Ang galeng! Parang yung napanood ko sa DVD na Tokyo Drift…..
Me nagbawal na sa akin dumaan dun sa lugar na yun. Mataas daw kasi. At dahil nag-uumpisa na mag snow, delikado na daw kasi sobrang dulas. Mas madulas pa sa pinagsama-samang laway nina Itot, kaong ni Bluepanjeet at mga padulas ni Ambo na ipinahid sa katawan ng mahal na Reyna.
Pero sempre, natural akong pasaway. Dedma lang ako. Walang dulas dulas sa akin. Matindi ata tong si Tagpi. Marami ng pinagdaanan to. Pinatalon ko nga ito sa tulay habang natutulog eh. Yan pa! Dulas lang.
Tutal gabi naman na, wala masyado dumadaan dun, sempre pa dun ako dumaan. Kasi kung hindi ako dun dumaan, malamang wala itong kwento na to.
Nung una, hinay hinay lang. Me isa ring pasaway na dumaan dun, nasa unahan ko. Nung medyo pababa na, eto na po…
Dumudulas na nga sya. Unti unti kong niyapakan ang breaks. Umingit lang, di kumakagat. Akala ko nawawalan ako ng preno. Dumudulas na talaga ako. Bumibilis. Pababa ng pababa. Kahit anong apak ko sa preno, wa epek! Pabilis na ng pabilis. Pailis ng pabilis… at bangin ang nasa dulo!!! Joskopoooo! Hayop ka JocJoc!!!
Kinabig ko yung manibela pakanan para bumangga na lang ako sa sidewalk. Sana wag sa poste. Pero okey na rin yun kesa sa magdire-diretso ako sa bangin.
In a split second, katulad nung madalas pinapakita sa sine, lahat ng kung anu-ano maiisip mo sa isang segundo. Flashbacks. Kala ko madededo na ko. Di pa pala. Si McGyver pala ang naalala ko.
Naalala ko yung pagdi-drift. Hinatak ko yung aking handbreak. Uyy, kumagat. Pero sa halip na huminto ako, umikot si Tagpi ko. Tumagilid. Dumudulas kami pababa ng naka sideways. Galing! Drifting!
Sabay bangga sa gutter ng daan.


bwahahaha sinu ba si tagpi?
kapangalan sya ng kalabao namin ahhh..lols
nice nice manong buraot!
lols…
kosa’s last blog post..Paskong Emo
pambihira! un lang masabi ko..
ahihihihihihi
nakidaan at nakisilip lang poh…
meri krismas
yanah’s last blog post..Bad Santa
naku buti na lang at di ka natuluyan doon tok tok tok! kundi di ko na mababasa ang mga blog mo! arghhh!! buti na lang talaga!
Cindyrella’s last blog post..Oval
uy nakakatuwang imaginin ang itsura nyo ni tagpi…sana may petyur petyur pa!
kung ako angkas mo iisa lang ang masasabi ko..tangina..tangina..tanginaaaaaa!
p0kw4ng’s last blog post..konting Val d’Isere
e d bangas na naman si tagpi niyan!may snow storm nga daw e sabi ng utol ko.
aba di gumana ang anting ah.isa pa nga.ahehe!merry christmas!
@kosa: sya yung besprend ko rito. hehehhe. klik mo yung link ni tagpi para malaman mo istorya nya. hehehehe.
@yana: helow helow, welkam ke kulapo.
@cindy: heheh oks lang. charge to experience.
@pokies: ako nga napamura din. hehehhe.
@itot: konting yupi at gasgas lang sa me bumper. heheheh. kayang kaya ng band aid.
susme kelangan mo na talaga mgpalit ng winter tire. kunsabagay dagdag experience din yan para neks taym(malaymomaulitpa) mejo relax ka na.
pssstt malamang sa sunod na lafftrip nasa tough ten ka.
honga toniboi, kamahal naman kasi ng gulong nitong si tagpi. me mga winter tires kasi na pang winter lang talaga. di sya legal kapag summer na. baka at least bili na lang muna ko ng chains. heheheh.
naks lafftrip. pag ikaw ang campaign manager ko, sigurado, lagi akong panalo. hehehhe.
gusto ko makakita ng snowstorm sa personal.
heniway, mabuti naman at sey paden kayo no tagpi, magpapasko pa naman. meerry Christmas!
joycee’s last blog post..My Christmas Wishlist
heheh. ok naman joycee, kaso kagabi kelangan ko sya iwan sa daan. di nya nakayanan umakyat ng mataas.
mukhang okey ka naman, kita at nakapag-blog ka pa kaya eto na lang angitatanong ko:
KAMUSTA NAMAN YUNG MGA GULONG NG SASAKYAN MO?
sa tokyo drift the movie, lagi kasing basisira kaagad yung gulong ng sasakyan niya sa kakadrift. yung sayo, kuya?
advance meri christmas kuya! mwah! =)
siangelnawalangpakpak’s last blog post..Happy Beerday
konting foundation lang at beauty na uli si tagpi.ahehe
aba bakit di talga nagana skin ang anting.
lensyak ang tugtoooooggggg!!! waaaa!!! miss ko mga nangongotong nang load saken sa pinas noh!
just flying wishing some merry xmas to everyone and you too! hahaha!
reyna elena’s last blog post..Cooking nang ina sa harap mo!
angel: sa ngayon stuck sa yelo si tagpi, iniwan ko sa kung saang daan. pag lumipas ang snowstorm, ska ko bbalikan, papalitan ko na rin yung tire.
itot: honga no. ewan ko…
reynz: hehehe. padalhan mo ulit ng load. wahahah!
meri krismas sa inyong lahat!!!!
Animal talaga yang Joc Joc na yan, muntikanan na pala kayo maaksidente…. dapat pala ipamodify mo si tagpi. Lagyan mo kaya ng parachute o kaya may emergency ejection seat ka yung parang sa fighter jets…o di ba para ng James Bone (si Palito pala yon)….este ….James Bond LOLs
Merry Christman sa inyo dyan sa ‘merika !!!
Ah’Kong’s last blog post..Blackhawk Down – Chapter 5
“Christman”???? Huh???
“Christmas” pala chori typo…ahihihihi
Ah’Kong’s last blog post..Blackhawk Down – Chapter 5
hehhe. honga ahkong, pag nagkapera ako, papakabitan ko ng gadgets. heheheh. para james bone na james bone ang dating. weheheheh. o kaya.. sino na nga yung panahon pa ni kopong kopong na pandak na maitim? hmppt. di ko maisip. hahanapin ko nga.
si weng-weng….LOLs
Ah’Kong’s last blog post..Mga Lahing Pikutin….Ano raw ??!!!
ayun oo. si weng weng!