ha http://www.kokeytechnology.com baka madiswalipayd tayo hehehe
Ambo’s last blog post..Free Web Hosting A New Year’s Gift
ang seksi ni ambo, siya un nsa gitna.ahehehe!
itot’s last blog post..My Best Kept Secret In Managing Weight Video Entry
nyeheheheh!
hayaan mo kosa, sa susunod na mapga kontest ako, lulutuin ko na. kutsabahin kita ha. wahahahah!
oks lolo ambo, ayusin ko na. now na. musta yung bago mong alaga sa site mo? wahahahahah!
nyeheheh. la me time mag edit itot eh. lalagay ko sana pic ni ambo. wehehehe.
[...] entry in support to Pinoy Ambisyoso is such a funny but creative article. I kept laughing at how he described Ambo in this post. Check [...]
gusto mo iedit ko.ahehehe!
itot’s last blog post..Watch The Day The Earth Stood Still Movie Online Free
bumoto na din ako.ahehe
itot’s last blog post..Mas Idol Ko Si AMBO Kaysa Kay Pacquiao!
Unahin ko na to, yung maligalig sa site ko ba brother? Hayun nieedit ko lahat ng kanyang comments! Lekat talaga pasaway sa lahat ng pasaway bwahahaha.
Ay ayos na talaga itong entry mo Brother swak na swak na! hahaha. Maraming salamat sa inyo mga kapatid na Buraot at Itots! O sa 2010 na uli. lols
Ambo’s last blog post..JC Tiuseco First Pinoy Survivor
Anoh daw? Paki explain nga uli, yung dahan dahan Ha. D ko na gets eh. Sige na
nga, makasali rin nga. Paano ba sumali?
pmonchet’s last blog post..For Intelligent and Bright only!
dinaig nga ako non ambo e. kala ko ako lng ang nag-iisang spammer s blogosphere.ahehehe
itot’s last blog post..Miss World 2008 Winners Final Results “58th Miss World Beauty Pageant, Johannesburg, South Africa”
hehehe. me alaga kang bigla ngayon ambo. lols!
sali ka na kuya mon, suporta ke ambo. sabihin mo lang sa post mo na sinusuportahan mo sya, oks na yun. lalagyan mo lang daw ng link nung me pakontest.
itot, kahit naman maepal ka sa site ni ambo, me sense naman sinasabi mo. di katulad nun.
touch naman ako.ahehehe!
itot’s last blog post..Miss Russia Kseniya (Ksenia) Sukhinova Won The Title Of Miss World 2008
touch ka jan! hehehhe.
haha dami hakot ni ambo. wa ako say LOL
Tol pwede mo naman ihost pareho dito sa server mo. ganyan gawain ni KK. Tnong mo lang kung pano. You dont need another host tutal naman madalang ka mag upload ng mga malalaking file, pwede yun. Basta may another domain ka lang fro go daddykins haha.
pag dito mo inihost yun ang magiging domain nun ay subdomain like this:
http://www.literaryekek.anaknikulapo.com
so para maging literaryekek.com lang yan, kailangan mo ang mahiwagang domain ni Go daddy hehe
PS. Naku pareng Buraot, itaga mo sa batoi, hindi ito ang huli ni ambo hahahaha mausisa mo, kakandidato na yan for Senator LOL
bluepanjeet’s last blog post..Joyful! Joyful!
ayus ang sounds mo tol. ano nga pangalan ng banda na yan… something green yan diba haha. greenrepublic ba? ano nga nakalimutanko na sa tagal ng banda na yan. hindi ko alam kung saan mo pinagkukukuha ang mga sounds mo pero astig. Ito na ata ang sound mo na pinaka nagustuhan ko LOL
bluepanjeet’s last blog post..Joyful! Joyful!
pareng blue p, yoko ng godaddy, itinakbo yung renta ko kaya nagkandaloko mga links ko. heheheh. kumuha na ko ng bagong domain, at dun ko isasalpak yung literary ekek ko. isasama ko na lang sa iisang hosting. malapit na, niaayos ko na.
Hay naku lumipat ka na nga ng Hostmonster bigyan kita discount hahaha. Oo di pa ito ang huli ang dami pang nakalinya LOL
Ambo’s last blog post..WP Premium Themes Worth $1000+ Christmas Giveaway at JaypeeOnline
hehhee.isinama ko na lang sa hosting nitong kulapo tol. tutal di pa naman ganun kabigat. pag sikatchupoy na din yung isa, saka ko ililipat. lam mo namang engeng pa ko sa mga ganitong bagay. buti nga natandaan ko pa yung itinuro ni kotsengkuba kaya naisalpak ko yung bago. heheheh.