Huling Hirit 2008
Dahil inabot ako ng pasko at bagong taon sa mental ospital, maraming mga dapat na posts ang di ko naisalpak. Ang aking mala-impaktong year-ender post, mga maalaala mo kaya, mga pasasalamat sa mga cachupoy na nagdaan, mga bumwisita, nangulit, umepal, mga walang kamatayang nagkumento ng “nice blog, x-links?”.
Mga alagad ni kulapo na naging parte na ng aking blogroll, mga nanalo sa mala-impakto kong pautot na sinapian ni kulapo, mga nagmamatyag, mga pasilip-silip sa mga sides sides. Mga chikababes na walang sawang sumisilip kung gano ako ka-kyut, mga chickboy (pwede sa chick, pwede sa boy) at mga straight at mga barako na kahit walang inuman ay patuloy na namumulutan dito sa site na ito.
Mauubos ang page ko kung isasalpak ko kayong lahat. Tutal, lahat naman kayo ay nasa blogroll ko na… Salamas sa inyong lahat! Sana’y maging mas masaya ang taong 2009 para sa ating lahat na mga walang magawa sa buhay!
At dahil naging successful ang ating mala-impaktong Sikatchupoy si Buraot Contest, sa darating na mga araw ay magpapakulo tayong muli.
Bilang panghuli, narito ang regalo ni Itot sa kanyang pagkapanalo ng
$300 sa ating Sikatchupoy si Buraot Contest!
This entry was posted on Thursday, January 8th, 2009 at 11:42 am and is filed under KRISMAS AT VALENTAYMS, SAKITCHUPOY. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
























Fatherlyours January 8th, 2009 at 3:37 pm
Ang tindi. Pwede na gumawa ng T.V. series.
Fatherlyours’s last blog post..The Difference