Kryptonite

January 1st, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 16 Responses

xrayDi ko na-enjoy ang holidays. Kakalabas ko lang ng Q.I.

Halos dalawang linggo na kasi akong inuubo, natabunan na ng plema (ekskyusme po) ang buong pagkatao ko. Di na ako makahinga. Feeling ko ako si Superman na sinabitan ng green kryptonite. Hinang-hina na ako. Hinahapo. Nung una, para lang akong si Inday Garutay, di nagtagal, nawala na ng diretso ang boses ko.

Kaya takbo na ako sa ospital.

Sempre dahil wala namang dumudugo sa yo, kahit nasa emergency room ka pa, maghihintay ka pa rin. Para din akong sumasalang sa mga job interviews dahil nakailang tao at tanong din ang dinaanan ko bago pa ako ipinasok sa loob ng mga clinics.

At dahil di ako makahinga, sinalpakan nila ako ng nebulizer. Nakatulong naman. After two days na para akong hinihika, nakahinga na rin ako ng maluwag sa wakas. Idinaan din ako sa isang malaking xerox machine. Piniktyuran yung likod ko kung andun pa daw ang baga ko.  Awa ni Lord, andun pa naman.

Me nakita pa nga silang kakaiba. Me nakasalpak daw na bakal na mga isang pulgada sa loob ng tagiliran ko. Kaya dalawang doktor ang lumapit sa akin at pinag kakapa ang likod ko. Sabi ko baka naiwan ko yun nung nasa perya pa ako at lumululon ako ng espada. Di ako pinansin.

Matapos ang labing siyam na pagmumuni-muni, Acute Laryngitis at Bronchitis daw. Ganda ng bagong taon ko, me bwena mano regalo agad.

  1. p0kw4ng says:

    wow magandang pang bagong taon yan! galing ding tumayming ng katawan mo ano? sabay sa putukan!

    pagaling ka!

    p0kw4ng’s last blog post..Unang araw ng EB..(EggBall)

  2. mtoni says:

    kelangan mo lng pala ay gamot, at iwas ka muna sa malamig na inumin at videoke.

  3. cindyrella says:

    nice one! ayos ba mag new year ng ganyan? at tinanggal na ba nila ang natirang bakal sa tagiliran mo? tsk tsk! hanep ka talaga! LOL!

    cindyrella’s last blog post..Love Bus

  4. itot says:

    sajang ganyan tol kapag nagkakaedad na! ahehe! iinom mo lng yan ng maraming kalamansi at oregano.

  5. Jason says:

    iinom mo lang yan ng maraming tubig. tapos think positive na din. hehe. Happy NEw Year!

    Jason’s last blog post..Make It Mine in 2009!

  6. Ambo says:

    Pahinga lang katapat nyan kapatid at STOP SMOKING! hehehehe. Pagaling ka kapatid!

    Ambo’s last blog post..Thank You 2008

  7. Fatherlyours says:

    Pareho pala nayong na injury bago mag new year.Ako hanggang ngayun may sipon. Pero work pa rin. Naka leave ang visor ko. Umuwi ng province.Inuman molang yan ng isang boteng cough syrup sigurado high ka na.hehehe.Happy new year po!

    Fatherlyours’s last blog post..Happy New Year to All

  8. joshmarie says:

    get well kuya. happy new year!

    joshmarie’s last blog post..HAPPY VALENTINE’S DAY!

  9. vhonne says:

    ok pala un eh… nakalibre ka sa paputok… ehehe… ndi pa mababawasan ang daliri mo sa paputok mo… baga lng cguro ang mauubos… ehehe… happy new year…

    vhonne’s last blog post..Goodbye at Welcome!

  10. ronturon says:

    At akalain mong hindi ka na ata nawalan ng sakit parekoy.. naku yaan mo at magsasawa ang sakit sayo at lulubayan ka rin nila. :P

    HAPPY 2009! Naway mas maging kapaki-pakinabang ang taon ito at naway maging malusog at maayos ang buhay natin. hindi nila. tayo lang! wahahaha! dyok lang. Dapat nating lahat!!!!

    HAPPY NEW YEAR!!!

    ronturon’s last blog post..Jay Manalo (UPDATE)

  11. kotsengkuba says:

    Mag-iisang linggo ka nang walang follow up post bossing. Ayos ka lang ba jan? Pagaling ka na, inom ka ng gatorade para mawashout ang bacteria wo dehydration

    kotsengkuba’s last blog post..My first Cebu Pacific flight: Beggars can’t be choosers

  12. chezza says:

    Pa flu-virus ka kc o baka ikaw may dala ng virus?, he,he,he….

    chezza’s last blog post..New Year’s Resolution

  13. BURAOT says:

    tenkyu mga peeps sa pagdalaw. kakalabs ko lang ng ospital eh. nayari ako ng kung ano.

  14. edelweiza says:

    akala ko di ka tinatablan ng sakit kc sanay sa mikrobyo ang anak ni kulapo…hehe.kidding aside, good to know na ok ka na. :)

  15. BURAOT says:

    akala ko din nga, eh. hehehhe. sumasablay na yung agimat na pamana ng tatay ko. hehhee.

  16. [...] bago magpasko at bagong taon, dalawang pasyal ako sa ospital. Nung pangalawa nga, itinambay na ako doon ng ilang araw. Andaming mga doktor kwak kwaks na [...]

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes