Bawal ang Miron

December 13th, 2008 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy, Samahang Butong Pakwan 11 Responses

Sa lahat ng ayaw ko eh yung me mga miron.

Madalas kapag nagto tong-its ka o kaya naman ay nagma-mahjong, di nawawalan ng mga miron. Natural kasing trabaho at libangan ng mga miron ang makelam sa diskarte ng mismong mga kasali. Minsan sila pa yung malakas makipusta. Kumbaga,  mga side pusta o sasama sa ipinusta mo. Madalas din mas malaki pa ang taya nila. Kaya naman natural, sempre, sila yung bukod sa mas maingay, ay mas pakialamero.

Kaya minsan wala kang masasabi kundi, “Hay naku, lasma ang bekata sa nanka!” (Malas ang katabi sa kanan)

Pssttt.. boy bawal ang miron.
Psssttt…. boy bawal sabi ang miron!

Eto nga, napapansin ko nitong mga nakaraang mga araw, buhat nung maging sikatchupoy ang site na ito, me mga miron akong aali-aligid dyan sa mga gilid gilid. Kesyo mga tramadol at kung anu ano pang mga kaekekan kuno. Nangawit ako ng husto kaka delete.

Kaya naman, kahit medyo ayaw ko pa nung una (ganun talaga yun, ayaw muna kunyari), isinalpak ko na din si Akismet.

Baka kasi pati yung mga comments mo eh mahagip. Kaya kung nawawala ang comment mo, paramdam ka lang, baka napagkamalan lang sya ni Akismet.

  1. itot says:

    di naman lingid sayo na paborito ako ni akismet, kaya sigurado magiging suki ako jan.ahehehe!dine din smin uso ang mga miron kaya ang sugalan dine e larong korea. bente korean (bente ko riyan – diyan)!ahehehe

    itot’s last blog post..Miss Russia Kseniya (Ksenia) Sukhinova Won The Title Of Miss World 2008

  2. BURAOT says:

    oke na yung korea, wag lang larong mozambique. mo. mo. puro mo. wahahahah!

  3. joshmarie says:

    aliw na aliw si totoy maging meron oh. haha

    joshmarie’s last blog post..LAST POST (for Y2k8)

  4. BURAOT says:

    honga, patingin tingin lang. wahahahah!

  5. Ambo says:

    Baka me stiffneck yung miron kaya ganun makatingin o kaya me dumapong langaw kayo talaga LOL

    Ambo’s last blog post..WP Premium Themes Worth $1000+ Christmas Giveaway at JaypeeOnline

  6. BURAOT says:

    kahit man ako kausapin nung babae, malamang lagi din akong nakatungo. shy kasi ako eh.

  7. Ah'Kong says:

    Oo nga sir Buraot…asar talaga pag me miron lalo na pag nagtotoing-its nakaka sira ng diskarte…..’di bale kung ang mga miron eh naggagandahang mga GRO ng Pegasus, kandungin ko pa silang lahat….LOLs

    Aliw na aliw yung nasa pix, baka tinitingnan nya kung pwede pang lagyan yung iniinom niya, paubos na kasi eh….LOLs

    Ah’Kong’s last blog post..Simbang Gabi Na…???

  8. BURAOT says:

    sir ka jan. heheheh. tambay ka ata ng pegasus eh. baka suki ka rin sa Maalikaya? wahahahah!

  9. zoan says:

    nakaka asar nga naman talaga yung mga miron.. lalo na kung sarap na sarap ka na sa pag ma-mahjong dahil 7 pairs yung sa iyo, bigla naman makikialam at putsang sinabing pong :D hahah (pong ba yun o mali ako? hahaha)
    .-= zoan´s last blog ..I Am Buraot – The Review =-.

  10. BURAOT says:

    miss ko na mag mahjong. whehehehe. oo pong ang tawag. kung apat, kang.

  11. zoan says:

    wehhh kala ko mali ako :D miss ko din mg mahjong.. paano kasi yung namana ko na mahjong sa set sa namayapa kong lola(sumalangit nawa ang kaluluwa niya) ay hindi na kumpleto.. ginawang building blocks ng anak ko:D

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes