Ubo Ubo Ubo

December 27th, 2008 by BURAOT Categories: Byahilo, Mala-Impaktong Buhay Buraot 21 Responses

iglooIlang araw na ko me sakit. Bago pa mag pasko. Walastik kasing snow na yan.

Isang gabi, na-stuck ang kotse ko. Di na kinaya na umakyat pa ng pataas sa sobrang kapal ng snow. Dumudulas lang. Kaya no choice ako nun kundi iwanan sya sa tabing-daan. Naglakad ako pauwi. Pagdating ko ng bahay, nangangatog ako sa lamig, namumuti ako sa snow at inaapoy na ako ng lagnat.

Kinabukasan, binalikan ko si Tagpi, di pa rin uubra. Malakas pa rin ang snow, nakabaon pa rin sa yelo.

Kinabukasan ulit. Balik ako. Si Tagpi, nagmukha ng igloo. Yung snow sa bubong 6 inches na. Kahit super lamig pa rin, at medyo umuulan pa rin ng snow, medyo me araw naman na. Kaya pwede nang pagtyagaang hukayin yung yelo.

Gamit ang lumang license plate, pinilit kong kayurin at hukayin ang yelo sa paligid ng kotse ko. Inabot ako ng isa’t kalahating oras bago ko sya tuluyang naialis sa pagkakalubog sa snow. Pero dahil pataas ang daan papunta sa bahay ko, pinaatras ko na lang sya pababa ng daan.

Makikituloy muna ko ng ilang araw sa malapit sa trabaho habang di pa natutunaw ang mga yelo.

Problema ko lang, dahil nalamigan na naman ako, hindi humihinto ang ubo ko. Me pneumonia na ata ako. Sige, pasyal muna akong Q.I.

  1. Cindyrella says:

    ganyan talaga pag may snow, pero grabe din naman kasi 6 inches na siya db? buti na lang ala snow dito! ^^ dahil wla akong tiyagang mag kal kal ng yelo !!

    Cindyrella’s last blog post..Love Bus

  2. mtoni says:

    hanubakaw nde ka ngaral ng boyskawt?
    khit me tagpi dapat mron ka emergency kit.
    di bale ala handa at konti lng pera wag lang magkakasakit..mahirap.
    sana gumaling ka bago magnewyear.

  3. itot says:

    ganda ng car cover mo ah, magkano bili mo.ahehehe!

  4. BURAOT says:

    @cindy: hay naku teng, ayoko na ng snow!
    @toniboi: hay naku, hinihika na din ata ako.
    @itot: ganda no, puting puti, libre lang.

  5. kawawa naman si tagpi. siguradong sisipunin din siya diyan sa snow.

    pagaling ka kuya! inom ng gamot at maraming-maraming-maraming-maraming-maraming tubig!

    advance hafi new year!

    siangelnawalangpakpak’s last blog post..“Mamahalin Mo Pa Rin Kaya Ako Kahit Mataba Na Ako?” — Sam Milby (Big Love)

  6. akala ko kung sino si tagpi.. yung pala yung tsikot mo…

    di ko alam kung kelan mo binihisan tong site mo pero gusto ko to… malamig sa mata… hindi nakakapagod basahin.. cheers;p-glesy the great

    glesy the great’s last blog post..10 things about me…

  7. BURAOT says:

    angel, galon galon na nga ang tubig ko, di pa rin mawala. kelangan ko na pa ckek ap.

    glesy, hehehhe. yan si tagpi.

  8. wow white christmas ka pala…

    pahalo halo ka naman hehehe

    abe mulong caracas’s last blog post..Anak Ng Kapong Baka

  9. Kala ko naligaw ako bro, bagong bihis pala tong bahay mo, nagbakasyon kc ako sa mt tralala kaya mjo nawala sa sirkulasyon.enwie gusto kahit huli man meri krismas and happy 2009 sau at sa lahat ng mga kkaburautan at kalingkisan mo :)

  10. kengkay says:

    hay buhey talaga ano?

    penge konting snow, wala kami dito e, waa

    manigong bagong taon!

    kengkay’s last blog post..manigong bagong taon po

  11. kengkay says:

    teka, get well na rin pala. magbabad ka sa bath tub ng mainit na tubig na may eucalyptus oil.

    kengkay’s last blog post..manigong bagong taon po

  12. itot says:

    tamang tama yan ubo mo sa new year!ahehe happy new year tol!!!!!!!!

  13. coldman says:

    sawang sawa na ako sa snow! lol!
    Happy new year po!

    coldman’s last blog post..Riverwalk and New Year!

  14. p0kw4ng says:

    happy new year..abot ba sa bagong taon ang ubo mo? ayos na ayos yan!

    pagaling ka!

    p0kw4ng’s last blog post..Unang araw ng EB..(EggBall)

  15. mtoni says:

    dagdag sa sinabi ni ate kengkay ung paginom ng hot tea w/ honey and lemon.
    sana gumaling ka na dahil mayamaya lang eh happy new year na.

  16. Ambo says:

    Bwahahaha lokong itots! Oist kapatid magpagaling ka agad at mahirap magkasakit ngayon. Heniweys, o tapos ka na bang magpaputok ha? Ako kagabi pa! LOLS. Happy New Year Brother!

    Ambo’s last blog post..Happy New Year in Different Languanges

  17. BURAOT says:

    helow mga peeps! sorry lagi ako wala dito. kakalabas ko lang ng QI. hapi new year sa lahat ng dumadaan!!!

  18. Ah'Kong says:

    Maganda palang magbenta ng halo-halo dyan, libre yelo…LOLs

    Happy New Year to all !!!

    Ah’Kong’s last blog post..Mga Lahing Pikutin….Ano raw ??!!!

  19. kiwipinay says:

    naku! di pa ako nakakaranas ng may snow. pero kung ganyan din lang ang mangyayari sa kariton ko, wag na lang. pero parang ang sarap mag halu-halo nga nyan! di ka na maggagadgad ng yelo! ahhahahaa! wawa ka naman parekoy! ang layo siguro ng nilakad mo pauwi? parusa pala yang snow na yan! yoko na ng snow! dito na lang ako sa lugar ko kahit na maulan kapag winter. pagaling ka, kafatid!

  20. BURAOT says:

    hey kiwinaypi: penge ng pik ng blog mo. la ka pang pic link sa blogroll ko eh. hehhe.

  21. [...] ma-stuck ako sa niyebe at iniwan ko si Tagpi sa tabing-daan. Pinlano ko na bumili ng tire chains at sempre shovel para alisin sya sa pagkakabaon sa snow. Kaso [...]

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes