Its Snowing Cats en Dogs!
Kahit ilang taon na ko dito sa isteyts, bihira ako makakita ng snow.Kasi naman sa LA, wala nun. Maliban kung pupunta kami sa me mga boondocks. Pero dito sa bago kong pinagkukutaan, nagkakaron daw, pero di gaano.
Nung Biyerenes ng gabi, sabi ng PAGASA, me hanging amihan daw na parating at bobombahin daw kami ng snow. Kaya naman pinaghandaan ko sya. Inilagay ko sa bulsa ng jacket ko yung kopongkopong kong de-negative na camera.
Eksayted ang lolo mo. Ngayon, feeling ko nasa states na ako. Dun kasi sa LA, para ka lang nagpunta sa Pandacan, ganun. Puro mga Pinoy din ang mga kasama mo dun. Saka sempre, walang snow.
Eto, nagsasawa ako ngayon. Kala mo lang masarap. Pahirap pala.
Paglabas mo ng bahay, lumulubog ang mga paa mo. Pagdating mo sa kotse mo, balot sa yelo. Kelangan mo pa syang kayurin parang halo-halo kasi di ka makakapag drive. Di mo makikita ang daan. Kelangan kasimbagal ng paragos ang pagmamaneho mo kundi dudulas ang mga gulong mo.
Sa sobrang lamig, eto at sinisipon na ko. Parang magkakatrangkaso pa. Naninigas na ang mga paa ko, rarayumahin pa ata. Kaya naman eto kung anu ano na namang mga gamot ang nilalaklak ko.
Grabe. Lamig.
This entry was posted on Friday, December 19th, 2008 at 4:19 am and is filed under amerkanong hilaw, anakanang, sakitchupoy, wala lang. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

























Helena December 19th, 2008 at 9:50 am
tumpak! dito nga tinatamad ako maligo. Tinatamad din maginit ng tubig. Pagkaligo ko nga gusto ko uli magtago sa kumot!!! Brrrr.
Ang sad ng song…..waaaaaah!!!
Helena’s last blog post..Spermgåsbord {updated}