Babangon Ako’t Dudurugin Kita!
Babangon ako at dudurugin kita…. peste kang ahem ka!
Naulanan ako ng snow. Dumating si Ahem. Di na umalis. Dumaan ang pasko. Makalipas ang Pasko, pumasyal na ko ng QI noong 29, di na kasi kaya ng powers ko. Pinauwi din ako, pinabaunan na lang ako ng agimat. Nakapag online ako nung Jan.1. Nag-email sa ibang trops, bumati sa ilang prensheeps sa prenster, nag post ng blog.
Yun na. Nawala na yung baga ko.
Pagdating ko ng ospital, napansin nila, kulay talong na ako. Ibinalandra na ako sa ER at pinagpyestahan ang aking pagiging kyut. May tumusok sa kaliwa ko, me isinalpak na tubo. Sa kanan ko, me kumukuha ng BP, sa harap ko, me isinalaksak sa loob ng bibig ko, tumagos ata hanggang pwet ko sa sobrang haba. Sa ilong ko, me nakabalandrang tubo ng oxygen. Sa me paanan ko, me isang malaking makina na parang polaroid na kumukuha ng piktyur ko.
Lahat ng yun habang sumusuka na ako.
Habang pinagpipyestahan nila ang katawan ko, tumatakbo lang ang utak ko. Esep esep ko, ngayon na ata ang totoong expiration date ko. Hawa, di pa ako gaanong ready. Di pa updated ang will ko. Di ko pa naiibili ng helo kitty na kotse ang unica hija ko. Pero esep esep ko din, kung talagang boundary na ako, la ako magagawa.
Nung maging stable na ako, iniakyat na ako para eksaminin.
Na-confine ako ng Jan 1. Lumabas ako ng Jan. 5 ng gabi. Sa loob ng ilang araw na yun, galon galong dugo ang kinuha sa akin para icheck. Butas butas na ang magkabilang braso ko, di pa rin nila malaman ang totoong sakit ko. Maraming suspek. Bad case of bronchitis, whooping cough, arthritis related pneumonia, flu, or baka daw kakaibang virus na nakuha ko mula sa Africa. Kaso lang, di naman ako napapasyal sa Africa.
Marami ding doktor at espesyalista ang tumingin sa akin. Ginawa akong instrumento ng syensya. May doktor sa pulmonya, respiratory, family medicine, sa arthritis, at kung anu ano pa. Dalawa lang naman ang complain ko, pesteng ubo at ang pagsisikip ng paghinga, dala siguro ng matinding plema na nakabara sa dibdib ko.
Pero to make long story short, nakalabas na ako. Di bale nang di nila malaman ang sakit ko, sa ibang araw na lang yun, baka sakali. Sa ngayon, gamot gamot pa rin sa ubo. Pinadalhan din nila ako ng inhaler kung sakalaing magsisikip ang paghinga ko.
Para sa kin, pesteng ahem lang naman ang pangunahing suspek.
This entry was posted on Tuesday, January 6th, 2009 at 11:12 am and is filed under KABILANG IBAYO, SAKITCHUPOY. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
























BURAOT January 6th, 2009 at 3:14 pm
tenks kosa. eto tambay pa rin sa bahay… haaayyyy!